Chapter 80

174 6 2
                                    

Chapter 80

-Andy's Point of view-

"Welcome back to boracay!"

Sabay sabay kaming nag sigawan nung marinig namin ang anunsyong iyon. Nagwawala sa saya ang nga barkada ko at ang dalawa kong kapatid. Ako naman ay tuwang tuwa dahil sa nakabalik kami rito ulit ngayon. Walang pinag bago ang boracay, pero mas lalo itong gumanda at nadagdagan ang mga resorts,kainan,at iba pa.

Dala dala ko ang maleta ko na pilit na kinukuha ni Charlie dahil sa ayaw nya akong mahirapan pero ayoko itong ibigay sa kanya dahil meron na syang dala dalang gamit nya.

"Akin na kasi," pag pipilit nya saakin.

"Ayaw nga, mahihirapan ka. Tsaka kaya ko naman," ngumiti ako sa kanya ng para bang walang bukas.

"Sigurado ka?" Tanong ng nya saakin kasabay ng pag bitaw sa maleta ko.

"Yes, kaya tara na baka mahuli pa tayo at mawalan tayo ng room." Aya ko sa kanya na tinanguan naman nya.

Pumunta agad kami sa kanya kanya naming room, mag ka room pa rin kami ni Aubrey at yung datig gawi parin sa boys, nakakapagod man pero sulit naman dahil kasama ko sila. At sa totoo lang sobrang saya ko. Masaya ako. 

Pumasok ako sa room namin ni Aubrey at nakita ko naman agad na nakahiga na sya.

"Nakakapagod!" Sabi nya saakin.

"Pahinga ka muna kaya?" Sabi ko sa kanya habang inaayos ang gamit ko.

"Matutulog muna ako saglit ah," hindi ko na sya sinagot dahil alam kong pagod na sya .

ako rin ay humilata muna sa kama ko at pinikit ang mga mata ko dahil antok parin ako hanggang ngayon. 

Nung magising ako kinahapunan ay biglang nagutom ang tiyan ko, naalala ko tuloy na hindi papala ako kumakain simula nung makarating kami rito. Mabilis akong nag palit ng damit para makakain na. Wala na rin si aubrey dito. Iniwan na kaya nila ako? Pag kalabas ko ng kwarto ay dumaretso ako sa may kwarto ila Charlie para sana ayain silang kumain. Pero nakailang katok na ako ay walang sumasagot. Kaya naman hindi ko naiwasang kabahan ng bigla. 

Sinubukan kong tawagan si Charlie at buti na lang sinagot nya agad iyon. 

"Asan kayo? Kanina pa akong nag hahanap sa inyo" Sabi ko habang nakatayo lang sa may harapan ng kwarto nila kuya. 

"Nasa baba lang kami, asan kaba? Pupuntahan kita" Sabi naman nya agad saakin. 

"Nasa harap ako ng kwarto ninyo. See you" Binababa ko na agad ang tawagan at nawala na rin ang kaba sa dibdib ko. 

Ilang sandali pa lamang ay nakita ko na agad si Charlie. Mabilis rin syang lumapit saakin. 

"Sorry hindi kana namin ginising dahil sa alam naming pagod ka" Pag papaumanhin nya sakin. 

"Ano ba, Okay lang naman e. Pero sana sa susunod gigisingin na ninyo ako, kinakabahan kasi ako pag gising ko wala kayo." Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan ito. 

"Yes misis ko." Biro nya saakin. Na syang kinangiti ko naman. 

"Alam mo kung mag aalok kana ng kasal, ngayon na. Pinapatagal pa kasi e" Pinilit kong magbiro habang binabaybay namin ang pababa. 

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon