Eunice' POV
Kung may pagsisisihan man ako, hindi yun yung time na nakilala ko sya at mahalin nang higit sa mga nakaraan kong relasyon.
Sobrang saya ko sa mga araw na nakakasama ko sya. Yung kakulitan nya, yung pagpapabebe nya, yung pagpapatawa nya, yung pambobola nya, at marami pang bagay na sya lang ang nakapagdulot saken.
Maging yung nangyari samen hindi ko magagawang pagsisihan dahil isa yun sa pinakamagandang bagay na naranasan ko.
Katatapos ko lang maligo kaya lumabas muna ko papuntang sala.
Kakaalis lang ni Rielle kase may susunduin daw sya sa bayan. May makakasama na daw kami mamaya kase alam daw nyang sawa na ko sa kanya.
Di ko na lang sya natanong kung sino ba ang mga susunduin nya pero kung sino man sila, wag sana si Nathalie ang isa.
Bago nga sya umalis pinaamin ko muna kung hindi ba kasali si Nathalie sa tinutukoy nya. Di sya sumasagot bagkus nginingisian lang ako ng malawak. Dahil naiirita ko sa mukha nyang ipinapakita, di ko sya paalisin.
Di naman sya natinag at mas lalo pang ngumisi nang malapad.
"Yah! Pag di ka umamin aalis ako dito nang di ka dumadating"
"You shouldn't baby. Sasabihin ko na, but in one condition"
"What is it?"
"Be my girl now. Hihi"
Tinaasan ko lang sya ng kilay tas tatalikuran na sana sya nang bigla ulit sya magsalita.
"Okay, dahil gusto mo pa kong maagaw ng iba wag mo na nga lang ako sagutin. Sige alis na ko ah"
"Yah!",sigaw ko at masamang nakatingin sa likod nya.
Humarap naman sya habang nakangiti pa rin ng pang-asar.
"Yes baby?"
"I hate you!"
"Okay",aniya at tinalikuran na naman ako.
Arrrrgh! Bwiset!
Mabilis ko syang nilapitan at hinablot sya paharap saken. Mariin ko syang hinalikan na tinugunan nya rin naman.
After the kiss inirapan ko sya at humalukipkip.
"Happy?"
"Does it mean payag ka na?",kumikislap ang matang tanong nya pagdaka.
"I hate you!",huling sabi ko at tumalikod na sa kanya.
"I love you too baby! Hahaha! Wag ka po mag-alala, di po kasama si Nathalie! Mahal na mahal kita baby Lei! Mwah!"
Di ko naman napigilang mapakagat-labi sa huling sinabi nya bago tuluyang lumabas ng pinto.
Narinig ko na lang ay ang andar ng makina at ang tuluyang pagkawala nun.
Kaya ngayon alam nyo nang, kami na, officially.
_____________________
Eunice' POV
Nang makarinig ako ng mga boses sa living room hyper akong bumaba dahil alam kong ang girlfriend ko na yun.
Yep girlfriend, kase kami na nga di ba. Wag kayo, maganda kase ako kaya bagay kaming talaga.
Ngunit yung ngiting nakadikit sa labi ko ay agad ring naglaho sa taong nabungaran ko kasama ni Rielle.
Automatic nang napakuyom ang aking kamao dahil sa pagkakita sa isa sa mga taong pinakakinaiinisan ko sa buong buhay ko.
"What's the meaning of this?",malamig kong tanong sa girlfriend kong walang emosyong nakatingin saken habang ako nakatitig ng masama kay Sofie Andrea Alvarez.
Pansin ko naman sa peripheral vision ko ang pagpapalit-palit ng tingin samen ng dalawa nilang kasama habang ang pinsan kong haliparot ay nakatungo lang.
"Gonna clarify things between the two of you",plain na sagot ng magaling kong girlfriend.
"Wala kang alam sa gusto mong mangyari"
"I know. Kaya nga narito tayo para pag-usapan ang tungkol sa problema nyo",seryoso nyang balik saken na first time kong nakitang magseryoso.
Kung hindi nangingibabaw ang inis ko sa taong kaharap ko baka natakot na ko sa tono ng kanyang pananalita.
"Walang dapat pag-usapan",tugon ko bago akmang tatalikod nang may pumigil sa braso ko.
"Di ka aalis. Kung may aalis dito, kaming tatlo yun",aniya na tinutukoy pa ang babaeng katabi ng pinsan kong haliparot at ang babaeng madaldal noon sa cafeteria.
"Let go. Di mo naiintindihan ang mga nangyayari"
Ramdam kong nanluwag ang pagkahawak nya saken kaya nabistahan ko ang malungkot nyang reaksyon dahil sa sinabi ko pero nakabawi rin agad.
"Okay",plain na ulit nitong balik pero di ko maiwasang makaramdam ng kirot sa tono nya.
Di ko alam pero parang sa pagkakataong ito na kailangan ko ng kakampi, di ko sya maaasahan.
Tumingala ako dahil di ko mapigilang mangilid ang luha ko dahil sa nangyayari. Nag-aaway kami dahil sa gusto nyang mangyari pero di ko naman magawang pumayag dahil alam kong sasabog lang ako oras na magkaharap kami ng malapitan ng pinsan ko.
Kiara's POV
"Chloe, Aya, labas muna kayo saglit. Aayusin ko lang to",seryoso kong utos sa dalawa na tumalima na rin dahil batid nila ang atmosphere sa loob.
Nang mapansin kong naluluha na ang mahal ko, di ko na napigilang yakapin sya sa harap ni Sofie na kanina pang nakayuko.
Di ko alam ang buong istorya pero alam kong may mga dahilan sila kung bakit nagkagulo silang magpinsan.
Nalaman ko lang kay Sofie kanina ang bagay na yun kaya lalo akong hindi mapapakali pag hindi ko sila napag-usap na dalawa. Nasasaktan rin ako para sa girlfriend ko pero kailangan nilang magkalinawan at nang matigil na ang kanilang tiisan sa isa't-isa.
Oo, medyo may kirot dahil di pa ko nagawang pagkatiwalaan ni baby Lei tungkol sa mga ganitong bagay pero naiintindihan ko rin sya dahil alam kong maging sya'y nasasaktan pa rin hanggang ngayon.
Parehas ko silang naiintindihan dahil sa tagal ko nang kakilala si Sofie, alam kong may mga dahilan sya para magkasala kay baby Lei.
"Ssssh baby, sorry. Naiintindihan naman kita baby, pero alam kong alam mo na kailangan nyo ring mag-usap dahil maging ako nasasaktan sa dinadala mo",masuyong sabi ko habang yakap sya na ramdam kong sumisinghot sa dibdib ko.
"Kiara, tingin ko hindi ngayon ang tamang oras para mag-usap kami",mahinang sabi ni Sofie sa gilid ko na nakatunghay na ngayon pero malungkot na nakatingin sa babaeng yakap ko.
Tumango na lang ako sa kanya pero bago pa sya tuluyang makalayo, umalis na sa yakap ko si baby Lei at pinahinto ito.
Hinarap nya muna ako bago pansinin muli si Sofie.
"The earlier the better. Maybe you're right, I need to do this kahit masakit. Intayin nyo na lang kaming matapos mag-usap baby, sorry sa inasal ko kanina. Mag-uusap rin tayo mamaya okay",malambing nyang sabi saken at humalik pa saglit sa labi ko bago naunang maglakad kay Sofie na patungo sa parte ng pool.
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
