Chapter 7

8.4K 220 4
                                    

Eunice' POV

Matiwasay kaming nakarating ng school. Pero di ko naman inaasahang pagbaba ko ng kotse eh nakaabang pala si Phillip.

Humalik naman agad sya sa pisngi ko nang makalapit at nilingon ko sa gilid ko si Rielle. Yup binigyan ko na sya ng name kase special na sya saken. Hehe. Landi ko noh.

"Oww, kasama mo pala friend mo, kamusta?",magiliw na bati sa kanya ni Phillip

"Hmm, okay lang naman. Wala ka bang klase? Malapit na mag-time so pano ba, una na kami ni ba---Lei ah, o hahatid mo sya?", sagot naman nya dito.

Kiara's POV

"Actually ii-invite ko kase si Babe na manood mamaya ng laban namin against our rival school kaya inabangan ko na sya dito. Di ko rin na-save number nya lalo at sabi nya nasira last time", nakangiti naman nitong balik pero pasulyap-sulyap kay baby

Oh great. Moral support pala ang peg. How twit nemen keng genen.

Ngumiti na lang ako ng pilit sa sinabi nya kase di naman ako ang inaaya. Nagmukha ata akong nakangiwi nun.

Pakiramdam ko umurong ang dila ko lalo at napansing kong nakatitig saken si baby Lei.

Iih ano ba. Alam ko namang boyfriend nya to. Di ko naman aagawin. Psh.

"Sure Phil. Manonood kami"

Sya na maganda ngumiti. Yung minion naman humalik muna sa pisngi ni baby Lei bago tumalikod samen.

"Yah, selos ako! Hmp!",maktol ko tas nauna nang maglakad.

Di ko alam pero seryoso nakakaramdam ako ngayon ng kirot sa dibdib lalo nung makita kong hinalikan sya sa pisngi.

Arrrgh!

"Wait! Yah Rielle wait! Ano ba!"

Papalakpak na sana yung tenga ko sa narinig kong itinawag nya pero tampo pa rin ako. Di ko pinansin yung pagtawag nya at diretsong naglakad. Magpapasuyo lang ako. Hehe

"Yah, ano ba! Sabing wait lang eh", sabi nya sabay hablot sa braso dahilan para mahinto ako

"What?",medyo inis ko nang tugon kase hindi ata uso sa kanya ang maglambing.

Duh! Bakit kayo ba para suyuin ka? Ara gising sa reality!

Letse! Hmp

"Ang isip-bata mo. Psh", sabi nya sabay halukipkip.

Halikan ko sya dyan eh. Kita namang kahit anong pose nya naiinlove ako. Oo na. I'm inlove with this dyosang amazona na kahit san man pinaglihi, eh nahulog pa rin ako.

"Oo na, ako na isip-bata, ikaw naman pa-fall",sabi ko pero binulong ko yung huli.

"Ano?"

"Wala"

Naglakad na lang ulit ako tas sya hindi na ako kinibo habang sumasabay saken sa paglalakad. Nakarating kami sa classroom na hindi pa rin nagpapansinan dahil nadisappoint lang ako.

Bahala nga sya. Marunong rin kaya ako magtampo. Kala ko nga di ako basta naiinis eh, siguro nung una, pero nung lumalim na yung feelings ko, eto at makapagmaktol ako wagas.

"Hello"

Tumunghay naman ako sa taong bumati saken na nasa harapan ko na.

Oh, this was the girl from last time na gusto akong maging partner.

Dahil wala naman akong makausap kase cold treatment kami ni baby, gumanti na lang ako ng pagbati.

"Psh. May patampo-tampo pang nalalaman, pero pagdating naman dito, lumalandi na",bulong nya na naririnig ko naman.

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon