Chapter 34

268 5 0
                                    

Chapter 34

-Heana's point of view-

Nakatingin ako sa dalawang taong ngayon ay mag kayakap. Nanggilid naman ang mga luha sa mata ko.

Dapat ako yon, ako yung dapat na kayakap ni Charlie at hindi Itong si andy. Hindi maaari ang ganito, kailangan ay gumawa ako ng hakbang para magpaghiwalay sila sa lalong madaling panahon.

Hindi kasi ako papayag na ako yung nasasaktan. Natuto ako dahil sa mga bagay na dapat ay hindi na binabalikan pa.

Sumakay na ako sa kotse ko at Pinunasan ang mga luha sa mata ko, dapat ay hindi ako ang umiiyak dahil talagang ako naman ang panalo. Sinimulan kong mag maneho papunta sa isang Cafe.

Kinuha ko rin ang cellphone ko at dina-ial ang taong dapat kong tawagan.

"Hello?" Tanong nya.

"Hi, I need your help. Pumunta ka sa cafe na itetext ko ngayon, bye." Halos itapon ko ang cellphone ko sa passenger seat. Binilisan ko pa lalo ang pag mamaneho.

Nag park lang ako ng kotse ko, at agad ko rin na dinampot ang cellphone at wallet ko. Padabog kong sinarado ang pinto ng kotse ko at pinindot yung lock botton sa car key ko.

Pumasok ako sa loob at umupo agad, Ilang minuto pa akong nag hintay at natanaw ko agad ang tinawagan ko.

"I'm sorry I'm late." He said. Yes, he! Lalake.

"Lagi ka na lang late, dito ka na ba talaga mag aaral ng kolehiyo mo? Hindi ako makapaniwala na ang laki na pala ng pinag bago mo," sabi ko at uminom ng mainit kong kape.

"Yes, iba kasi sa Ibang bansa. Natutukan kasi ako nila mommy kaya ganito, nag aral ako ng mabuti." Aniya at sumandal.

"Edi good."

"Ano nga palang kailangan mo saakin? Kararating ko lang ay may kailangan ka na agad? Hindi ka na talaga nag bago." Iling iling nya pang ani.

"Tsk tsk, Xander. I'm not the old Heana, everything was change, pati ikaw. Nag bago ka na rin naman diba? Xander Sy." I smirked, he also smirked.

Xander Sy, my Ex-boyfriend. Naging kami nung first year of high school, crush ko sya noon, at crush nya rin ako noon, well niligawan nya ako at sinagot ko naman. He is my first boyfriend, and also my first love. Pero sa kasamaang palad nag loko sya kaya napunta sya sa Ibang bansa. Ayon, break up ang kinalabasan naming dalawa. And now, mukang maayos na ang buhay nya, well congrats to him.

"Masyado ka namang seryoso." Nag palumbaba sya at tinitigan nya ako, para kaming may staring contest dahil sa eye contact na pinagpapalit namin, sya  ang sumuko at Iniwas ang tingin. "Ano bang ipapagawa mo?"

Kahit naman na hindi na kami ay ang sabi nya, tawagan ko lang sya pag may kailangan ako o may ipapagawa ako sa kanya.  Nung una ako hindi ko iyon tinanggap pero kailangan ko na talaga ang tulong nya.

"Meron kasi akong naging boyfriend. Tawagin na lang natin sa pangalan na Mr.Diamse, ngayon nag break kami dahil sa best friend nyang may gusto sa kanyaI want him back to my hands. I think this is so cheesy but I love him so much." Paliwanag ko.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon