Chapter 10

361 12 0
                                    

Chapter 10

-Russel's Point of View-

"Aubrey wait lang naman." Reklamo ko habang dala dala ang mga shopping bags nya.

"Hala hindi! Sabi mo gusto mong sumama. Edi Ayan! Mag Sawa ka" Umirap pa sya at pumamewang.

"Oo nga, pero ayaw ko ng ganito." Wika ko.

"Arte nito! Kalalakeng tao e. Sabagay hindi ka naman nga pala lalake."

"Sino naman nag sabi sayo!? Halikan kita dyan e" bulong ko. 

"Ano? Ano yung sinabi mo?" Sabi nya. 

"Wala, ang pogi ko kako." Nag pogi sign pa ako.

"Muka kang tanga. Wag ganoon"

"Tch. Ano na? Tara na, ano pa bang bibilin mo mahal ko?" Biro ko. Nanlaki ang mata nya at inambaan ako.

"Anong mahal ko? Mahal ko? Uto! Tatandaan mo kahit kelan ay hindi ako papatol sa isang katulad mo! Babaero! Bakla!"

"Eto naman hindi mabiro. Haha! Joke lang. At ito rin ang tatandaan mo, same lang tayo hindi rin kita papatulan. Para kang parrot! Ang daldal mo" Nag flying kiss pa ako sa kanya.

"Ew!" Maarteng bida nya.

Napailing na lang ako at nag simula na syang Lumakad. Syempre sumunod naman ako, kahit hirap na hirap na ako kakabitbit ng shopping bags nya! Lumingalinga lang ako sa paligid nung biglang huminto sa pag lalakad si aubrey, kaya ang ending. Nabangga sya sa dibdib ko.

Agad nya naman akong hinarap para pagalitan nanaman. "Ano ba Russel? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Harap nya. Medyo natigilan sya dahil sobrang lapit ko sa kanya. Napa lunok pa sya, haha!

"Ikaw tong huminto. Tapos ako may kasalanan? Hanep. Iba ka" malapit ko na talaga syang batukan! Kababaeng tao kala mong Daig pa ang lalaki. Tomboy ata to e.

"Teka kasi!" Sumigaw sya at nag taas ng kamay.  Agad na lumayo at tinignan ako ng masama. "Nakita ko kasi sila Andy." Ngumiti sya at lumabas ang dimples nya.

"Ha? Sa'an?" Aaminin ko. Natuwa ako sa tuwing lalabas ang dimples nya.

"Ayon sila oh" Turo nya. Sinundan ko kung saan naka turo ang kamay nya. Nakita kong mag kahawak ang maya ni andy, at ni nathan? Sweet na sweet at parang wala ng bukas. Tulad ko ay dala nya rin ang mga shopping bags. Pero mas konti ang kanya kumpara sakin. Nakita ko pang pasimpleng hinalikan ni nathan ang kamay ni andy na ngayon ay nag tuturo ng isang restaurant.

"E ano ngayon?" Nag cross arm ako
Kahit ang dami kong dalang shopping bags na puro ata pang kaartehan ang laman.

"Sweet right!? Alam mo? Mas gusto ko ang relasyon ni andy at nathan." Sumabit sya sa Braso ko. Tapos sya ang humihila sakin kung saan kami man lupalop pupunta. Masakit na yung paa ko!

"Bakit naman?" Tanong ko. Binitawan nya ang Braso ko at nanguna nanamang mag lakad, moody! Meron ata sya ngayon e. "Psst! Hoy!" Paswit ko. Tumingin sya saakin ng Nakataas ang mga kilay.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon