Chapter 44

213 5 0
                                    

Chapter 44

-Andy's Point of view-

"Tigilan nyo nga si Andryn!"

Nakapamewang kong Banta sa kanila. Kung makatitig sila sa bata ay parang kakainin nila ito ng buhay, kaya ayon si andryn ay kumaripas ng takbo papunta saakin at nag pa buhat. Agad ko naman syang binuhat para ilayo sa mga kaibigan ko na sa tingin ko ay nangangain na ngayon ng mga bata.

"Aw, why so cute?" Parang nananaginip pa si Aubrey nung sabihin nya ang mga katagang iyon. Kararating lang nila kanina, at heto nung makita nila si andryn ay hindi na nila inalis pa ang paningin rito. Nung una ay nagulat pa sila at para bang na freeze pa sila nung pag buksan ko sila ng pinto at nung makita nila si andryn na nakayakap kay Charlie habang natutulog.

"Tinatakot nyo yung bata. Mga baliw kayo" sabi ko at humakbang paatras.

"Mommy sino sila? They look like monster's." Napatawa ako ng maikli nung sabihin nya iyon.

"No baby. Hindi sila monster's, friend ko sila at friend din sila ng daddy mo." Napatango pa sya at tsaka pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan ko na ngayon ay nakatitig lang saamin at sa tingin ko ay nakikinig na rin. Si Russel ay halos matuluan na ng laway habang nakatitig saaming dalawa na bahala naman ako kasi baka sunggaban na lang kami rito ng tatlong ito at kainin, nakakatakot talaga silang tatlo ngayon.

Buti na lang at bumalik na si Charlie. Nangunot ang noo nya sa nakitang pwesto namin. Ha! Lagot kayong tatlo kayo. 

"What's happening?"  He asked and he look at me.

"Tinatakot nila yung bata, buti na lang dumating kana. Pigilan mo nga yan, nakakakot sila." Napapailing kong sambit at inilapag ulit si Andryn sa kama ko.

"Kayo!"Turo nya sa tatlo na nakapag balik ng mga wisyo nila "Kumain na kayo, at anong balak nyo? Kumuha na kayo ng room nyong tatlo sa Ibang resort!" Pinag babato nya pa ng mga unan ang mga ito.

"Gusto lang naman naming nakilala si baby." Sabi ni andryn at niyakap si andryn.

"Well, hindi nakikipag kaibigan ang anak ko sa mga baliw." Tugon ko. Nanlaki ang mata ni aubrey at pumamewang habang naka upo.

"Ako baliw? Hoy! Grabe naman ang pangaasar mo! Alam nyo, ang O.A nyong dalawa. We're just staring  that kid, at anong anak mo? Kailan ka pa nag ampon?" Tumayo na rin sya at the same time, tinuro turo nya pa ang sarili nya na para bang pinapaalam nyang sya talaga yon.

"Oo nga!"sang-ayon naman ng dalawa sa likod nya. Si Ivan ay nagiging madaldal na rin minsan.

"To be honest, aampunin naman talaga namin ang batang Iyan." Wika ni Charlie.

Katahimikan. Tanging pag aayos ko ng gamit ang maririnig sa loob ng kwartong ito, napatingin ako sa kanila dahil Nakatalikod ako. Nakanganga na sila ngayon, at hindi mo makikita ang aubrey na madaldal, hindi mo makikita ang Russel na bully, at hindi mo rin makikita ang Ivan na tahimik. They all shocked. Napatawa na lang ng malakas si Aubrey nung maka recover sya.

"You're kidding right?" She laughed so loud!

"No, we're not." Tinapik ko ang balikat nya at kinuha ulit si Andryn para paliguan na.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon