Kiara's POV
"Yah! Mag-usap tayo!"
"Walang dapat pag-usapan, my decision is final!"
"Seryoso? Ganun na lang kadali sayo yun?",di makapaniwalang balik ko.
"Bakit hindi? Walang pupuntahan ang kung anong meron tayo kaya wag ka nang makulit"
"Di ako naniniwala sayo! Mahal kita at ramdam kong ganun ka rin saken!"
"Yun lang akala mo"
"Oo alam kong di pa kita naringgan magsabi ng I love you pero ramdam kong mahal mo rin ako"
Tang ina naiiyak na ko!
"Masama mag-assume"
"Teka nga sabi! Kailangan ko muna ng magandang rason para pumayag sa gusto mo!"
"Gusto ko lang, wag ka nang makulit"
"Aray! Ano ba! Bitiwan mo ko sabi eh!",di ko napigilang hablot sa kanya kaya alam kong nasasaktan sya sa higpit ng hawak ko.
"I don't believe you. Alam kong may nararamdaman ka para saken."
"Kulit mo! Basta tapos na tayo! Period."
'No!'
Muli ko syang hinila at mabilis na ginagap ang labi nya ng labi ko.
Nagtutulak man sya ay pinilit kong ituloy ang ginagawa dahil masamang-masama na ang loob ko mula pa kaninang nagdeklara sya ng break-up.
"Bit----awan mo nga sabi ako eh!"
*Pak!
Isang malutong na sampal ang nagpahinto sa aking paghalik sa kanya at hindi makapaniwalang tinitigan ito.
"Ayoko nang mauulit to",aniya at tinalikuran na ko nang tuluyan habang nakasapo sa pisngi kong ramdam kong nangangapal.
Nanghihinang napaupo ako sa bench kung saan kami nagtalo at di mapigilang maisip kung bakit ba sya nagkakaganun.
Ilang araw makaraang magbalik kami ng school naramdaman ko nang parang may nag-iba sa pakikitungo nya saken na pansin ko man ay naghihintay lang ako ng paliwanag nya.
Pero dumating ang araw na to na hindi paliwanag ang nakuha kundi break up.
Shete naman oh! Mahal na mahal ko sya ngayon pa ba?
Di matatawaran ang mga luhang inilalabas ko sa mga oras na to at di namamalayang nagdilim na pala ang paligid at mangilan-ngilan na lang ang tao kong nakikita.
Laglag ang balikat na nagpalakad-lakad lang ako na hindi alam kung san tutungo.
Ayokong umuwi. Mag-iisip lang ako dun.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang walang paroroonan hanggang sa naisipan ko nang umuwi na lang at itulog ang nararamdaman kong sakit sa nangyari.
_____________________
Kiara's POV
Hanggang sa mga oras na to hindi pa rin ako makapaniwalang tapos na kami.
Yung lahat ng pinagsamahan namin na kahit saglit lang ay ramdam kong sumaya ako ng sobra.
Maaga pa rin akong pumasok para baka-sakaling makausap ko ulit sya at magawa pa naming ayusin ang meron samin.
'Tama! Think positive lang!'
Mga 5 minutes before time na nang dumating si Eunice kasunod ang instructor kaya hindi ko na sya nagawang makausap nang oras na yun.
'Di bale na, may break at lunch pa naman'
Abang na abang ko ang oras para sa hinihintay na pagkakataong muli syang makausap para linawin ang lahat.
Di pa rin kase ako kontento kung bakit ganun na lang bigla ang nangyari sameng dalawa.
Ramdam kong may di pa sya sinasabi kaya hindi ako susuko.
Nagkasya na lang ako sa pagtanaw sa kanya mula dito sa pwesto ko dahil lumipat na sya ng upuan malayo sa tabi ko.
Nanlalambot man pero nagtangka pa rin akong habulin sya nang tumunog ang bell indication na tapos na ang klase.
Pero daig pa nyang si the Flash sa bilis nyang nawala sa paningin at napahilamos na lang ako sa mukhang humarap sa pader at pasimpleng nagpahid ng luhang, di ko namalayang tumutulo na naman.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.
Di ko alam pero umaasa pa rin talaga akong isang araw maisipan nyang makipagbalikan at bawiin ang lahat ng sinabi nya lalo pa at wala naman syang binigay na sapat na dahilan para hiwalayan ako.
Alam kong hindi yun dahil sa magiging tingin ng mga tao samen dahil aware ang buong school sa namamagitan sa aming dalawa kaya alam kong may iba pang dahilan.
"Kiara",untag saken ni Chloe na di ata kasama si Sofie at Aya.
Nasa ligawan stage pa lang ito at Sofie pero alam kung magiging sila rin in no time.
Malungkot na tumingin ako dito at marahang naglakad kasabay nya na niyaya ako sa canteen.
Bigla akong nabuhayan ng loob nang matanaw ko ang babaeng hinahabol ko kanina na nasa isang table at walang kasama.
Mabilis ko itong nilapitan kahit alam kong pinipigilan ako ni Chloe.
"Baby!"
Walang emosyon naman ako nitong tinitigan at malamig na nagsalita.
"Wala na kong panahon para makipagkulitan sayo. Please lang"
"B-Baby"
"Saka wag mo na rin akong tawagin nyan, tapos na tayo. Excuse me",huling sabi nito at muli na naman akong iniwan habang tangang nakatayo dun.
Di ko na alam kung anong iisipin pero sobrang nasasaktan ako.
Yung pakiramdam na balewala ka na lang sa taong nagparamdam sayong mahalagang-mahalaga ka.
'Ang sakit na sobra'
Pero di ko pa rin magawang sumuko dahil umaasa pa rin akong kami pa rin sa huli.
Kami pa rin naman di ba? Di ba?
Please sagutin nyo naman ako! Ple-ease?
Umiiyak na naman akong naglakad at nagtungo sa lugar kung asan sina Sofie na sa pagkakataong iyon ay wala akong mabasa.
Di ko alam kung may alam sya sa dahilan ng pinsan nya pero alam ko ring kung meron man hindi sana nya ko natitiis makitang ganito na pangalawang beses pa lang na nangyari.
"A-Ang sakit g-guys. Ang sakit-sakit eh. Magkaka--magkakabalikan pa n-naman kami eh di ba? D-Di ba?"
At di ko na napigilang humagulhol sa harapan nila at walang pakialam sa sasabihin ng mga estudyanteng saksi sa nararanasan kong kadramahan.
Akala ko nga sa mga libro lang yung ganitong sakit pero alam nyo yun, yung kahit anong isip ko na wag nang umasa, di mawala-wala sa isip kong baka isang araw okay na ulit.
Na baka isang araw, ngumingiti na ako ulit kase kakulitan ko sya.
Mahal na mahal ko sya eh. Bakit naman ganun.
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
JugendliteraturSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
