Chapter 38

253 8 0
                                    

Chapter 38

-Charlie's Point of view-

"Sorry na nga mommy!" Nag mamakaawang sigaw ko.

"Bakit mo naman kasi ginawa yon?"

"I have reasons naman kasi!"

"Ay sya, ano pa bang magagawa ko? Ginawa mo na, pero hindi ako natuwa Charlie."

Tumayo sya at umalis. Sinabi ko sa kanya kung ano yung nangyari at eto ang kinalabasan, pinagalitan nya ako. Pero kilala ko naman si mommy hindi naman nya ako matitiis kaya maya maya ay mag babati rin kaming dalawa. Pumunta ako sa kwarto ko at naligo muna bago humiga. Nakakapagod ang araw na ito. Hindi ko pa ulit nakikita si andy, pero nakausap ko na sya Kaninang Umaga. 

Kinuha ko sa side table ang Cellphone ko at dina-ial ang number nya. Ilang ring pa bago nya iyon masagot. Ano kayang ginagawa nya?

"Hello?"

"Hi!" Bati nya pabalik.

"Gusto kitang makita."  Wala sa sariling sabi ko.

"Same, pero gabi na." She replied.

"Video call tayo."

"Sure, open ko lang yung loptop ko." Ginawa ko rin kung ano yung ginawa nya. Kinuha ko sa side table ang loptop ko at binuksan yon.

Pagka bukas ko ay binuksan ko agad ang Facebook account ko, pag ka log in nakita kong sumasabog sa dami ang notifications ko. Pero binalewala ko iyon at kinausap muli si Andy.

"Na buksan ko. Papatayin ko na." She hang up. Moments later, I smiled because she's calling right now.

Inayos ko muna ang buhok ko bago ko iyon sagutin. Medyo dim na ang kwarto nya, siguro ay matutulog na sya kanina. Kahit sa camera ay ang ganda ganda ganda nya ng sobra. Lalo na nakangiti sya ngayon saakin. Gusto ko tuloy na pumunta sa kanila para yakapin sya, baliw na nga talaga ako. Baliw na baliw sa kanya.

"Hi" Bati ko.

"Good evening, anong ginagawa mo?" Dumapa sya kaya Dumapa na rin ako. Naka pang bihis na sya ng pantulog, pero nakakapag taka, Atleast ma mahaba ang short nya ay maikli iyon. Hindi na ata mababago sa kanya ang ganon.

"Wala naman, ikaw? Miss na kita." Sabi ko.

"Tatawagan sana kita kanina pero naunahan mo ako." Inayos nya ang buhok nya.

"Hindi mo ba ako na mimiss? Miss na kita!"

"Parang isang araw lang tayo hindi nag kita, baliw ka talaga hano? Sya sige bukas mag kita tayo." Alam kong nag bibiro lamang sya.

"May gagawin ako bukas, importante. Gusto mo bang sumama? Wala akong kasama" Tumango ako.

"Huh? Sa'an naman?"

"Mag papa-book ako ng flight." Maikling tugon ko.

"Aalis ka?"

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon