Chapter 35

275 6 0
                                    

Chapter 35

-Charlie's Point of view-

"Andy, gusto kong mag travel with you." Kausap ko sya sa phone, hapon na rin at nakauwi na rin kaming dalawa.

"Balak ko ngang mag pa book ng flight, gusto mo bago mag... graduation?" Humina ang boses nya.

"Gusto ko sa Spain." Humiga ako sa kama ko. Natahimik ang kabilang Linya.

"Andyan ka pa ba?" Tanong ko.

"Ah, oo. Andito pa ako, ano ulit yung sabi mo?"

"Gusto ko sa Spain mag libot. Isang linggo ba, gusto mo ba? Para makapag paalam na ako kay mommy."

"Parang ang bilis naman?"

"Gusto ko lang naman na mag bakasyon bago ang graduation. Collecting moments with you." Tugon ko.

"Sige, mukang wala naman na akong pro-problemahin sa grades ko. Matataas naman sila lahat. Mag papaalam na lang ako kay mommy."

"May ginagawa ka ba?"

"Wala naman, bakit?"

"Gusto kitang makita, Mi amor."

"Ako rin, pero pagod ka."

"Kahit saglit lang? Sige na, na mimiss na kita." Nagrereklamong sabi ko.

"Sige na nga. Bilisan mo, hihintayin kita." Naramdaman kong nakangiti sya.

"Ayos! Kain tayo ng Isaw sa kabilang Kanto dyan sa inyo." Tumayo na ako at nag hanap ng pwedeng suotin. Pinatay na rin nya ang tawagan naming dalawa.

"Mom, may pupuntahan lang ako. May gusto ka bang ipabili?" I asked.

"Nothing. Umuwi ka ng maaga." She replied while reading her favorite Cosmopolitan Magazine.

Kinuha ko lang sa drawer ko yung Susi ng kotse ko at pumunta na sa garahe.

Nag maneho ako at agad rin naman akong nakarating. Pag kababa ko pa pang ay nakita ko na sya, naka short sya at naka sleeveless lang.

Sumimangot ako, ayokong nakikita syang naka ganyang suot dahil nasa kanya lahat ng mata kung minsan, nakakapag selos ang ganoon bagay.

Bumuntong hininga ako, bago sya lapitan ng tuluyan. Ngumiti sya saakin.

"Ba't nakasimangot ka?" Tanong nya.

"Ayoko ng damit mo, mag bihis ka nga don." Nakanguso akong Utos.

"Ha?" Tumingin sya sa baba nya at sinuri ang kasuotan. "Ayos naman yung damit ko ah? Ang init init kaya." Nag taas baba pa sya ng kilay nya.

"Hindi ako komportable sa ganyan, pustahan tayong na sayo lahat ng mga mata nila mamaya. Nag seselos ako sa ganong bagay."

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon