Kiara's POV
Past 4 na nang makarating kami sa sinasabing place ni Aya at heto marami akong nakikitang coral reefs.
I mean mga magagandang babae. Hahaha.
Di ba pag maganda ang katawan pero panget mukha hipon daw?
Sila para saken ay coral reefs kase lahat sila magaganda.
Sasabihin nyo naman naglulumandi ako. Hihi. Di ah. Slight lang.
"Dukutin ko mata mo dyan",sita saken ng girlfriend ko na pinanlalakihan ako ng mata.
Sabi ko nga eh behave dapat ako.
"Ikaw lang naman baby ko ang iibigin ko. Nagagandahan lang naman ako sa kanila pero hindi sapat para mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo. Hahaha."
"Corny!",singit ni Sofie na nasa isang gilid ko.
"Inggit ka lang! Bleh!"
"Ah basta! Makita ko kang pumunta sa kung saan yan, wala ka nang mata mamaya",masungit na sabi saken ni gf na inirapan pa ko.
"Wala lang naman yun baby ko eh. I love you po"
"May forever na pala",singit ng boses at nakarinig ng mahinhing pagtawa malapit sa pwesto ni Chloe.
Nilingon namin yun at masayang nakatingin samen ang isang prinsesa habang si Chloe pala ang kausap.
"Isa pang labas ng ngipin mo, uubusin ko yan"
Nanalalaki naman ang matang nilingon ko si baby Lei na masamang nakatingin saken dahil sa banta nya.
'Shete! Sabi nang wag lilingon sa iba eh. Pasaway ka talaga Kiara Rielle!'
"Di na po talaga, promise!"
"Hmp!"
"I love you baby ko!"
Cute nya po magselos. Hahaha.
Nilingon ko naman si Sofie at ohlala. Hahaha.
Parang nasapian ng kung ano habang masamang nakatitig sa pwesto nina Chloe at nung babae kanina.
"May naaamoy ako. Jealousy, perhaps? Hahaha. Galaw-galaw na din Sofie pag may time!"
Tinawanan ko lang naman sya nun nung masama syang tumingin saken.
Di na rin naman namalayan ni Chloe na nahila na pala sya ni Sofie palayo sa lugar nung babae at maging kami ay naiwan sa pwesto namin.
Wala na sila. Hahaha. Selos lang pala ang katapat ni Sofie eh.
Hope umamin na yun. Kala kase ni Chloe one-sided lang din sya eh.
Pero never akong nagkamali pagdating sa mga ganyang bagay noh. Hahaha. Based on experience!
"Kala ko maglalaro daw tayo? Asan na sina Aya?"
"Di ko rin alam eh. Tara baby ko maglakad-lakad muna tayo"
Hinapit ko sya sa bewang at sabay na naglakad habang hinahanap si Aya nang maya-maya'y makarating kami sa kumpol ng mga tao malapit sa shore.
Nang tuluyang makalapit, nakita na namin kung ano ba ang nangyayari.
Dun namin nakita ang tinutukoy ni Aya na nakakabit na net habang may ilan na naglalaro sa loob na parang ginawa nilang court.
Nagguhit lang naman sila sa buhangin para indication ng in and outside.
"Andito na pala kayo! Halina kayo dali! May makakalaban na tayo!"
Hinila namin kaming dalawa ni Aya papunta sa may gilid ng parang nag-a-assist ata yun ng game.
Tas nakita kong may perang ibinigay si Aya.
'Ahh may lagay'
Bahala sya, mayaman naman yan. Hahaha. Matalo man kami okay lang.
"Asan sina Chloe at Sofie?"
"Umalis. Nagdate"
"Eh? Dapat mamaya na lang"
"Pustahan pala to Aya"
"Ahehe, medyo. Yaan mo na, kase nabayaran ko naman na"
"Si Bianca?"
"Andyan lang yun. Member din natin."
Maya-maya nagpakita na yung dalawa at lumapit samen.
Di rin nagtagal nang may mga nasa limang babae ang lumapit sa amin.
Yung isang babae dun, sya yung kita ko kaninang lumapit kay Chloe samantalang yung isa naman wagas kung makatitig sa baby ko.
Sinamaan ko naman ito ng tingin at hinapit palapit sa akin si baby Lei na pansin kong natatawa.
"Yah, what?"
"Cute mo kase. Hahaha. May pagka-possessive ka pala",nang-aasar na sabi saken ni baby na may ngiti sa labi.
Halikan ko sya dyan eh. Hmp!
"Yiiieee si baby naman, selos kaagad eh."
"Syempre, makatitig ba naman sayo, wagas"
"Okay lang yun. At least hindi naman ako ang tumititig di ba. Ikaw nga dyan, ikaw yung uli ang mata kahahanap ng maganda eh"
"Ibang kaso yun baby noh. Ah basta! Wag kang lalapit dun ah"
Naiiling namang hinawakan nito ang kamay ko at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.
In no time magkakaharap na kaming 10 sa may gilid nang may nagsalita sa mga makakalaban namin.
Si Aya nga pala hindi sumali, di daw sya marunong. Facilitator na lang daw sya at cheerer.
Lakas ng loob magyaya ng beach volleyball hindi naman pala sasali. Psh.
"Normal rules. Pero what if lagyan natin ng thrill?",nakangising sabi ng nagsalita sabay sulyap ng makahulugan kay baby Lei.
'Yah! Kokota na sya ah!'
"Sige! Ano yun?",sagot ni Aya na di nararamdaman ang tension na namamagitan sa aming apat.
Samen ng babaeng type ata ang girlfriend ko at si Sofie na masamang nakatingin sa babaeng nakatitig kay Chloe.
"Whoever wins will have a favor from whoever lose?"
"Like?"
"A date from the girl we like, I think?"
"No way I would agree",nanghahamong sagot naman ni Sofie na di na ata nakatiis.
"Why not? Affaid that your team might lose huh?"
Ayoko din.
Sa lagay na to dehado kami.
Sila may gusto sa mga mahal namin, samantalang kami, wala namang nagugustuhan sa kanila.
Di ba guys?
Agree kayo dyan. Naiinis na ako.
Arrrgh!
"So?",sabi ng isang member nila na mukhang naghihintay ng sagot mula samin.
"Nah nevermind girls. Mukhang di pa man nagsisimula ang laban may mga losers na",anang isa na tatalikod na.
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Fiksi RemajaSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...