Chapter 20

5.8K 136 1
                                    

Eunice' POV

"Ako na dito sa isang bag"

"Di na baby carry pa naman. Kiss mo na lang ako para ma-motivate"

Kinukuha ko kase sa kanya ang isa sa bag ng mga gamit namin pero inilalayo nya.

Pinagbigyan ko naman sya at bago pa madala sa halik na yun humiwalay na ko.

'Baka san pa mapunta eh. Hehe'

Naghahanda na nga pala sa pag-alis, pabalik ng Manila.

Monday na ngayon kaya bale absent na naman kami sa school ni Rielle. Pero okay lang, babawi na lang siguro kami.

Sobrang nag-enjoy naman kami sa stay dito kaya sulit na rin ang pagkawala namin sa school.

"Mamimiss kita. Huhuhu. Sana makadalaw ka man lang saken aa Manila"

Naabutan naming nagpapaalaman si Aya at si Bianca na dito pala talaga nakatira sa Batangas.

Ewan ba kung totoong naiiyak ito kase may kunwaring pinupunasan sya sa mata nya.

Haha. Kulit lang din eh.

"Paiwan ka na lang Aya para maluwag rin sa kotse"

"Yah, meanie!"

"Bibisitahin na lang kita pag may chance ako"

"Talaga? Sige ah! Aasahan ko! Waaaah, mamimiss talaga kita. Pa-hug ulit Biancs!"

At ayun naglampungan na nga po yung dalawa sa harap namin.

"Bianca maghunus-dili ka sa nararamdaman mo sa babaeng yan. Sinasabi ko sayo, nasa huli ang pagsisisi"

Binelatan lang naman ni Aya si Sofie na kasalukuyang nakahawak-kamay kay Chloe.

Oh-la-la.

May dapat ikwento saken si couz. Hahaha!

"Sa backseat tayo baby, mamaya ko na lang papalitan si Sofie sa pagda-drive"

Tas pumasok na nga kami sa kotse at sumunod naman ang dalawa na umupo na rin sa unahan.

Huling pumasok si Aya na hanggang ngayon ay parang ayaw pang umuwi.

Tsk, kawawang Aya, nahulog na nga. Haha.

"Sandal ka saken baby. Matulog ka muna habang byahe. Alam ko rin namang traffic mamaya",malambing na alok ng katabi ko.

"Ikaw na lang muna baby para kahit palitan mo si couz eh hindi ka antukin. Hmm?",nakangiti namang balik ko dito at hinila na sya pasandig sa balikat ko.

Nangingiti namang sumandal sya at bumulong pa ng I love you.

Kiniss ko na lang sya sa noo at hinayaan syang pumikit.

Pinagmamasdan ko lang sya habang byahe at di ko na rin alam kung ilang minuto na ang lumipas mula nang umalis kami sa Tagaytay.

Sobrang saya ko na nakilala at pinahalagahan ko sya gaya ng pagpapahalaga nya.

Yung mga panahong naiinis man ako sa kanya at hindi pa rin sya tumigil sa pangungulit at panunuyo.

Yung mga panahong pinangungunahan nya ang mga desisyon ko pero alam kong sa huli ay may magaganda ring dulot.

Salamat baby, Rielle ko.

I love you.

________________________

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon