Chapter 29

5.1K 131 0
                                        

Kiara's POV

"Miss! Asan po ang nakaconfine dun sa private room 205!?"

Nagulat na lang akong walang nakahigang Eunice ang nadatnan nang dumalaw muli ako dahil kagagaling ko lang sa bahay at nagpahinga ng saglit.

"Discharged na po Ma'am, bandang 3:30 pm"

Discharged?

Bakit naman di ako nainform nina Sofie na ilalabas na pala si Eunice ng ospital?

Magaling na ba sya?

Baka gising na sya! Tama pupuntahan ko na lang sa kanila!

Nagmamadaling nagdrive ako patungo sa bahay nina Eunice at agad na bumaba nang makarating.

Sarado ang gate pero nakita ko si Sofie na palabas dito kaya agad ko syang tinanong.

"Sofie! Si Eunice? Nakauwi na ba sya? Gising na ba sya? Okay lang ba pumasok? Bibisitahin ko lang naman sya, di naman siguro sya magagalit? Ano kamusta daw pakiramdam nya, nakakagalaw na daw ba sya ng ayos?",sunud-sunod kong tanong pero wala naman akong mabasang expression sa mukha nya.

"Wala Kiara. Walang Sofie sa loob ng bahay. Di pa sya gising pero oo nailabas na sya ng ospital"

"Eh asan sya Sofie? Asan si Eunice?!"

"Narinig ko sa mga magulang nyang dadalhin nila to sa States"

Ha? States?

"Bakit daw? Okay naman sya di ba. Gagaling rin naman sya dito di ba? Bakit kailangan nya pang ialis ng Pilipinas?"

"Bibigyan lang daw nila si couz ng pahinga mula sa mga nangyari dito. Iniisip nilang baka kailangan muna ni Eunice ng break"

"Break?"

Bakit ba ang hilig ng mga tao sa break na yan.

Di naman kaya nakakatuwa!

Shete!

"Oo"

"Bakit di man lang ako sinabihan? Kaibigan nya naman ako di ba? Alam naman yun ng mama nya di ba? Ikaw? Alam mo bang aalis sila? Bakit di mo ko sinabihan? Anong oras ang flight nila? Baka maabutan ko pa sila, babyahe ako pa-airport! Maiwan na kita Sofie baka makita ko pa sya eh!"

"Kiara"

"Bakit Sofie? Sasama ka ba? Halika na nang maabutan pa natin sila"

"Sakay na sila ng eroplano. Tumawag na saken kanina si Tita. Sorry."

A-Ano?

Para namang lobong pumutok ang pag-asa kong makita pa sya bago umalis, nang marinig ang sinabi nya at para namang nauupos na kandilang napaupo sa gilid ng kotse.

Namalayan ko na lang na nasa loob na ko ng kotse na minamaneho ni Sofie at tulalang nakatanaw sa labas.

Bakit di ko man lang sya nakita?

Bakit di ko man lang sya nahawakan?

Bakit di ko man lang naibulong sa kanyang mahal na mahal ko pa sya, baka sakaling magising.

Ang unfair naman eh.

Bakit ramdam ko dito sa puso ko, sobrang masakit at mabigat lalo.

Isipin pa lang na di ko na sya araw-araw makikita, mas gugustuhin ko pang balewalain nya ako araw-araw na nakikita ko sya kesa alam kong nasa malayo na sya at walang pag-asang manakawan sya ng sulyap.

_____________________

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon