Eunice' POV
Malungkot akong bumaba mag-isa galing rooftop makaraang umalis ni Kiara.
Di ko akalaing sa mga panahong nasaktan ko sya ay matututo syang tumikim ng yosi nang paulit-ulit.
Napakasakit isipin na hindi sapat na maging okay ako para tuluyang mabura ang mapapait na alaalang idinulot ko sa kanya.
Papasok na ko sa kotse ko nang makaramdam na naman ng panghihina at di sinasadyang mapasandal sa kotse dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
'Not now please'
Naiiyak na kong pilit binuksan ang pinto ng kotse at nanghihinang umub-ob sa manibela.
Di ko alam kung saan pedeng ikumpara ang sakit ng ulo ko sa tuwing dadaanan ako ng pagsakit nito.
Di ko lang tanda kung anong eksaktong araw pero nagsimula akong makaramdam ng sobrang pananakit ng ulo at panghihina ilang araw makabalik namin galing Tagaytay.
Di ko lubos maisip na sa pagkakataong sumasaya ako, lumalala na pala ang kalagayan ko.
Naging unaware ako sa agarang paglaki ng bukol ko sa loob ng utak ko dahil sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin sa halip na intindihin ang pagpapagamot ko.
I was diagnosed with brain tumor after my accident 3 years ago pero naipatanggal na namin yun bago ako bumalik dito sa Pilipinas.
Ngunit hindi ko maiwasang manghina nung malamang, bumalik ang tumor ko sa utak at nasa mas malalang kondisyon ito.
Di ko naiwasang mas lalong bumigat ang pakiramdam kapag naiisip na, inalisan ko ang sarili ko ng karapatang sumaya sa piling ng taong mahal ko.
Pero hindi ko maaaring sundin ang tibok ng puso ko, kung alam kung maliit ang tyansang maka-survive pa ko kung muli akong papaoperahan.
Patuloy lang akong umiiyak habang nakaub-ob sa manibela habang tinitiis humupa ang sobrang pagkirot ng ulong aking nararamdaman.
'Stop please. S-Stop'
Basang-basa nang luhang nagsimula kong i-start ang kotse nang maramdamang nabawasan ang kirot ng ulo ko.
'Makaabot sana ako sa bahay'
Sinimulan kong pabilisin ang kotse makalabas ng school gate dahil tingin ko mas mapapahamak ako kung sa kalagitnaan ako ng byahe aatakehin na naman.
Subalit di ko inaakalang ganun ulit kaagad aatake ang sakit sa ulo ko kaya nawala ako sa wisyong imaniobra pa ang sasakyan ng ayos.
Dahil huli na upang kabigin ang kotseng lumiko dahil sa saglit na pagkawala ng kontrol nito, bumitaw ako sa manibela at itinakip ang mga kamay sa ulo ko bilang proteksyon.
At isang malakas na impact ng pagbangga ang aking naramdaman bago nanghihinang kumurap-kurap.
'Napaka-suki ko talaga sa aksidente'
Huling isip ko bago tuluyang mawalan ng malay.
Kiara's POV
Masama ang loob na nilisan ko ang rooftop at walang sabi-sabing pumasok sa kotse nang makarating sa parking lot.
Dahil di ko naman maatim na basta na lang umalis nang hindi nasisiguradong makakababa si Eunice ay nag-stay muna ko sa loob.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang hinahayaang gumalaw ang oras.
Nanatili ako sa ganung posisyon ng mga ilang minuto dahil gusto kong makalma ng katahimikang bumabalot sa paligid.
Maya-maya pa'y nakarinig na rin ako ng tunog ng makina at nang magmulat, napansin kong umandar na ang kotse nito.
Mabagal akong sumunod sa kotse nyang alam kong kanya dahil gawain kong tanawin lagi ang kanyang pagsakay sa kotse tuwing uwian.
Sa di malamang kadahilan ay kitang-kita kong lumihis ang minamaneho nitong sasakyan at kinakabahang sumusunod pa rin dito.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang mapagtantong may hindi magandang mangyayari.
"Eunice!"
"EUNICE!!!!!",mas malakas kung sigaw habang nagda-drive dahil mas bumilis ang takbo nito.
'Lord wag naman po sana'
'Please please'
*BLAG!!!*
"Euniiiiiiiiiiiiiiiiiiice!!!!",napakalakas kong sigaw at nagmamadaling tinakbo ang sasakyan nitong ngayon ay bumangga sa isa pang sasakyang nakapark lamang sa gilid ng kalsada.
Kinakabahang nilapitan ko ang kotse nito at mabilis ang paghingang sinilip sya kung may natamo syang malalang pinsala.
"Eunice! E-Eunice please wake up. Hang on baby. Baby!",naiiyak kong pagpapagising sa kanya habang nasa aking mga bisig.
Nagawa ko syang ialis sa loob at itinabi samantalang may ilan nang nakikiusyoso ang tumawag ng ambulansya.
Humagulhol na niyakap ko sya dahil hanggang ngayon hindi pa dumarating ang ambulansya.
Di ko naman kayang ako ang magdrive patungong hospital dahil sa lagay ng aking state of mind, na lubusan na ring nagpapanic sa pagkakataong ito.
Kinapa ko ang pulso nito at nabuhayang niyakap ulit sya dahil may pumipintig pa dun.
Nakalipas ang ilang minuto at sa wakas dumating na rin ang sasakyang magdadala sa kanya sa ospital.
_______________________
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
