Eunice' POV
Yah!
Naiinis ako!
Oo naiinis talaga ko!
Arrrrrrrggghhh!
Naging maiiyamutin na ko magmula nung nalaman kong may girlfriend si Kiara na noon ko lang nalaman.
'Di ka naman kase nagtanong',singit ng utak ko.
Kahit na.
'Patas lang, may boyfriend ka naman eh. Bakit ka magagalit na may jowa sya, ikaw nga meron din eh'
Shut up!
Letse!
Pasabay-sabay pa ang peste kong utak na to!
Nagseselos ba ko? Shete! Wala namang kami eh, pero bakit may kumikirot dito sa dibdib ko?
Kailangan ko syang makita!
___________________________
At Salva's Company...
"Yah! May girlfriend ka!",a matter of fact na bungad ko sa kanya makarating ko sa office nya.
"May boyfriend ka"a matter of fact na balik naman nito.
"Di mo sinabi!"
"Di mo sinabi",bored na tugon naman ulit nito.
"I like you",mahinahon ko nang saad dahil nakakapagod pala sumigaw samantalang yung kausap mo parang wala lang na nakatingin sayo.
Yan umamin na ko. I like her. I dunno how and I dunno why, but it just happened.
"I don't feel the same way. You know what, I think it's better for us to stop this, you seeing me and talking to me. We cannot settle things between us especially that we both know, that we both have lovelife"
What?
No! Di ko kaya. Ayoko!
"That is all for you? Ganun na lang? Wala lang ba kong naging halaga sayo?"
"Kung ako sayo magpo-focus na lang ako sa nalalapit mong kasal. You're just confused because your fiancé is not always around and that, I am the one who always got to be with you."
"Nga pala kung wala ka nang sasabihin makakaalis ka na",dismiss nito sa akin samantalang ako ay tila naputulan ng dila dahil sa malamig nitong litanya.
Kiara's POV
Nagawa ko na.
Ang sa tingin ko'y mas makakabuti para sa aming dalawa.
Natanggap ko nang wala nang patutunguhan ang kung anong namamagitan sa amin dahil simula't-sapul naman ng makabalik sya, alam ko nang magiging third wheel lang ako, kahit pa nga ba wala kaming label, pero parang ganun na rin ang dating nun.
Mas masasaktan at masasaktan lang ako kung alam kong kahit nagbago na ang lahat sa amin, umaasa pa rin ako na isang araw maaalala nya na ako at maitutuloy namin ang aming relasyon, pero sa pagkakataong ito, hindi ko na kaya.
Ang makita syang nagmamahal na ng iba ay kalabisan na sa aking paghihintay na muli nya kong maalala.
Oo gusto nya ko, pero di ko sya gusto. I mean, di ko lang sya gusto, mahal ko sya, mahal na mahal.
Di sapat na naa-attract lang sya saken para utusan syang bitawan ang kanyang fiancé.
Kahit pa alam kong mahal na mahal ko yung tao, kaya kong magparaya kung sa ikakabuti naman nito.
Unti-unti, naramdaman kong nagbabagsakan na ang aking mga luha magmula nang umalis sya sa harapan ko at walang imik na lumabas.
Ss muling pagkakataon, umiyak na naman ako sa taong, nagiging dahilan rin ng pag-iyak ko noon.
Inilabas ko ang isang stick ng sigarilyo at sinimulan itong ubusin.
Magbabalik ata akong muli sa naging gawi kong ito noon ah.
Natapos ang buong gabi ko na iniisip kung paano ako nito bukas, lalo't alam kong wala mang dahilan para muli kaming magkita.
Wala akong karapatan sa kanya, pero kahit kailan hindi ako titigil na mahalin sya.
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Dla nastolatkówSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
