Chapter 9

363 11 3
                                    

Chapter 9

-Andy's Point of view-

"Anak gising na. May pasok ka pa" tapik sakin ni mommy.

"Ayokong pumasok mom" nakapikit pa ako.

"Tatlong araw ka ng hindi pumapasok. Nag ti-text nasa akin yung teacher mo." Alam kong nag aalala na saakin si mommy. Pero hindi pa kasi talaga ako handang harapin sila aubrey, nathan, Ivan, Russel, at lalong lalo na si Charlie, at si heana. "Konting panahon na lang naman at gra-graduate kana. So ibig sabihin makakaalis na tayo." Bumangon ako at sumandal sa head board ko. Tumabi sakin si mommy at tinginan ako.

"Di ko alam mom." Sabi ko. Tatlong araw, tatlong araw na akong hindi pumapasok. Dahil na rin siguro sa takot? Takot na baka husgahan at takot na mas lumayo sakin si Charlie? At kaba? Kaba na hindi ko kayang makita yung dalawa.

"Kung iniisip mo na makikita mo syang masaya. Hayaan mo na lang, sabihin mo na lang sa sarili mo na ang lahat ng sakit na naramdaman mo ngayon ay syang ka palit ng tuwa na darating sa buhay mo. Hindi man ngayon" speechless Niyakap ko si mommy. "Mag bihis kana." Tumango ako. At naramdaman kong hinalikan ako ni mommy sa noo.

"Thanks for everything mom. Your the best." Ngumiti sya. Lumabas sya sa kwarto ko at agad naman akong humarap sa mirror ko na nakadikit sa aparador ko.

Pumayat ako, magulong buhok, at mga eye bags na umeere sa mata ko. It's time to change.

Agad akong kumuha ng twalya at pumasok sa banyo. Inayos ko muna syempre ang isusot kong uniporme. Inayos ko rin yung gagamitin kong pangligo. Nag shower ako, nag shampoo, at nag sabon, at nag conditioner.

Tama sila mommy. Bakit ba ako nag kakaganito? Marami pang lalake dyan, andyan pa si nathan. Siguro yung natutunan ko ngayon, yung wag kang mag mahal ng sobra kasi talagang darating sa point na mauubos at mauubos ka. Hindi pwedeng puno ka lagi, hindi pwedeng malakas ka lagi, kailangan mo ring tanggapin na kahit minsan kailangan mo rin Ilabas ang lahat.

Pag katapos nung pagligo ko. Agad din akong nag bihis. Habang nag susuklay, napansin kong masyadong mahaba ang buhok ko at hindi bagay sa personality ko. Siguro mamaya ay mag papagupit ako.

"Mommy!" Sumigaw ako. Nakangiti na ngayon.

"Finally, at papasok ka na rin." Sabi ni mommy habang inilalagay yung konting rice at bacon sa Plato ko. Nakahanda na rin yung favorite kong chocolate coffee.

"Now I realize." Ngumiti muna ako. At nag simulang kumain. Mabilis lang akong kumain at tumayo agad.

"Mom, mauna na ako. Mali late na ako."

"Take care sweetie." Sabi ni mommy. Humalik ako sa pisngi nya. Lalabas na sana ako nung tawagin nya ulit ako. "Andy! By the way congrats sweetie, second runner up." Nag thumbs up pa sya.

Nagulat pa ako, pero sobrang Natuwa ako.

"Kuya, pahatid po ako." Ngumiti ako. Nag lilinis sya ng kotse namin.

"Ay maam! Sige po."

Agad akong sumakay, at agad nya rin naman akong hinatid sa school.  Tahimik lang kami ni kuya Robert. Driver namin. Nung maramdam kong nag vibrate ang cellphone ko.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon