Chapter 32

5.9K 141 2
                                        

Kiara's POV

"Naglihim ka na naman"

"Kailangan kase. Ayoko namang bigla kang sumugod at pilitin mong maalala ka nya'

"At tamang magkita kami nang di ko man lang napaghandaan?"

"It's the first option I had thought kase gusto kong malaman mo ng personal. You may not believe me if I told you in person"

"Psh. Kahit na. Niyakap ko yung taong di alam kung ano ako sa buhay nya noon"

"Na-enjoy mo naman eh"

"Ewan ko sayo"

Nakakahiya pa kamo. Baka isipin pa nga nun na baliw ako na nangyayakap na lang ng kung sino.

Ano ba yan. Psh.

____________________________

Kiara's POV

"What are you doing here?",nakunut-noong tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon na napakalapad ng ngiti.

Walang iba kundi si Eunice.

Iniwasan ko na lang mapataas ang kilay dahil mas nabitter ako nung nalaman kong soon to be married na pala ito.

Saklap, right?

Masaya akong bumalik na sya, pero nabawasan nung malaman kong nagmamahal na sya ng iba at wala nang kami ngayon.

"Hinahanap si couz"

"Kakaalis nya lang"

"Ahh ganun ba. Hmm, gaano na nga pala kayo katagal mag-friend ni Fienut?"

More than what you could imagine on how long I waited for your come back.

"Since high school"

"Ohh. Di ka nya nakwento saken"

Kase kilalang-kilala mo naman na ko, dati.

"Di naman na siguro big deal yun."

Opo, ako na ang cold at one question, one answer person sa mga oras na to. Kayo kaya.

Iniiwasan ko na nga lang mapatingin nang matagal sa kanya eh. Baka maunahan na naman ako ng puso ko at makagawa na naman ng bagay na ikapagtataka lalo ng kaharap ko ngayon.

Shete naman kase, bakit ba kahit matagal syang nawala, mas lalo syang gumanda sa paningin ko.

Lalo na yung katawan nyang ang sexy tingnan sa dress nyang suot.

Peste, nangmamanyak na naman ako. Psh.

"Love what you are seeing, then?"

See? Napatitig na pala ko. Sabi nang ayoko nga eh. Tsk.

"Napatingin lang ako, wag kung ano iniisip mo",masungit kong tugon kase naiirita ako sa ngiti nya.

Ang ganda kase, letse!

Hangga't maaari kailangan kong pigilan amg damdamin ko, lalo at nalaman ko mula kay Sofie na burado talaga ang alaala nya sa mga nangyari 3 years ago.

At ngayon, wala rin syang ideyang, minsan sa buhay nya, ay nagkagusto sya sa kapwa nya babae.

At tama nga si Sofie, di ko pala dapat ipilit sa kanyang maalala ako dahil magiging delikado ito kay Eunice.

"Meron ka siguro? Ang sungit mo kase. Haha!"

"Close tayo?"

"Hmm, I dunno? Ewan, feel ko lang asarin ka, bakit ba? Saka wala si couz dito eh kaya ikaw na lang ang kakausapin ko"

"Marami pa kong gagawin"

"Okay lang, edi panonoodin na lang kita",pangungulit nito.

Ewan ko ba pero parang nagbalik kami sa dati, nung una kaming nagkatagpo.

Pero ang kaibahan nga lang, sya ang makulit ngayon at ako ang masungit.

"Wala ka namang mapapala eh. Wala ka bang trabaho?"

"Kung may maganda naman akong makikita, okay lang saken na titigan ka lang. Saka bukas pa start ko sa resto ni couz, kaya malaya pa ko ngayon"

Di ko alam kung matutuwa ako o ano sa mga sinasabi nya. Pano ba naman may boyfriend kaya sya. Baka nagagandahan lang talaga saken.

At hanggang dun na lang yun.

Sana pala pinaputulan ko na ang buhok ko, ang haba kase. Sabi na eh, di pa rin nakupas ang aking kagandahan.

'Grabe sya, conceited na, nabroken lang',singit ng utak ko.

Shut up!

"You know what, you're cute when your expression changes, lalo na at halatang nakikipagtalo ka sa isip mo. Ako ba yang iniisip mo ha? Ha?"

"Hindi. Wag ka assuming",sabi ko sabay irap dito at nagpatuloy sa pagtipa ng laptop.

Pinanindigan nga talaga nito na magstay dito sa office ko at tumunganga habang ako'y nakaharap sa mga papeles sa ibabaw ng mesa ko.

Ewan ba sa kanya kung di ba sya nabo-bore. Kulit kase eh.

"Sama ka saken mamaya, kain tayo"

"Wag mong sabihing ganyan ka magandahan sa mga babae, inaaya mong lumabas"

"Uy hindi ah. Ikaw nga lang nayaya ko eh, saka hindi naman date to eh. I mean oo date, pero friendly date, you know. Gusto ko lang makilala pa ang friend ni Fienut eh, masama ba yun",litanya nito na tiningnan ko lang naman.

Yeah, friendly date.

'Aww, friendzone',singit na naman ng utak ko.

Letse!

"So payag ka na? Ayy, hindi pala. Whether you like it or not, sasamahan mo kong kumain",masayang sabi nito at kumindat pa saken.

Ewan ko na lang sa puso ko kung mapipigilan ko pa sa mga susunod na araw na wag makipaglapit. Tsk.

"Psh. Bahala ka"

______________________

Kiara's POV

"What do you want to order? Ako na lang pupunta sa counter"

"No need, ako na lang mag-oorder saten"

"Hindi, ako na, ako nagyaya eh"

"Di na, umupo ka na lang at gutom na ko. Saka alam ko naman ang oorderin",huling sabi ko at hindi na sya hinayaang makaapela pa.

Nandito kami sa isang Italian restaurant na mga 30 minutes ang byahe mula sa company namin.

Di ko alam na may resto pala dito. Medyo tago kase.

Kung pano nya nalaman ang lugar na to, baka kay Sofie. Yun pa, inaalam daw nya yung mga competitors nya lalo at nasa resto-business sya.

Mga ilang minuto lang nakabalik na ko kasunod ang waiter na may dala ng mga order ko.

At namamangha naman akong tiningnan ni Eunice nang makita ang lahat ng inorder ko.

"Wow as in! You know how to guess my favorites!"

"Ganan talaga pag maganda. Magaling pumili"

"Ganun ba yun. Galing mo naman. Hehe"

Ayy naku, kung alam lang nya. Napapailing naman akong inutusan syang magsimula na kaming kumain.

At dun natapos ang araw ko, na di masyadong nag-iisip sa maaaring mangyari sa ibang araw.

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon