Chapter 31

5.2K 127 1
                                    

Eunice' POV

Halos 30 minutes na kong naghihintay nang sa wakas nakita ko na ang pinsan kong susundo saken.

At may babae syang kasama.

Parang mas maganda sya saken.

Ang ganda ng katawan, sexy. Letse, natitibo na ata ako sa babaeng to.

Tas ang labi, shete ang pula. Pero mabalik kailangan ko nang makalapit eh.

"Hey there! Tagal mo ah",sigaw ko mula rito.

"Inintay ko pa kase ang kasama kong susundo sayo"

Napatingin naman ulit ako sa babaeng kasama at shete, mas maganda sa malapitan.

Pero nagtaka ako nang bumakas sa mukha nya yung parang rekognisyon tas ang mas nakakabigla eh ang bigla nya kong yakapin nang hindi nagsasalita at sumubsob sa leeg ko.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyayari at ang komportableng pakiramdam habang yakap nya ko.

'Ang i-init ata. Whoa!'

"Kiara",untag naman ni couz dito kase maging ako hindi pa nakakaimik dahil sa ninanamnam ko ang yakap nitong magandang babae.

'Landi'

De joke lang. Ang totoo nyan, gulat lang talaga ko.

Humiwalay naman na sya saken at tumitig na parang maraming gustong sabihin pero naguguluhan talaga ko.

Kilala nya ba ko?

Sa pagkakaalam ko, ngayon ko lang sya nakita at ngayon lang kami nagkita.

"E-Eunice"
______________________

Kiara's POV

"E-Eunice"

"You know me?"

Ha? Anong ibig nyang sabihin?

"Kiara. Ibang version",bulong ni Sofie.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Di sya nakakaalala, lalo na sa mga bagay na nangyari 3 years ago dulot ng operasyon"

A-Ano?

Yah! Bakit?

Matagal kong inasam na muli syang makita at matagpuan pero bakit naman nakita ko sya pero di naman nya ko kilala?

D-Di pwede to!

"Hello? Friend ka ba ni Sofie? By the way, I'm Eunice Aleina Saavedra",anitong nakalahad ang palad sa harapan ko.

'Yeah I know',mapait na isip ko.

"Kiara. Kiara Rielle Salva",plain na pakilala ko rin at tinanggap ang pakikipag-shake hands nito.

Di ko alam pero di ko alam kung panong magrereact sa nangyayari. Parang ang saklap namang malamang nakauwi na sya at nakabalik pero presensya nya lang.

Yung mga memories nya wala na. Yung ako sa buhay nya wala na.

Feeling ko nabi-bitter ata ako.

"Nice name Rielle",anitong ngiting-ngiti na parang walang pinoproblema.

Sarap panggigilan ng ngiti nyang yan pero hindi ko alam kung paanong aakto sa harapan nya samantalang ako lang ang may alam sa aming dalawa na mayroon kaming nakaraan.

At bilang play safe na tugon dahil baka kung ano pang mabigkas ko tumango na lang ako at bumaling kay Sofie.

"Siguro pwede na tayo umuwi?",walang emosyon kong sabi dito at naglakad na paalis ng waiting area.

Ang bigat sa dibdib guys kung ramdam nyo lang.

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon