Chapter 8

7.9K 223 5
                                        


Kiara's POV

Three months na rin ang nakakalipas since I transferred here sa school nina baby Lei. And you know what's new?

Ehem. Nililigawan ko na sya. Bilis ba? Hahaha. Ganun talaga ata kung mahal mo di ba. Susubok ka.

Yung bf nya? Ayun break na sila dahil ako ang mahal nya. Hahaha. De biro lang. Ang totoo nyan, assumingera lang po ako. Hehe

Maghihiwalay din yun. Believe me. Haha

So eto nga at kasalukuyan akong nagpapark sa tapat ng bahay nina baby Lei.

Matapos akong pagbuksan ni Ate Agnes tumuloy na ko sa loob at nagbukas ng tv. Susunduin ko lang naman sya.

Mula kase nung matulog ako sa bahay nya naging medyo close na kami at mas lalo kong nararamdaman ang saya kapag nakikita at nakakasama sya.

Si Sofie hanggang ngayon di ko pa nakakausap tungkol sa kanila ni baby. Hayyst.

"Feel at home eh?"

Malawak ang ngiting nilingon ko ang nagsalita at nakitang bumababa ng hagdan si baby Lei. Nakabihis na ito at tingin ko kakain na kaya tumayo na rin ako para sumama sa kanya sa kusina.

Lumapit ako sa kanya at pasimpleng nilanghap ang kanyang buhok.

"Bango mo naman baby ko. Hmm",singhot ko pa sa kanya habang nakayakap sa kanya

Kita ko naman syang umiiwas saken. Nakikiliti siguro.

Pinalo naman nya ko sa braso at pinaupo na sa harap ng lamesa. Nakahanda na rin ang pagkain nang pumasok kami.

Mabilis talaga makaramdam si Ate Agnes ng taong nagugutom. Hahaha. Sa katunayan madalas dito na ko kumakain ng breakfast eh.

"Baby"

"Yah, di ako bata okay?", sabi nya na matic nang nang-irap

"Iih, oo kaya. Baby kita",simangot ko sa kanya

Pansin ko namang pinipigilan nya matawa dahil sa expression na ginagawa ng mukha ko.

"Pasyal tayo mamaya baby ko",malawak ang ngiting anyaya ko sa kanya nang manguya ko ang pagkain sa bibig ko.

Tinaasan nya lang ako ng kilay indicating ata na ituloy ko ang gusto kong sabihin.

"Sige na baby oh. Sagot ko naman lahat. Gagawin ko ang lahat mag-enjoy ka lang. Hihi"

"Whatever. Nga pala, break na kami ni Phillip"

"Eh?"

"Ayaw mo ata?"

"Di po. Di lang po ako makapaniwala. Hehe. So ehem. Legal na pala tayo baby eh. Single ka, single ako. Bagay",kumikislap ang matang litanya ko. Haha

"Walang tayo noh",sagot nya tas binelatan ako.

"Alam ko naman baby. Pero dadating rin tayo dyan"

___

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon