Chapter 54

181 4 0
                                    

Chapter 54

-Andy's Point of view-

"Delos-Reyes, Kythrea Andryline, L." Umakyat ako sa stage dahil sa tinawag ang pangalan ko.

Nag pra-practice kami ngayon para sa gaganapin na graduation sa darating na biyernes. Miyerkules pa lamang ngayon at may isang araw pa kami para mag handa para sa lahat. Magaling na ako, dahil sa pag aalaga saakin ni mommy. Si heana naman ay laging naka tingin saakin ng masama, sya na nga tong may ginawa saakin sya pa ang galit. Kung pwede ko nga lang syang sapakin ay nagawa ko na. Pero ayoko naman ulit maparusahan dahil sa graduating na ako, at baka pag ginawa ko iyon ay hindi pa ako maka graduate. Kaya okay lang, dahil ayos naman ako.

Bumaba ako ulit at umupo sa upuan ko. Mag kahiwalay ang upuan ng mga babae at upuan ng mga lalake kaya malayo saakin si Charlie. Sayang nga lang at matagal pa ang practice namin. Matagal ko tuloy syang hindi makakausap, pero mamaya naman ay may recess kaya ayos lang. Itong nga nakaraan na araw ay puro pag hahanda ang ginagawa namin, naibigay na rin saamin ang dapat ibigay. Mula sa susuutin mula ulo hanggang paa. Sa darating na Junior high school night ay kami na ni Charlie ang mag ka date, hindi na daw dapat pang tanungin iyon dahil matic na.

Nung tawagin ang pangalan ni Charlie, ay nakatitig lang ako sa kanya kung paano sya gumalaw at kung paano sya makipag kamay sa mga estudyanteng sa tingin ko third year pa lang, siguro ay sila ang kinuha upang tumayo munang mga guro. Unang babae ay nakatitig pa sa kanya, pangalawa ay halos yakapin na ang boyfriend ko, at ang pangatlo ay parang gustong mag lumpasay sa sahig dahil sa nahawakan nya ang kamay ng boyfriend ko. Yung mga katropa ni Charlie ayon tawa ng tawa.

"Ah, miss. Paki bitawan yung kamay ko." Rinig kong pag ba bawal ni Charlie sa babaeng pag huli.

"Kuya anong pangalan mo?" Hindi pa rin nya binibitawan ang kamay ni Charlie kaya napa cross arm ako.

"Uhm, bitawan mo muna yung kamay ko. May magagalit" napangisi tuloy ako sa sinabi nya.

"Hindi, wala naman si Sir e. Omygod, crush na kita! Ang gwapo mo! Kuya anong number mo?"

Muntik na tuloy na mahulog ang panga ko sa sobrang Kapal ng muka nung babae. Hindi ba sya nahihiya at maraming naka tingin sa kanya? Sinisiko na ako ni aubrey pero hindi ko iyon pinapansin. Gusto kong makita kung paano ang isasagot ni Charlie sa babaeng iyon.

"Hindi ko tinutukoy si Sir, bitawan mo ang kamay ko kung ayaw mong masapak ng girlfriend ko" taas babang kilay ni charlie.

"E? Sino ba yung girlfriend mo?" Ang tapang talaga ng hiya.

"Miss, kung pwede lang. Pakibitawan na yung kamay ko, kung ayaw mo ay baka Ihulog na lang kita sa stage na ito at hindi kana maka graduate next year, ang kulit mo." Talagang hinigit ni Charlie ang Kamay nya at tsaka bumaba ng stage. Ayon napahiya yung babae at nag tawanan ang lahat.

Wala pa naman yung teacher namin kaya kinuha ko muna yung cellphone ko at pag ka bukas ko ay nakita ko agad ang message sakin ni Charlie. "Sorry" Napangiti agad ako sa message na iyon.

Hindi ko na lang sya nireplayan dahil sa mamaya naman ay makakausap ko sya, sayang lang yung load ko. Sumandal ako sa upuan ko at hinintay na matapos ang aming practice.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon