Kiara's POV
"Kelan ka pa bumalik?"
Napatingin naman ako sa nagsalita. Ahh si Sofie pala.
"Kanina lang", I answered then playfully smiled.
"Di man lang nag-inform, ganun?",sagot nya with taas kilay pa yun.
I just chuckled tas naglakad palabas ng bahay. Sumunod naman sya.
"Asan sina Aya and Chloe?"
"May klase pa. Pero tumawag na ko, maybe on the way na sila papunta rito."
"Wag mo na sila papuntahin. Punta na lang tayo dun. Samahan mo ko mag-enroll."
"Okay"
Sumabay na rin sya sa car ko at nagbyahe papuntang school nila.
Ako nga pala si Kiara Rielle Salva. Kababalik ko lang dito sa Pilipinas galing America. Mga 3 years din ako dun tas dito muna ko mag-aaral. Sofie, Aya, and Chloe are my long time high school friends. 3rd year college na sila ngayon ganundin naman ako. Course nila eh Business Ad lahat. Yun na rin ite-take ko.
"Dun mo na lang i-park para malapit sa kotse nung dalawa", tas tinuro nya yung lugar.
Bumaba na kami ng kotse tas naglakad na at napahinto nang may matanaw akong dyosa. Ganda eh. Parang ako. Di sa pagsisinungaling pero type ko.
"Baka naman gusto mo pa makarating sa pupuntahan natin?", si Sofie na nakasmirk ng nakakaloko.
Napapailing na lang akong naglakad ulit nun. Ewan lang kung napansin ni Sofie yung dyosang nakita ko. Pero sure akong alam nyang babae ang nakita ko. Haha.
In no time naasikaso rin naman namen yung ipinunta ko ng school. Bukas makakapasok na ko. Daming magagandang creatures pero tanda ko pa si baby ko. Oo baby ko. Yung nakita ko kaninang hapon.
______________________
Kinaumagahan I'm off to school na. Nang dumating yung tatlo na may kanya-kanyang kotseng dala umalis na rin kami papuntang school. Napagalitan pa ko ng dalawa na bakit daw di ako nagpasabi ng uwi. Ako naman tinawanan ko lang sila.
Di ko pala kaklase yung tatlo kase sa ikalawang section ako ng BA napalagay, kaya naglakad na rin ako papunta sa klase. At kung sinuswerte ka nga naman. Si baby ko, classmates ko. Saya ko. Hahaha.
Naglakad na ko malapit sa kinauupuan nya, and in fairness to her, she's masungit. Nakataas-kilay ba namang nakatingin saken. Nakangisi lang naman akong umupo sa tabi nya ignoring her first reaction towards me. Ramdam ko yung pagsunod nya ng tingin saken kaya nilingon ko sya.
"Type mo ko noh?", I said with playful smirk on my face. Kapal ko di ba. Hahaha!
"Again?"
Pinaulit pa nya oh. Haha. Nakakatuwa lang sya eh. Namumula sa kilig. I mean sa galit.
Tumikhim muna ko bago ulit nagsalita.
"Kiara Rielle, single", pagpapakilala ko habang di nawawala ang ngiti sa labi ko.
Eunice POV
"Kiara Rielle, single", pagpapakilala ng kiring babae sa harapan ko habang nakalahad yung palad. At dahil naiirita ko sa kanya I just stared at it at nang-irap.
Alam nyo yung isang beses mo pa lang nakakaharap yung tao eh naiinis ka na? Yun ang nararamdaman ko sa kaharap ko ngayon. Nakita ko n sya kahapon. Unang kita ko pa lang nairita na ko. Napagmasdan ko sya kung pano maglakad na parang kanya yung daan at gumalaw na parang lahat kaya nyang pasunurin. And I hate her for that.
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...