Chapter 9

7.9K 202 3
                                    

Kiara's POV

Naiisip ko pa lang ang mangyayari excited na ko. Hahaha. I am looking forward to what my life could be na, kapag naging kami for the rest of the days. Yikes.

"Nakakatakot ka parrot. Para kang manyak. Tigilan mo nga yang pagngiti mo",parang nadidiring saway nya sa pagde-day dream ko habang winawagayway nya pa yung kamay sa harapan ko. Yung parang nantataboy, gets nyo?

Sumimangot naman ako sa narinig kong tinawag na naman nya saken.

"Di nga kase ako parrot eh",nakapout kong reklamo

Kasalukuyan kaming naglalakad sa may corridor papuntang room namin nang bilisan ko ang paglalakad.

Naiwan ko ang baby kong dyosa na nagtaka sa inasal ko.

"Yah! Huy! What's the matter? Wag mo naman akong iwan baby oh",reklamo nyang pinilit akong habulin.

Baby daw! Hahaha. Wari ko'y mabilis pa sa alas-kwatrong binalikan ko sya at kinulit sa sinabi nya.

"Ano ulit itinawag mo saken baby?"

"Wala. Ayoko sa bingi",sagot nyang humalukipkip pa habang patuloy sa paglalakad.

"Eh hindi baby, meron eh, narinig ko pero mahina lang"

"Narinig mo na pala eh, wala nang ulitan. Hmp!"

"Gusto ko malakas baby"

"No!"

"Sige na baby oh"

"Ayaw!"

"Please? Pretty please?"

"Wag ka nga makulit! Psh"

"Iih dali na kase"

"Ayo----"

"Good morning Kiara!"

Napalingon naman kami sa boses na nagpahinto sa pagsasalita ni baby Lei.

Si Nathalie pala.

"Ahh good morning din, hehe",awkward kong ganting bati kase ramdam ko ang masasamang titig ni baby saken.

Di tuloy ako mapakali.

"Good morning pala ha, kanina nga di ako nagawang batiin eh. Nakakita lang ng iba, ganun na. Psh. Pabebe",bulong ng katabi ko na sapat lang para marinig ko.

"Sabay na ko papuntang classroom ah", balik ni Nathalie na kumapit pa sa braso ko.

Patay!

"Ba.by. Kala ko ba nagmamadali tayo kase may di ka pa natatapos gawin sa isang subject natin?",madiing singit ni baby saken na pinanlalakihan ako ng mata.

Nag-iwas naman agad ako ng tingin sa kanya at di magkandatutong nagpaalam kay Nathalie na mauuna na. Hinila ko na rin sya at baka di ko mapigilang yakapin sya sa harap ni Nathalie dahil ang cute nya sa expression nya eh. Hihi.

"Sorry na kase baby oh. Promise di ko na ulit sya babatiin. Patawarin mo na ko kase. Please?",pagmamakaawa ko.

"Wag kang maingay. I'm listening to something",balewala nya saken at kita kong mas pinalakasan nya pa ang volume ng kanyang cellphone.

Nasa cafeteria kaming dalawa ngayon at kumakain ng dessert.

Eunice POV

"I'll court you",wagas ang ngiting announce saken ni Rielle isang umaga.

Plain lang akong nakatingin sa kanya kase di ko mawari kung seryoso ba sya o hindi.

May dala syang tatlong rose at isang paper bag na chocolates na naman ata ang laman at iniabot saken nung makalapit nang tuloy.

Ang sexy nya kahit nakasuot lang sya ng uniform. Shocks namamayanyak na talaga ko pagdating sa kanya.

Pinagmamasdan ko lang sya nang mapatingin ako sa kabuuan nya.

Shete! Nasa kanya na ata lahat eh. Bakit nga ba di ko napansin noon.

"Baby, from now on manliligaw na po ako sayo",masuyong sabi nya at marahan akong niyakap

*Poke

*Poke

"What?"

At nilingon ko naman yung pesteng sumusundot sa pisngi ko para makita lang ang nakangiting si parrot.

M.U. ata kami. Kung uso pa ba yun sa ngayon. Wala kase kaming label eh. Haha. Sarap lang nya pagtripan.

Nasa cafeteria nga pala kami ngayon, kumakain sya ng cake samantalang nakikinig naman ako ng music.

"Di mo naman ako pinapansin baby eh",maktol nya tas binitawan yung hawak na fork.

Nakahalukipkip syang humarap saken at in fairness marunong na sya magtaray. Irapan ba naman ako.

Nilapit ko naman yung mukha ko sa kanya at pinilit syang patinginin sa mata ko. Alam ko kase nagkukunwari lang yan. Haha

"Yah, layo ka nga dun oh. Galit ako. Hmp!"

Pinipigilan ko naman ang matawa nang mamula sya nang lalo kong ilapit ang mukha ko sa kanya.

Mga 3 inches na lang siguro ang distance.

"Ehem, ahh ano, layo ka kase. Lapit mo. Mahahalikan mo na ko",sabi nya ulit na di magkaintindihan kung san papaling.

Natatawa nang inilayo ko ang mukha ko sa kanya kase sobrang pula nya na.

"See. Di ka naman galit. Hehe"

"Yah, madaya. Unfair. Psh"

"Eto pambawi"

*Chup

Nagulat naman sya sa ginawa ko pero napangiti na rin sya kalaunan nang mag-sink in ang ginawa ko.

Kiniss ko lang naman sya sa cheeks. No harm done lalo at di naman sya committed.

As for me, wala na kami ni Phillip. He broke up with me. Yes it's him who ended our relationship. Some personal matter ang dahilan nya pero dahil di naman ako masyadong affected hinayaan ko na lang. Haha. Sama ko ba.

Balita ko nga, closet gay daw yun. Wala naman na ako sa lugar para itanong kung totoo ba yun. Pero di ko rin akalain kase sobrang gwapo at macho nya para maging gay.

Parang ikaw Eunice. Hahaha. Na-bend ka na rin. Buska ng utak ko.

Oo nga eh. Di ko akalaing isang Kiara Rielle lang pala ang magpapaliko saken. Haha

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon