Kiara's POV
Nanginginig akong nakaupo sa labas ng ICU habang yakap ni Chloe at Aya na kanina pa kong kino-comfort.
Ampat na ang pagluha ko pero labis pa rin akong nanghihina dahil sa sinapit ng babaeng mahal ko.
Hindi ko makakayang makita syang nakaratay sa hospital bed at kung anu-anong nakakabit hangga't di ko nalalaman ang kondisyon nya.
Di kaya ng puso kong makita sya sa ganung kalagayan at hindi maiwasang sisihin ang sarili, dahil kung inintay ko na lang sya at sabay na bumaba, hindi sana yun mangyayari.
Ilang minuto pang lumipas habang naghihintay nang dumating si Sofie kasama ang alam kong magulang ni Eunice.
Humahangos ang mga itong lumapit sa amin at nagtanong kung nakalabas na ang doktor.
Marahil nasabi na ni Sofie ang pangyayari kaya di na ang mga ito nagtanong pa kung ano ang eksaktong nangyari sa kanilang anak.
Makailang saglit pa'y lumabas na ang doktor mula sa operating room kaya't nagsipagtayo kaming lahat.
"Sino pong kamag-anak ng pasyente?"
"Kami ang magulang nya doc"
"The patient is stable now, pwede nyo na syang puntahan sa loob. May mga ilang galos at pasa syang nakuha dulot ng aksidente at dislocated arm at leg dahil sa impact. Nagawan na rin namin ng paraan na lagyan ng cast ang braso nya at binti at nasa maayos na syang kalagayan. Luckily, wala namang internal organs ang naapektuhan sa kanya"
Nakahinga naman kaming lahat sa narinig na magandang balita.
Subalit di ko pa rin makuhang mag-alala dahil sa kalagayan nya.
"Mr. and Mrs. Saavedra, may isa pa kong sa---"
"Sofie darling, i-assisst mo na lang muna etong mga kasama mo para puntahan si sweetie sa loob. May itatanong pa kami kay doc kaya mauna na kayo",putol ng Mom ni Eunice sa doktor.
Tumango naman si Sofie at inalalayan ako.
"Iha, mauna na kayo sa loob. May mga clarifications lang kami kay doc, sunod na lang kami",masuyong baling naman saken ng Mom ni Eunice kaya tumango na lang ako at may munting tuwa dahil napansin nya ko.
Di ko alam kung kilala nyo ba ko or what pero ang tanging nasa isip ko lang eh ang babaeng mahal ko.
Di ko na napagtuunan ng pansin ang iba pang sasabihin ng doktor dahil bahala na muna ang mga magulang nya dun.
_______________________
Sofie's POV
Naaawa ako sa pinsan ko dahil sa kalagayan nya ngayon. May mga pasa sya sa mukha at braso saka katawan dulot ng pagbangga ng kotse nya.
Pero ganundin ang awa ko kay Kiara na buong araw hindi umalis sa pagbabantay kay couz dahil sa pag-asang mumulat na ito.
Nasabi nyang alam nya naman, na tapos na sila, pero hindi daw sya tumigil magmahal dito.
Nakakainspire ang ganung pagmamahal at malaki ang tiwala kong mas sasaya si couz kung magiging sila pa rin sa huli.
Dahil halata ko na ang pagod at puyat ni Kiara, pinilit pa namin syang pauwiin ni Chloe, na wala namang nagawa kundi sumunod.
Tatlong marahang katok ang narinig ko at napatingin sa pintong iniluwa ang pigura ni tita.
Dalawang araw na mula nang ma-confine dito sa ospital si couz, at ngayon lang muli dumating si Tita matapos umuwi kahapon.
"Tita"
"Sofie, I know this is too much to ask of you, pero may favor akong kailangang-kailangang magawa mo para sa anak ko",nangingilid ang luhang sabi nya saken na labis kong ipinagtaka.
"What do you mean Tita?"
"Dadalhin namin si sweetie sa States para maipagamot"
States?
Ano namang trip yun?
Kung gagawin nila yun, ang iniisip ko eh si Kiara. Masasaktan yun nang sobra.
"Di ba po sabi ng doktor okay naman na si Eunice? Eventually, gagaling din naman ang mga bali nya sa braso at binti, konting pahinga lang magiging totally okay na rin sya"
Yun rin ang sabi ng nurse na kakatingin lang kanina sa kanya.
"H-Hindi Sofie. H-Hindi"
"Po?"
"S-Si Eunice, hindi lang simpleng bali at mga galos sa katawan ang kailangang magamot sa kanya",anitong nagsimula nang umiyak pero hindi nagpupunas ng luha.
"Anong ibig nyong sabihin Tita?",tanong ko at nagsisimula nang kabahan sa maaaring sabihin nya.
"E-Eunice chose this to keep as a secret from you, from everyone of you that have special spot in her heart, p-pero sa pagkakataong ito di ko na kayang itago ang tunay nyang kalagayan"
"Anong k-kalagayan Tita? May mas malala pa po ba kesa sa nakikita namin ngayon?"
"She has a b-brain tumor Sofie. A brain tumor that could eventually kill her pag hindi sya naoperahan"
"W-What?",nanghihinang bulong ko dahil sa nalaman.
Mas lumakas naman ang naging pag-iyak nito kaya niyakap ko na sya at sinabayan sya sa paglalabas ng sakit at bigat ng kalooban.
Daig ko pang namanhid dahil sa narinig dahil hanggang ngayon, ayaw pa rin tanggapin ng isip ko ang nangyayari.
"Kasama pa rin po ba ng aksidente yun T-Tita?"
"N-No. It was diagnosed few days after she told me everything about her experiences in Batangas together with y-you and her girlfriend"
'Oh God!'
That was one and a half months ago already!
Shet!
Shet!
Shet!
"Kaya po ba nakipaghiwalay sya kay K-Kiara?"
Tumango-tango naman ito bilang pagsang-ayon at muling nagpatuloy sa paliwanag.
"Anong favor ang hihingin mo Tita?"
"D-Don't tell it to anyone especially to Kiara. Ito ang kabilin-bilinan ni Eunice, na wag na wag ipapaalam sa mahal nya ang kanyang kondisyon dahil natatakot syang di na magawang makabalik dito kapag di sya pinalad maka-survive"
"Mas pinili nyang h-hiwalayan ang taong mahal nya kapalit ang sayang mararanasan pa daw nito sa piling ng iba na mas mahaba ang buhay kesa sa kanya"
"P-Pero mahal na mahal sya ni Kiara, Tita"
"I know, I know. Pero yun ang bilin ni sweetie, kung sakaling ipapagamot sya, wag na wag sasabihin kay Kiara, dahil ayaw nyang mabuhay itong laging sya ang iniisip. Gusto ni Eunice na makakita pa ito ng kasiyahan, kahit hindi sa piling nya"
"Hindi gusto ni Eunice na paasahin si Kiara sa 25℅ chance lang ng pag-survive. Masakit sameng magulang na makitang nahihirapan din sya dahil sa nahihirapan ang mahal nya kaya hangga't maaari tutuparin namin ang hiling nya."
"Lilipad na kami mamayang gabi rin Sofie. Nais ko sanang gawan mo ng paraang hindi makapunta dito si Kiara kapag inilipat namin sya sa kotse. Pumayag naman ang doktor nya na ibyahe sya pa-ibang bansa dahil bali lang naman ang iniinda ng katawan ni Eunice at wala sa internal organs. Alam kong mahirap iha na magsinungaling sa kaibigan mo, pero ito lang ang tanging paraan para hindi rin sya lubusang masaktan sa sasapitin ng anak ko."
"Sobra akong nagpapasalamat sa kanya na kahit saglit lang ay napasaya nya ang anak ko. At kahit sa kwento ko lang sya naririnig, masaya akong nakilala sya ni Eunice."
'E-Eunice'
'Why?'
Pede namang isama mo ko sa bigat ng problemang dinadala mo eh?
Bakit mo naman sinolo? Ang unfair mo lang eh.
Magpagaling ka Eunice ah! Bumalik ka para sa samen!
Para sa babaeng mahal mo!
I trust you couz, bumalik ka!
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Ficção AdolescenteSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
