Eunice' POV
Kapapark ko pa lang ng kotse nang may parrot akong nakita na naghihintay sa labas habang nakasandal sa kotse nya.
Nilampasan ko sya pero maya-maya naramdaman ko na lang na kasabay ko na sya. Pero ang nakakapagtaka ilang minuto na kami naglalakad di pa rin sya nagsasalita. Naputulan ng dila ang parrot na to ah.
Aiist. Bakit ba iniisip ko yun. Mabuti nga at tahimik ang paligid ko. Pero akala ko lang pala yun.
"Baby!",sigaw nya bigla na ikinalingon ko
Di ko naman maiwasang mapataas-kilay sa tinutukoy nyamg baby daw nya.
At saken sya nakatingin.
Ano na naman kayang trip ng parrot na to.
Yung mga nadaanan naman naming estudyante at maging yung nasa paligid namin ang iingay ng mga bulungan. Bwiset.
"Sino yung kasama ni Ms. Saavedra, bestfriend ba nya?"
"In fairness maganda"
"Sabi ni Nathalie crush nya daw yan eh, balak nga daw nyang makipagkilala eh"
Psh.
"Wag mo naman akong iwan baby. Kita mo naiwan mo na ko. Bilis mo maglakad", sabi ni parrot na ako pala ang tinutukoy tas patakbong lumapit saken
"Hmp!", tas tinalikuran ko na ulit sya pero kasabay ko na
Kiara's POV
Nakarating na kami ng classroom pero si dyosang amazona ayun bad vibes pa din. Pansin nyo lagi syang BV noh. Hahaha. Pero okay lang maganda pa din sya.
Di na lang ako nangulit hanggang sa dumating na si Sir cute. Chinito kase. At may pinapagawang project pero by partner. Kaya alam nyo na kung sino ang ipapartner ko di ba. Hahaha. Oplan sira ng silence.
"Baby pair tayo!",nagagalak kong baling sa kanya pero isang matigas na no yung isinagot nya
Agad-agad? Hahaha. Di ako susuko
"Sige na baby, partner na tayo. Sayang kawalan pa mandin ako", nakangisi kong dagdag sa panghihikayat ko
"Shut up",tas may irap pang kasama
"Uhmm, excuse me"
Daan ka na miss. Pero di ko sinabi yan. Nilingon ko na lang. Pati si amazonang dyosa.
At may another maganda akong nakita. Sabi sa inyo. Madaming magaganda dito eh. Mwahahaha.
"Yes?", nakangiti kong sagot sa excuse me nya, tas rinig ko pang yung katabi ko nag-hmp
Sigurado may roll eyes yun. Hehe. I'm so great. Kita nyo kilalang-kilala ko na si baby ko.
"May partner ka na ba? If you are willing, pedeng tayo na lang ang pair? I'm Nathalie by the way", maaliwalas ang mukhang sabi nya
"Ac---"
"She has partner already", nakahalukipkip na sabi ng katabi ko nang lingunin ko sya
Syempre nagdidiwang yung puso ko. Parang kanina lang kase ayaw nya kong kapareha eh tas okay na ngayon. Hahaha.
"Ahh ganun ba. Sige next time na lang", tas tumalikod na sya after akong ngitian ng matamis
Si baby kaya kelan ngingiti saken. Lagi atang taas-kilay eh at irap ang expression nya saken tas pagdating dun sa boyfriend nya wagas makakinang yung mata. Pero mabalik, at least, pumayag na sya. Hahahaha
Magdiwang!
"So?",ako na nagtataas-baba yung kilay. Yan naman yung fave expression ko pag mangungulit. Haha
"So-win ko kalandian mo. Psh"
"Awwtsu. Sakit mo magsalita baby. Di ako malandi ah. Maganda lang. Sino ba yun?", kunwaring nakasimangot kong saad
Pero di ko naalala yung pangalan nung babae kanina eh. Natutuwa kase ako sa sinabi nya kaya di ko na naintindi. Malandi nga siguro ako. Hihi. Pero okay lang. Sa kanya lang naman eh di ba.
"Edi sya tanungin mo"
"Wag ka na po magselos, ikaw lang naman sa puso ko eh",pagdadrama ko pa
"Bwiset! Wag mo nga kong pagtripan. Eew!", sabi nya sabay kuha ng pabango at ini-spray
Napailing na lang ako sa reaksyon nya habang naaamuse na nakatingin. Di naman ako magagalitin eh. Haha. Saka malay ko bang straight talaga sya. Ano pa bang aasahan ko sa babaeng straight di ba.
Di naman ako mabilis sumuko eh. Kaya yan. Hahahaha.
_________________
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
