Kiara's POV
"Hello gorgeous! Namiss mo na ko agad? Kakakita lang natin kahapon ah. Yiiieee, miss nya ko. Hahaha!"
"Psh, tigilan mo nga ako. Nandito lang ako dahil kay Sofie"
"Talaga ba? Aww sayang kala ko dahil na saken eh, ako kase miss na kita, buti nandito ka. Di pa mandin ako makadadalaw sayo kase start ko na ngayon",anito at nagpaawa.
'Ayaw pa kase aminin na totoong nagpunta naman sya dahil kay Eunice eh'
Psh.
Dinedma ko naman ang sinabi nito at nagtanong kung asan nga ba si Sofie.
Syempre, paninindigan ko na yung 'pagpunta kuno kay Sofie'.
Di naman kase talaga ako napunta dito na si Sofie talaga ang pakay, pwera kung nablack mail ako, na madalas nitong ginagawa.
"Di nya nabanggit sayo? Naka-3 days leave si couz"
Napataas naman ang kilay ko dahil sa narinig.
Kahit kelan talaga, napakalihim nun. Psh.
"Sige aalis na lang ulit ako"
"Kiara wait!"
"What?"
"Magstay ka na muna ng konti, namiss kase talaga kita. Hihi"
Makapagpacute kala mo single.
"Marami pa kong gagawin"
"Iih sige na, kahit kumain ka na lang, specialty ko. Promise di ka magsisisi!",tas tinaas pa nya yung kamay na parang nanunumpa.
Kaso kaliwang kamay. Kulit talaga.
"Psh"
"Yes! Halika dali upo ka muna, magluluto muna ko. Bigyan muna kita ng dessert habang naghihintay"
Napatingin naman ako kase parang alam nyang reverse ako kumain, na nauuna ang dessert bago ang meal, at napansin nito yun.
"What? Hmm, napansin lang kita kahapon, yun ang inuna mo bago kumain ng heavy meal eh. Hehe"
Ahh kala ko pa naman. Tsk.
"Wala naman akong sinabi"
"Haha! Sabagay nga. Sige ah, maiwan muna kita gorgeous. Bubusugin kita pangako yan!"
Iba ang gusto kong kainin. Yung labi nya. Ang pula kase, shete, natutukso ako.
"Oo na. Uuwi na ko pag di ka pa umalis"
"Oo na po. Hahaha!",tas tumatawang umalis na ito sa harapan ko habang ako nama'y nagbrowse muna sa cellphone.
_____________________
"So? How is it?",excited na tanong nito.
"Okay lang"
"Okay lang? Yun na yun? Masarap yan, nguyain mo pa"
"Okay nga lang"
"Ano ba yan, kala ko naman maiimpress ka sa luto ko, with love pa mandin yan",tampong sabi nito habang ako nama'y dire-diretsong ngumunguya.
Totoo namang masarap talaga.
Pati sya masarap, masarap asarin.
Oh kayo ah, baka kung anong isip nyo dyan.
"Kumain ka na lang din, sabayan mo ko"
"Iih ayaw ko, di ka nasarapan eh"
"Mabubusog rin naman ako nito"
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...