Chapter 30

5.5K 131 0
                                    

Kiara's POV

Tatlong taon.

Oo tatlong taon na ang nakalilipas at parang kahapon lang na nangyari ang lahat.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, di ko pa rin maiwasang magbalik-tanaw sa nakaraan na pakiramdam kong parang sariwa pa simula sa unang-una hanggang sa huli kong naaalala.

Tatlong taon na rin mula nang maiwan ako dito sa Pilipinas at umasang may Eunice na babalik sa buhay ko.

Graduate na ko ng college at two years nang nagma-manage ng company ni Dad dito, na branch lang ng nasa U.S.

Sinubukan kong alamin ang mga bagay-bagay na may kinalaman dito sa kompanya kasabay ng paghahanap ko rin kay Eunice.

Walang kahit na sino mang kakilala at kamag-anak nya ang nagsabi saken kung saang bansa nila dinala si Eunice na binalak kong sundan noon.

Masamang-masama ang loob kong nagpatuloy sa buhay nang walang kahit anong balita sa kanya at heto ako ngayon, parang tangang umaasang babalik na lang sya isang araw at sasabihing, 'I'm back'.

Maging si Sofie, tikom ang bibig sa maaari kong pagkitaan kay Eunice. Di ko nga rin naiwasang sumama ang loob sa kanila dahil feeling ko pinagtutulungan nila ko, pero dumating rin yung time na, tila nagsawa na rin akong paulit-ulit na magtanong gayong wala naman akong nakukuhang response.

Ang hindi ko lang kinapapaguran eh, ang paghihintay.

'Kailan ka ba babalik?',isip ko habang nakatitig sa picture nyang nasa cellphone ko taken 3 years ago.

Di ko alam kung nasaang lupalop ng mundo ka man, pero malinaw na sakeng minahal mo rin ako.

Nalaman ko na ang lahat.

Mula sa araw na nakipaghiwalay sya saken, iniwan, at sinaktan.

Sa paggamit nya kay Phillip para pagselosin ako at palayuin.

Sa pagtitiis na wag akong pansinin para tuluyan akong lumayo.

At maging sa pagtitiis at pagtatago ng buong katotohanan.

Hindi nabawasan ang kung anumang pagmamahal ko sa kanya bagkus ay mas tumindi pa nga noong nawala sya at mabulgar ang lahat-lahat ng inililihim nya.

Even her sickness, na sobra man akong nagwala noon at nagmakaawang dalhin ako sa kanya nung malaman ko, nagawa pa rin naman akong pakalmahin ng mga kaibigan ko at pinilit ipaintindi ang ginustong mangyari ni Eunice.

Kaya nga kahit mahirap, kinaya kong mabuhay nang wala sya, dahil naniniwala akong, isang araw, babalik sya.

_________________________

Kiara's POV

"Sasamahan mo ko mamayang 5 pm. Susundo ako sa airport"

"Babae mo? Husay ka kay Chloe."

Si Sofie nga pala at si Chloe na.

Kung gaano ako katagal naghihintay, ganun na din silang katagal na magkarelasyon.

"Hindi. Susundo lang naman tayo ng chicks"

"Edi babae nga"

"Oo nga. Pero hindi saken, kundi rereto ko sayo"

"Ayoko. Hangga't hindi si Eunice yan, di ako sasama"

"Paano kung sabihin kung sya?"

"I don't believe you. Tagal mo na kong pinagtitripang bumalik na sya, bumalik na sya, pero trip lang pala. Paasa!"

"Hahaha! Funny mo kase eh. Funny-walain"

"May alam ka nang ganan ngayon palibhasa masaya ka sa lovelife mo. Magbe-break din kayo"

Oi di ko mean yung sinabi ko. Niloloko ko lang yan.

"Eh. Inggit ka lang."

"Psh."

Sa mga nangyari parang nagkapalit kaming dalawa ng personality, ako na yung medyo masungit tas sya na yung mapang-asar.

"Basta sasama kita mamaya"

"No"

"Yes"

"Hindi"

"Susundo ako kay Eunice ayaw mo talaga?"

"Hindi yun si Eunice"

"Sya nga, kulit!"

Tinaasan ko lang sya ng kilay at pinagpatuloy ko ang pagtutok sa laptop. Busy as it is eh. Iba na ang may pinamamahalaan eh.

Echos lang.

"Promise si Eunice nga, ibang version nga lang"

"Magtigil ka lang sasamahan na kita. Wag mo na lang gamitin si Eunice. Lokang to. Alis ka na, busy ako. Daanan mo na lang ako mamaya."

Kulit nya eh. Ayaw akong tigilan kaya sige na, di lang naman iilang beses na nangganyan yan saken eh.

Lagi nila akong pinepeste ni Aya. Sanay naman na ko. May pagdaan nga lang na nakakairita kase tambak ako ng paperworks tas mangungulit sila.

Psh.

_______________________

Kiara's POV

"Bilisan mo, ayaw pa naman nya ng pinaghihintay"

"Sya na nga lang ang susunduin, sya pa ang magagalit?"

Effort na kaya ang magdrive!

"Iba pag sya. Nabuga yun ng apoy"

"Atat lang? Saglit lang kase!"

"Bagal mo kase eh!"

"Ako pa? Ikaw tong wala pang 5 pm andito na? Kamusta naman yun."

"Daming palusot, yaan mo, everytime you visit our resto, you're free"

"Ganun ba, sige halika na. Oh ano pa bang hinihintay mo? Tayo na. Bagal mo naman, my ghad!",sabi ko at nauna nang lumabas ng office ko.

Napailing naman ito at natatawang sumunod saken habang binabaybay ang corridor.

_________

Airport......

"Tawagan mo na"

"No need, kita ko na sya"

Sinundan ko lang naman sya nung nagsimula na sya maglakad. Andito na nga pala kami sa airport.

"Hey there! Tagal mo ah",sigaw mula sa malayo.

"Inintay ko pa kase ang kasama kong susundo sayo"

Napakunot-noo naman ako dahil sa narinig na usapan. Subalit hindi yun ang naka-catch ng attention ko.

Kundi yung boses.

Tang-na!

Si Eunice!

Naka-crop top na itim, skinny jeans at naka-5 inched heels.

Parang model ang datingan. Mas gumanda sya in fairness.

Napangangang tinitigan ko ito habang di alam ang dapat mararamdaman.

Halu-halo na pero isa lang alam ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Parang may nagkakarerahan sa loob ko na gustung-gusto kong salubungin na lang sya habang parang rumarampang lumalapit samen.

Di ako makapaniwala, na sa daming araw, buwan at maging taon na inaasam ko na makita ulit sya, ay eto at nangyari na.

'E-Eunice'

At dahil sobrang namiss ko sya, di pa man sya muling nagsasalita, kaagad ko na itong sinugod nang yakap at sumubsob sa leeg nito.

Ang saya-saya ko!

'B-Baby, I miss y-you',isip ko habang ninanamnam ang yakap na ginawa ko.

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon