Chapter 36

6K 155 0
                                        

Eunice' POV

Tatlong buwan.

Tatlong buwan na mula nung huli naming pag-aaway ni Kiara. At tatlong buwan na ring, araw-araw akong nakamasid sa kanya.

Alam kong para akong stalker sa lagay na to, pero di kaya ng aking sistema, na basta na lang syang kalimutan.

Sa lagay kong to, alam kong para akong naghahabol, pero ito lang ang paraang naiisip ko, para araw-araw ring makompleto ang araw ko. Ang makita sya araw-araw.

At isang desisyon ang aking gagawin. Sana sumaya sya at ganundin ako sa resulta ng desisyon ko, kahit alam kong pareho kaming nangangapa sa mga susunod na mangyayari.

__________________________

Kiara's POV

"Here, invitation for couz' wedding tomorrow"

Di ko pinansin ang iniaabot nya bagkus patuloy lang na nagtype sa laptop.

Asa pang pumunta ko dun.

Parang tinanggap ko na rin sa sarili kong di na talaga kami ang para sa isa't-isa kung ganun eh.

"Mahal mo pa talaga sya noh. I wonder what her reaction would be pag nalaman nya kung gaano mo syang kamahal"

"Stop bringing it up. It doesn't matter anymore now. I chose it, so I'd better stand firm about it"

"Ahh kaya pala eto at nagmumukmok ka. Alak at yosi na naman ganun? Ganyang-ganyan ka rin dati. Di ka pa rin nagbabago"

"Wala ka sa lugar ko para direkta mong sabihin yan, di mo nararamdaman ang sakit"

"Alam ko. Pero sapat na bang dahilan na gumawa ka ng paraan para di tuluyang mawala sayo ang mahal mo, kung sasabihin ko sayong maging sya ay ganyang-ganyan rin sa loob ng tatlong buwan? Bar clubs, night parties, yosi. Yung mga bagay na sya nyang sinusulingan dahil nagtitiisan kayong dalawa"

Di ko naman maiwasang mapakuyom ang kamay sa isiping umuuwi sya ng sobrang gabi na at kung saan pa naroroon kahit wala nang araw.

"Pero magpapakasal pa rin sya"

Natawa naman ito kaya napatingin ako.

"Gaga! Hahaha! Niloloko lang kita. Tama invitation nga ito pero hindi para sa kasal. Matuto ka namang magbasa Kiara. Nabo-bobo na ganun?"

Sinamaan ko naman ito ng tingin at sapilitang binuksan ang dala nitong sobre.

Kahit di ko sinasadyang amuyin, nalaman ko agad na scented ang letter dahil sa dumaang amoy sa ilong ko.

Saka may halo ng pabango ni Eunice.

'See you baby tomorrow at 5 pm.

Be ready for a one day proposal of mine only for you. Mwah! I miss you!'

Napakunut naman ang noo ko sa nabasa.

A one-day proposal?

What the does this mean?

"Pumunta ka na lang. Dami pang arte eh. Hahaha! Matulog ka na ngayon dahil sinisigurado ko sayo, manlalambot ka bukas sa mga mangyayari"

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon