Aya's POV
"Beshy!",masiglang bati ko kay Ara kase nakita ko syang mag-isang naglalakad.
Bakit ba trip ko lang. Hehe.
Pero as usual dedma lang ako at nagpatuloy syang naglakad papunta sa cafeteria.
Nagkaganyan na sya mula nung break-up nila ni Eunice.
Nakakalungkot man pero ganun ata talaga. Pero tiwala naman akong di pa dun natatapos ang buhay-pag-ibig nitong aming kaibigan.
Habang may buhay may pag-asa! Fighting!
"Teka lang Ara! Sabay tayo!",at magiliw akong kumapit sa braso nya hanggang sa loob ng cafeteria.
Ngunit may hindi magandang view ang aking nakita at balak ko sanang hilahin pabalik si Kiara pero huli na.
Nakita nya na rin si Eunice habang nakikipagsubuan kay Phillip.
Oo tama kayo guys, si Phillip the ex. Mukhang sila na ulit dahil sa tagpong aming nasasaksihan
Di naman nagsalita ang katabi ko kaya akala ko balewala na lang sa kanya pero di ko na namalayan na lumalapit ito sa direksyon ng dalawa.
May ilan nang nakakapansin sa tension na namamagitan sa dalawa lalo at hindi naman lingid sa kanila ang dati nilang relasyon.
Dahil ayoko ng gulo sumunod ako.
Wait! Wag nyo ko iwan!
"Aray! Ano bang problema mo!?"
Hinablot kase bigla ni Kiara si Eunice at sapilitang itinayo mula sa pagkakaupo nito.
Si Phillip naman ayun at napatayo na rin dahil sa ginawa ni beshy.
"Sasama ka saken, sa ayaw at sa gusto mo"
"No! Matagal na tayong tapos kaya di na ako mag-aabalang gawin yun"
"Wag mo kung subukan Ms. Saavedra"
"Ano bang problema mo Ms. Kiara Salva. Kung ano man ang namagitan sa inyong dalawa noon tapos na yun dahil ako ang mahal nya"
"Shut up!",malamig na tugon naman dito ni beshy.
Grabe ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso ang kaibigan namin.
'What to do, eh?'
"Di ako naniniwala sa kung ano mang sinabi ng lalaking yan kaya mag-uusap tayo ngayon din"
"Tigi---Arrrrgh! Shit!"
"Ano ba Ms. Salva! Sabi nang di ko gusto eh. Phil ayos ka lang ba?"
"B-Baby, please naman, kausapin mo ako. Ipaliwanag mo saken lahat. Maiintindihan ko naman eh.",makaawa ni beshy habang pilit inaabot si Eunice na tinutulungan si Phillip.
Ako naman nasa gilid ni beshy at pinipigilan ito sa ginagawa.
Alam kong napakasakit para sa kanya ng sitwasyon nila pero sana matanggap nya rin isang araw na, kung talagang sila, sila.
At kung hindi naman, maka-move on na sana sya.
Di ko alam pero di ko rin alam kung ano bang iisipin sa ginawang pang-iiwan ni Eunice sa kaibigan namin.
Di ko magawang magalit pero masama rin ang loob ko dahil alam naming pare-pareho na hindi birong magmahal si Kiara.
"B-Baby p-please"
"Siguro sapat na tong dahilan para lubayan mo na ko"
At walang sabi-sabing naghalikan sa mismong harapan namin si Eunice at Phillip dahilan para tuluyan nang magbreak down sa sakit si Kiara.
Kiara's POV
Tang-ina!
Kung pede lang akong maging manhid na lang para hindi tuluyang maapektuhan sa 'live show' na nasasaksihan malaking pasasalamat kay God ang gagawin ko.
Pero dahil alam nating di naman ganun sa realidad, parang gusto ko na lang biglang maglaho sa harapan ng babaeng mahal ko at boyfriend nya na walang habas na naghahalikan sa harapan ko.
Shet!
Shet!
Shet!
Di ko alam pero parang nabato na ko sa kinatatayuan ko at walang balak umalis kahit alam kong parang unti-unti nang namamatay ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman sa mga oras na to.
Ayoko na.
"Kiara"
Naramdaman ko na lang na may humihila saken palayo sa lugar na nagdulot saken ng pinakamalalang pagkabigo sa pagmamahal ko kay Eunice.
"Malalampasan mo rin yan, naniniwala ako. Here drink this nang kumalma ka kahit papaano"
Tinitigan ko lang naman ang energy drink na iniaabot saken ni Nathalie dahil wala akong ganang tumikim ng kahit anong pagkain man lang.
Si Nathalie ang humila saken at nagdala dito sa bench malapit sa parking lot.
Dahil siguro alam nyang wala akong balak kunin yun sya na ang naglagay nun sa aking kamay matapos buksan.
Dala na rin siguro ng uhaw sa kanina ko pang pag-iyak, ininom ko na lang ito nang walang ginagawang kahit anong ingay man lang.
Tahimik lang kaming nakaupo at ipinagpapasalamat na alam ni Nathalie kung paanong magbibigay ng katahimikan lalo na't kailangang-kailangan ko yun sa mga oras na to.
Dahil tila wala pa ko sa sarili, nagpasya syang ihatid na lang ako dahil wala daw syang tiwala na makakauwi ako ng matino.
Sumabay na lang ako sa agos at nagpatianod sa sinabi nya.
Promise bukas, bukas na bukas din, wala nang bakas ng kahapon ang haharang sa buhay ko.
_____________________
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
