Chapter 31

297 2 0
                                    

Chapter 31

-Aubrey's Point of view-

Nakatitig kaming lahat sa maamong muka ni andy na natutulog ngayon, malalim na rin ang gabi at nakasisigurado akong tulog na ang lahat ng kapitbahay.

Napatingin ako kay Charlie na ngayon ay nakatitig sa kanyang prinsesa at nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. Kala mo ay okay lang sya, pero alam namin na sa loob loob nito ay may galit at awa syang nararamdam.

"Ano kaya ang nangyari kung sakaling wala tayo roon?" Ako na ang nagbasag ng katahimikan na namamagitan saamin.

"Edi sana, wala na." Sabi ni Russel at tinabihan ako. Hinawakan nya ang kamay ko at sumandal naman ako sa kanya.

"Kung sakaling wala tayo ron, ay talagang patay tayo kay tita." Singit ni Ivan. Nakaupo lang sya, at si Charlie lang ang tanging nakatayo sa amin.

"Huwag na huwag syang magpapakita saakin, mapapatay ko talaga sya." Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Charlie ng mag salita sya.

"Dude, kumalma ka." Awat sa kanya ni Russel.

"Tell me kung paano ang kumalma? Paano?" Naka papangilabot ang boses nya at nung tumingin sya saamin.

"Wo-ah!" Pumiyok pa si Russel na katabi ko.

Katahimikan nanaman ang namutawi saaming apat.

"Pwede bang umuwi na muna kayo at may pasok pa kayo bukas" Lumingon saamin si Charlie, hindi na kami nag dalawang isip at tumayo na rin kami, medyo papikit na rin ang mata ni Ivan.

Tinanguan ko sila Russel at Ivan na sinyales na mauna na sila sa baba at kauusapin ko lang si Charlie. Nagpaalam pa muna sila kay Charlie bago tuluyan kaming iwanan.

Bawat yabag ng aking paa ay may ingat ako na inilalagay dahil hindi ko rin alam. Nung makalapit ako sa kanya ay hinawakan ko ang balikat nya at napatingin sya sa pagkakahawak ko.

Mabilis ko rin iyong inalis, umupo ako sa isang monobloc na katabi ng kama ni Andy. 

"Anong plano mo?" Tanong ko.

"Sa totoo ay hindi ko alam, ang gusto ko lang ay mamatay na ang lalaking iyon." Sabi nya at hinawakan ang kamay ni andy.

"Wag kang mabulag sa galit." Nginitian ko sya at tumayo na, kasi pakiramdam ko ay wala namang patutunguhan ang usapan na ito dahil masyado pang binubulag ng galit si Charlie.

"Aalis na ako," sabi ko. Tumango lang sya, papaalis na sana ako nung may marinig akong salita.

"I'm sorry Mi amor, sorry kung hindi man lang kita prinotektahan." Narinig ko ang mahinang hagulgol ni Charlie.

Napangiti na lang ako dahil sa nakikita kong mahal nya talaga ang kaibigan ko, mahal nila ang isat isa. Gusto ko man na gisingin si Andy at sabihin na 'na andyan si Charlie at hindi mo na kailangan na Mahalin pa si Nathan'

"Ang tagal mo naman?" Sabi ni Russel at hinila agad ako, sumakay muna kami sa kotse tsaka ako nag kwento.

"Kinausap ko muna si Charlie at tinanong ko sya." Paliwanag ko at may hand gesture pa.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon