Chapter 83

148 3 7
                                    

Chapter 83

-Andy's Point of view-

"Good morning baby" napangiti ako nung marinig ko ang boses ni Charlie. Nakapikit pa ako at yakap ko pa sya.

At oo, sa tabi ko natulog si Charlie. Sobrang sarap nyang katabi dahil whole time na natutulog kami ay yakap nya lang ako at parang ayaw ng pakawalan.

Minulat ko ang mata ko at nakita kong nakatitig sya saakin. Chineck ko agad ang oras. Tanghali na! Juskomiyo.

"Ops? Saan ka pupunta?" Natatawang tanong nya habang niyayakap ako at ayaw akong pakawalan.

"Maliligo ako! Tanghali na Charlie," inuuto ko sya para pakawalan na nya ako.

"Sabay tayo." Bulong nya saakin na syang kinalaki ng mata ko.

"Charlie ano ba!" Natawa sya ng malakas dahil sa sinabi nya. Baliw na ata talaga to.

"Ang aga aga ang pilyo pilyo mo." Sabi ko at napapatawa na lang din.

"Shh ka lang, sayo lang naman e" hinalikan nya ako sa pisngi.

"Pakawalan mo na muna po ako. At maligo ka na rin pag ka tapos ko." Sabi ko sa kanya. Sa wakas ay pinaka walan na rin nya ako.

Una akong pumasok sa banyo at naligo ng mabilis, ayokong mag hintay si Charlie sa labas. Sinuot ko ang bathrobe at lumabas ng banyo. Nakita ko syang nag aayos ng kama. Natawa ako dahil hindi ko alam na marunong pala sya ng ganon gawain.

"Tawa tawa ka dyan, hubaran kita dyan e!" Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya saakin! What the hell!?

"Subukan mo!" Sabi ko. Tinigil nya yung ginagawa nya at unting unting lumapit saakin.

Umatras naman ako ng umatras. Ano na! Anong gagawin nya saakin! Habang lumalapit sya saakin ay lumalaki naman ang ngiti nya. Ang Pilyo pilyo pilyo nya! Jusme.

"I said stop," natatakot kong sabi sa kanya.

"Sabi mo subukan ko? Halika gagawin ko na bilis." Gusto nya pala ng ganyan ah?

Atleast na umatras ay ako na mismo ang lumapit sa kanya. Tinitigan ko sya sa mata. As in malapit na talaga ako sa kanya. Napangisi ako nung nakita ko syang lumunok.

"Do what do you want now, Charlie." Atleast na sagutin nya ako.

He kiss me. Paking tape! What to do!?

Hindi pwede! Hindi pa kami kasal. Napalunok ako, gusto kong tumigil pero ayaw nung labi ko. Hanggang sa bumaba ang halik nya sa leeg ko.

Pero gulat ko ng bigla syang tumigil.

"Mag bihis kana habang nakakapag pigil pa ako." Sabi nya saakin.

"I love you," sabi ko sa kanya bago tumalikod.

"I love yoy too baby" sabi nya saakin bago ako tuluyang makapasok sa closet ko.

Sobra akong natutuwa dahil sa sobrang laki ng pag respeto nya saakin. Hindi ko ina-asahan na hindi nya talaga itutuloy. Natawa na lang ako dahil sa eksena kanina.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon