Chapter 22

5K 133 1
                                    

Kiara's POV

"Kelan ka pa natutong uminom mag-isa ha?"

"Ngayon lang. Ayokong makaabala"

"Psh, arte nito. Alam ko masakit kaya sasamahan ka namin"

Napangiti na lang ako ng mapait habang itinuloy ang pagtungga sa bote ng alak na hawak ko.

Narito ako ngayon sa bahay ko, nagpapaka-wasted.

Dumating naman silang dalawa ni Chloe na hanggang ngayon tahimik pa rin.

Naaawa siguro. First time nya kase ako nakitang ganito. Hehe

Ewan. Di ko na ata kilala ang sarili ko.

Putang-inang pag-ibig to. Bakit kase nakain pa ako ng sistema.

Nakiuso pa hayop talaga!

"May alam ka ba?",bukas ko ng usapan at muling lumagok.

"Kung bakit? I mean kung anong dahilan?"

Dahil putang-inang rason naman yan, di ko pa magawang malaman hanggang ngayon.

Ikamamatay ko na nga ang pag-iyak gabi-gabi pero di pa rin ako nalilinawan kung bakit ganun ang nangyari.

Sa totoo lang ang daming tanong sa loob-loob ko na kating-kati akong itanong sa kanya pero ni isa hindi ko masabi kase masyado nang malayo ang gap naming dalawa.

"Wala rin akong alam Kiara. Nasabi ko na sana sayo kung may alam ako pero wala eh"

"Di ba bestfriend kayo dapat may alam ka! Di ba? Putang-ina! Sabihin mo na saken bwiset!",pagwawala ko at hinablot pa si Sofie palapit saken.

"Yah! Bitawan mo nga sya! Kiara! Wala ka na sa sarili mo!",ani Chloe na umaawat sa pag-outburst ko pero di ako nakinig.

Samantalang yung mukha naman ni Sofie plain lang kaya mas lalo akong nainis at itinulak sya nang basta.

"Di na kita kilala. Ikaw pa ba si Kiara?",mapait na bigkas ni Chloe at malungkot akong tinitigan habang tinutulungang tumayo si Sofie.

"Tama ka. Di ko rin alam. Maging ako nga di ko kilala ang sarili ko. Tang-ina naman kase Chloe, masakit kase! Alam mo yun? Ang sakit-sakit! Aaaaaaaah!!! Aaaaaah! Mahal na mahal kita Eunice!"

"Yah Kiara! Ano ba! Kumalma ka nga kase! Kiara Rielle Salva!"

Di ko pinansin ang pagsaway saken ni Chloe at Sofie habang patuloy naman ang maririnig na pagkabasag ng gamit dahil sa aking pagwawala.

"Kiara makinig ka! Makinig ka!"

*Pak!

"Ha?",wala sa sariling turan ko matapos akong bigyan ng isang malakas na sampal ni Sofie.

Napahinto nga naman ako sa pagwawala. In fairness.

"K-Kiara"

"Please stop s-smiling"

At walang sabi-sabing niyakap nila akong dalawa at dun ko na mas lalong naramdaman ang pagbuhos ng mabigat na emosyon na lagi kong dala-dala mula nang mawala sa tabi ko si Eunice.

And that night, I cried my heart out, at ipinangakong magsisikap maging okay na sa mga susunod na araw.

_________________________

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon