Kiara's POV
Di ko alam kung kelan ako nagsimulang magpatuloy muli sa buhay ng walang Eunice na iniisip at walang Eunice na kinukulit.
Nagtatagumpay naman ako sa araw-araw na pambabalewala dito at hindi pagtatangkang lapitan ito at muling magmakaawa.
Pero kaakibat ng lahat ng pambabalewala ko eh ang sakit pa rin na dulot nun sa loob ko.
Di naman ganun kadali mawawala yun di ba.
Yung sakit at bigat sa pakiramdam ng sinseryoso mong relasyon na natapos nang ganun na lang.
Minsan napapaisip pa rin ako na what if magkabalikan kami at what if muli syang magbalik saken, ano kayang gagawin ko.
Pero kokontrahin naman yun agad ng isip ko dahil, kung mangyayari yun, edi sana noon pa nya ginawa, di ba.
Aish!
Ewan ko ba sa sarili ko.
"Babe, ako na magdadala nyan. San mo ba dadalhin to?",biglang sulpot ng minion na bf ni Eunice na inagaw dito ang mga dala.
Kasalukuyan kaming nag-aayos ng stage para sa music festival at sa di inaasahang coincidence, kami pang dalawa ang na-assign for the organizer ng fest.
Wala namang kaso saken yun kung sya lang ang makikita ko, pero pag nakikita ko ang asungot na to, naaalala ko ang ginawa nilang kissing session noon.
'Imbyerna ah'
Binilisan ko na lang ang paglalakad at piniling wag na lang magsalita para mas mapayapa ang pagsasama namin sa iisang lugar.
Nakakainis rin naman na ang alam ko mayaman ang school na to pero bakit kaming estudyante pa rin ang magse-set up kapag may event.
'Nagrereklamo ka lang kase nagseselos ka!',pang-asar na singit naman ng utak ko.
'Shut up!'
"Yes hello?"
"Ahmm, andito sa may gym, nagse-set up sa stage. Pupunta ka? Ahh oo sure. Ha? Hindi noh, ikaw pa ba naman, malakas ka saken eh. Hindi nga, kulit. Basta dumiretso ka na lang dito. Hintayin kita. Okay. Oo na, sige. I love you too"
Nangingiti ko namang muling ibinulsa ang cellphone ko matapos ang tawag ng isa sa mahalagang tao sa buhay ko.
Tas namalayan ko na lang na natahimik ata ang paligid kaya lumingon ako sa gilid ko.
Wala na yung bf nya at napansin kong nakatitig lang sya saken pero wala akong mabasang expression nya.
Tinaasan ko na lang sya ng kilay dahil di ko alam sa nararamdaman ko pero bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko pag alam kong nakatitig sya.
Umiwas naman na sya ng tingin pero nagsalita kalaunan.
"Girlfriend mo?"
"Ha?"
"Yung tuma--ahh nevermind",biglang bawi nito at ipinagpatuloy ang ginagawang design sa isag parte ng stage.
"Okay",maikling sagot ko kahit alam kong yung tumawag ang tinutukoy nya.
Ayoko na rin kaseng mag-assume na baka may pakialam pa sya saken at sa kung sino mang napapalapit saken ngayon.
Baka kase sumibol na naman ang pag-asang magkakabalikan pa kami.
Eunice' POV
Alam ko namang mali pero masisisi nyo ba ko kung nagseselos ako sa taong kararating lang kasama ni Sofie at kay Kiara na hanggang ngayon ay magkayakap pa din.
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
