Chapter 5

8.8K 254 4
                                        

Kiara's POV

"Sabay na tayo beshy sa parking lot",masayang sabi ni Aya tas ikinawit ang braso nya sa braso ko

Wag nyong imi-misinterpret yung closeness namin kase talagang ganyan sya kahit kanino sameng tatlo.

Nagsimula na kaming maglakad habang nagkwekwento ng kung anu-ano si Aya nang mapadaan ako sa kotse ni baby Lei.

Medyo awang yung bintana sa tapat ng driver's seat kaya nakita ko syang masamang nakatingin samen ni Aya.

"Aya una ka nang umuwi, may aasikasuhin lang ako",pasimple kong bulong sa kanya kaya nauna na rin syang naglakad at pumunta sa kotse nya matapos kumaway-kaway

Naglakad ako palapit sa kotse ni dyosang amazona na nagtaas-kilay na agad nang makita akong palapit.

"Baby, I miss you", nakangiti kong bati sa kanya makalapit

Tiningnan nya lang ako ng masama tas binuhay ang makina ng sasakyan.

Dahil may pagsa-makulit naman talaga ako, mabilis akong umibis sa kabilang pinto at pumasok sa loob ng kotse nya.

"Who told you to get in huh? Get.out.",gigil na sabi nya kaya di muna sya umalis

"Ano bang problema mo baby, naguguluhan na ko ah"

"Wag mo nga rin akong mai-baby, hindi mo ako baby. Saka may boyfriend ako"

Di ko naman inaagaw. Di ba guys?

"Who cares? Saka wala namang kinalaman ang pagka-attract ko sayo sa pagkakaroon mo ng bf eh, bakit ba."

"Anong sinabi mo?"

Oo na! Aminado na po ako. Gusto ko na talaga ang dyosang amazonang kaharap ko. Oo nung una alam kong nagagandahan lang ako pero wala eh, kahit alam kong sya lang ang pinakaunang babae na sinubukan kong kulitin nang ganito, mas lalo akong nahulog.

At gagawin ko ang lahat maging pareho lang ang nararamdaman namin.

"Sabi ko mahal ang gas kaya paandarin mo na",balewalang saad ko tas prenteng sumandal pa sa upuan at nagseatbelt.

"Sabing lumabas ka eh, kulit mo ba!",namumula sa inis na asik nya

Pero nagulat na lang ako nang mapansing nangingilid na yung mga luha nya sa mata.

Walang sabi-sabing hinapit ko sya palapit saken at niyakap.

"Ssssssh, baby, tahan ka na. Sorry na. Sorry talaga. Di ko naman sinsadyang manggulo eh, kaso namiss kitang talaga. Sorry na",di magkaintindihang pagpapatahan ko habang pina-pat sya sa likod.

Shete, kung ibang pagkakataon lang to baka nagparty na ko dahil ramdam na ramdam ko ang lambot ng katawan nya. Shocks nama-manyak na talaga ko. Pero mas nangingibabaw talaga yung pag-aalala ko.

"Baby tahan ka na please? Kung gusto mo aalis na ako tumahan ka lang, please?"

Lalo akong nag-alala nung tuluy-tuloy pa rin ng hikbi nya sa harapan ko.

Pano ba to. Ayaw naman nya magsalita. Baby naman eh!

Akmang kakalasin ko na sya sa yakap para lumabas ng sasakyan nung pigilan nya ko.

"Don't. Please stay",mahinang sabi nya sabay hila sa laylayan ng uniform ko.

Tumango na lang ako at inutusan syang lumipat sa pwesto ko habang ako naman ay bumaba para lumipat sa driver's seat.

Tinanong ko lang kung saan sya nakatira at ginamit ang gps ng sasakyan nya para di ko na sya abalahin sa direksyon. Marahan ko namang pinipisil-pisil ang kamay nyang hawak ng kanang kamay ko para iparamdam na andito lang ako para sa kanya.

Nararamdaman ko rin kaseng hindi lang dahil saken kaya sya ganito.

Kung anuman yun baby, sana magawa mo akong pagkatiwalaan.

Nakarating kami sa bahay nilang natutulog na sya sa gilid ko. Bumaba ako ng sasakyan para magdoor bell at pagbuksan ng pinto. Alam kong kailangan nya na talaga ng pahinga eh. Ayoko namang maabala sya sa pagtulog nya. Dahil wala akong puso para gisingin sya, binuhat ko na lang sya nang dahan-dahan makaraang may magbukas na para samen.

House maid lang nila ang nagbukas at tinulungan akong dalhin si baby sa kwarto nya.

Ouch, daing ko habang pinapaikot-ikot ang aking braso dahil di rin naman ako sanay ng may binubuhat na mabigat.

Marahan akong lumapit sa higaan nya at masuyo syang pinagmasdan habang payapang natutulog.

I kissed her forehead bago lumabas at hinanap ang katulong na nag-assist sa akin kanina.

Natagpuan ko sya sa kusina habang naghahanda ng makakain.

"Ehem",tikhim ko kaya lumingon sya

"Ma'am yes po?"

Inutusan ko sya na, sya na lang ang magpalit ng damit ng baby ko. Pero bago sya umalis katakot-takot na pagpigil muna sakeng umalis agad ang nangyari.

Sabi nyang dito na ako maghapunan at kung di pa mandin pagmamalabis, eh dun na ako tumulog.

Nagtataka man, di na lang ako tumanggi. Kaninang iniuwi ko sya wala akong narinig na kahit anong curiosity sa bibig ng katulong na tingin ko ay nasa 30+ na ang edad.

Matapos kong kumain sakto namang bumaba ang katulong na nagpakilalang si Ate Agnes at sinabing nabihisan nya na ang amo.

Dahil dito naman ako tutulog nagdecide na rin akong sa kwarto na lang ni baby makitabi. Hihi.

Kala nyo seryoso na ko noh. Hahaha. Konti lang.

Muli akong napabuntung-hininga nang makailang beses kong nakita na muli na namang nangingilid ang mga luha nya sa mata habang sinusuklay ko ang buhok nya.

Alas dos na ng madaling araw at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagigising. Umiiyak syang tulog. Di ko naman maiwasang makaramdam ng kirot sa loob-loob ko lalo kung kita ko syang mukhang nasasaktan.

Kinabig ko na lang ulit sya para mas mayakap at ganun naman ang ginawa nyang pagsiksik lalo saken na di ko alam kung aware ba sya sa kung sinong kayakap nya.

Di ko naman maiwasang mapangiti kase syempre, crush ko kayakap ko. Hihi. Daig ko pang high schooler kung kiligin sa oras na to.

Di ko na rin namalayan kung anong oras na ba ko nakatulog pero ang alam ko, kayakap ko sya hanggang sa makatulog.

_________________

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon