Chapter 2

649 11 0
                                    

Chapter 2

-Andy's Point of View-


*Kring kring kring*


Mabilis kong kinapa ang cellphone ko and without looking on it I answer the phone.


"Hello? Good morning, may I know who is this?" Naghikab pa ako, at umayos ng higa.


"Good morning, tol. Nakalimutan mo na agad ako?" Kilala ko ang boses na iyon. Napadilat ako ng mata at noong tignan ko ang screen ng cellphone ko ay nakumpirma kong siya nga iyon.


"Gago, hindi. Inaantok pa kasi ako. Napatawag ka?" Nakakapanibago na tinawagan nya ako ngayong umaga.


"Wala naman. Kamusta pakiramdam mo? Nag aalala ako sayo." Napairap na lang ako.


'Sana lahat ng iyon ay totoo,'


"I'm okay. Bakit ka naman mag aalala e, malakas to." Natatawa pang bida ko. Narinig ko naman syang nag buntong hininga.


"Sorry ah." napakunot na lang ang nuo ko dahil sa sinabi nya.


"Sorry for what?"


"Hindi kita naihatid kahapon."


Parang may humaplos naman sa puso ko. "Ano ka ba okay lang. Nakauwi nga ako ng ayos diba? Tsaka hayaan mo na yoon." Napangiti naman ako agad.


"Thank you. Nakagayak kana ba?"


"Duh? Kagigising ko lang! Hindi pa ako nakakaligo o nakakapag hilamos man lang." Maarteng sabi ko.


"Sige na maligo kana, naaamoy na kita hanggang dito," Narinig ko pa ang pagtawa niya. 


"Daanan na lang kita mamaya, I will text you okay?"


"Sige. Ikaw rin mag ayos kana." Papatayin ko na sana noong nagsalita pa siya.


"Andy, wait."


"Bakit?"


"Sa labas na tayo mag breakfast, libre ko. May sasabihin din sana ako sayo."


"Sure. Sabihin ko na lang kay mommy, gotta go." Tuluyan ko nang ibinaba ang tawag at tumayo na rin upang makapag ayos na. Habang nasa loob ako ng banyo ay hindi ko maiwasan ang hindi magisip.


Ano naman kaya ang sasabihin niya? Bigla akong ginapang ng kaba dahil doon. Noong matapos maligo ay nag-ayos na ako at bumaba na. Habang pababa ay nakita ko si mommy. Nakaupo at nag kakape lumapit ako sa kanya at nag paalam.


"Morning mommy," batik o sa kanya.


Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon