Chapter 57

157 4 3
                                    

Chapter 57

-Andy's Point of view-

Yakap ko sya.

Ayoko syang bitawan,

Ayokong lumayo sya saakin. Gusto kong pigilan ang mga luhang nag babadyang lumabas, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Sobrang sakit sa loob ko dahil sa hindi ko masabi sa kanya, pinipilit ko lang ang sarili kong ngumiti sa harapan nya para hindi sya makahalata. Apat na taon lang naman, pero mukang hindi ko iyon kakayain dahil sa sobrang tagal noon.

Sa susunod na araw na ang alis namin, kasama ko si Ann/Anton para ma bigyan ng trabaho sa ispanya. Natahimik ako, gusto ko ng sulitin ang mga oras na kasama ko sya, pakiramdam ko ay hindi ko kaya. Sana pag dating ng panahon ay maintindihan nya kung bakit ko iyon ginagawa, sana balang araw malaman nya na hindi mag babago ang pag mamahal ko sa kanya.

Natapos ang kanta, first dance iyon,at nag patutog ulit sila ng bagong tutog naupo muna kami dahil sa nakakangawit. Bumalik kami sa table namin na hawak hawak nya ang kamay ko. Ayokong bitawan ang mga iyon, Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa dapat ay masaya ako dahil sa kasama ko sya. Pero paano ako sasaya kung may bagay akong hindi masabi sa kanya.

"You okay?" Tanong nya.

Ngumiti ako sa kanya. "Of course, bakit hindi naman ako magiging ayos?" Sabi ko sa kanya at tsaka ako humilig sa balikat nya. Pinag siklop ko ang mga ma kamay naming dalawa.

"Nothing, hindi ba nangangawit sila Russel? Tignan mo" Napatingin ako roon, inakbayan nya ako para maging komportable ako lalo. Nakita kong tumatawa si aubrey at Russel habang nag sasayaw, napangiti ako dahil sa alam kong ayos na silang dalawa.

Mamimiss ko sila, bakit ba kasi kailan na mangyari ang ganitong bagay? Hindi naman ako pupunta ng Spain para mag aral lang. May sakit na ang tatay ko,at kailan na ayusin ang dapat ayusin. Dahil saakin nya ipapamana ang lahat ng ari-arian nya mula sa pilipinas hanggang sa Spain. Nung una talaga tinatanggihan ko iyon pero mapilit ang ama ko.

"Charlie, may tanong ako." Sabi ko sa kanya.

"Ano naman yoon?"

"Pag ba kungwari umalis ako ng walang paalam magagalit ka? Kungwari pupunta ako ng mall ganoon." Ano ba itong tinatanong ko?

"Sa tingin ko hihingin ko muna ang rason mo kung bakit mo iyon nagawa, kasi baka bumili ka pala ng kailan mo at hindi kana nakapag paalam dahil sa kamamadali. At kung ayos naman ang rason mo, bakit ako Magagalit?" Mas lalong sumikip ang dibdib ko.

Hindi ko na lamang sya sinagot at tinitigan ko na lang ang mga kabarkada kong nag kakatuwan sa gitna ng dance floor. Kuntento ako ngayon kung ano ang ginagawa namin, Kuntento ako dahil sa hawak ko ang kamay nya at hindi sya malayo saakin. Napapangiti na lamang ako dahil sa naaalala ko yung masasayang bagay na nagawa naming dalawa. Pero mas lalo akong nalulungkot dahil sa magiging alaala na lamang ba ang mga iyon?

"Mag c-cr lang ako." Sabi nya. Napatingin ako sa kanya.

"E?" Nguso ko.

"Haha, gusto mong sumama? Nako Mi amor, ikaw ha." Napairap ako. "Sige na nga, Halika na. Hintayin mo na lang ako sa labas." Agad akong tumayo at sumama sa kanya. Ang weird ko, mag babanyo lang naman sya tapos gusto kong sumama?

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon