Chapter 50

215 6 0
                                    

Chapter 50

-Andy's Point of view-

"Finally were home!" Napabukas ang mata ko sa sigaw ni Russel.

Kadadating lang namin galing Boracay, and yes we're home. Nasa tapat kami ngayon ng bahay namin, medyo masakit ang mata ko dahil kapipikit ko lang noon ay biglang nandito na pala agad kami. Napabuntong hininga ako, inayos ko ang sarili ko at agad na silang nag sibabaan. Hinahanap ko si andryn pero hindi ko sya makita. And finally I saw her, nakakandong kay charlie at natutulog. Pati si Charlie ay nakatulog na rin habang kandong ang bata. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Ang cute kasi nilang tignan. Ang taong mahal ko, at ang batang napamahal na saamin.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil ayaw kong makaligtaan ang moment na iyon. Tingin ko nga ay bawat segundo o oras ay mahalaga pag sila ang kasama kong dalawa. Kanina ay ang ingay ingay ni Russel sa eroplano katabi si Ivan, si aubrey naman ay katabi namin dalawa ni Charlie. First time na nakasakay sa eroplano si Andryn kaya medyo nag suka sya kahit pinainom namin sya ng gamot bago kami bumayahe. Kami naman ni Charlie ay to do alalay sa kanya. Ang cute nyang bata at talagang Matalino. Lumapit ako sa kanilang dalawa at tsaka ko pasimpleng tinapik si Charlie.

"Gising na. Nandito na tayo." Sabi ko at tsaka ko inayos ang buhok nya.

Medyo ngumiti sya at tsaka ako sinagot. "Angel ba ang tumatawag saakin?" Sabi nya. Hindi ko maiwasan ang matawa.

Sa wakas ay minulat na nya ang mata nya. "Hindi lang angel, dahil Reyna ng anghel" pabalik kong biro. Ngumiti sya saakin at tsaka Ngumuso.

"Weh? Kiss mo nga ako."Sabi nya. Binatukan ko sya sa sinabi nya.

"Kiss mo lelang mo. Halika na, pagod na ako." Pilit ko syang inaya. Tumango sya at tsaka maingat na binuhat si andryn.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan at tsaka nag lakad para makapunta sa front door. Lumunok muna ako dahil agad akong dinalaw ng kaba. Hindi ko pa kasi nasasabi kay mommy na kami na ni Charlie at wala syang kaalam alam sa sitwasyon ngayon. Sana lang ay maging ayos ang lahat. Kahit alam kong boto sya kay charlie ay kinakabahan parin ako.

Hinawakan ni Charlie ang Kamay ko dahil siguro nahalata nyang kinakabahan ako. "Everything will be alright. Smile Mi amor" nawala ang kaba ko para syang isang mahikero na nag papagaan ng lahat.

Isang malakas na buntong hininga ang Nabitawan ko. Tsaka kami pumasok, nakita ko si mommy na nakikipag kwentuhan kay Aubrey. May mga inumin na rin na naka handa. Nung makita ako ni mommy ay napangiti sya agad.

"Welcome back!" Masayang sabi nya. Niyakap ko sya.

"I miss you mommy." Sabi ko sa kanya.

Napabitaw sya ng yakap saakin at Humiwalay ako. Nakita ko kung paano mapukol ang paningin nya sa batang karga karga ni Charlie. Si charlie naman ay nakangiti. "Sya ba yung batang iyon?" Tanong ni mommy saakin.

"Yes mom, andryn." Sabi ko.

Agad syang lumapit at tsaka nya binuhat ang bata. "Ang gandang bata." Sipol nya at tsaka tumingin saakin. "Kamuka mo." Natatawa nyang saad. Napangiti ako dahil sa alam kong gusto ni mommy ng bata. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakikita ko ngayon si mommy at masaya na makita si Andryn.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon