Eunice' POV
Kanina pa kaming magkasama sa iisang lugar pero wala pang nagtatangkang magsalita sa aming dalawa. Dahil past 6 na, tanging kuliglig lang ang maririnig at maging ang tunog ng pagaspas ng mga puno dahil sa hangin.
Ngayon ko lang mas naramdaman ang lamig ng klima dito sa Tagaytay lalo at gabi na. Dagdagan pa ng lamig ng atmosphere dahil sa tension sa pagitan namin ng pinsan kong mukhang naputulan na talaga ng dila, maliban na lang kaninang nagsalita sya bago kami pumunta dito.
"S-Sorry",basag nya sa katahimikan.
Nabibingi na rin siguro sa tahimik ng paligid kaya hindi na nakatiis.
Di ko alam pero sa mga oras na to parang namanhid bigla ang pakiramdam ko sa mga bagay na alam kong magpapasakit sa aking kalooban lalo pa at after 3 years eh magkakausap kami nang harapan.
Ewan ko ba, pero defense mechanism na rin siguro na wag akong mag-isip nang kung anu-ano sa mga sasabihin nya para hindi bumalik lahat ng sakit dulot ng nakaraan.
"We used to be bestfriends back then. You used to be my closest cousin among our relatives. You used to be my one and only companion",bukas ko ng usapan.
At kahit pala anong pilit kong pigilang makaramdam, di ko maiiwasang makaramdam pa rin ng hapdi sa pag-alala ng nakaraan.
Malungkot lang syang nag-iwas ng tingin saken dahil alam nyang nasasaktan ako. Dahil sinaktan nya ako. Sinaktan nila ako.
"You used to be the one who always help me overcome challenges but you also used to be the one to hurt me big time"
Tahimik lang syang nakikinig habang ipinagpapatuloy ko ang pagsasalita. Pinagbibigyan nya muna siguro akong maglabas ng hinanakit ko na matagal ko ring itinago. Di ko nga rin alam kung para saan pa ba ang usapang to gayong alam naming pareho na hindi na maibabalik ang nakaraan para muling itama.
"I owe you my confidence to stand in front of the crowd everytime I have to face them, because of business and such.",pagpapatuloy ko.
"Yung confidence na itinuro mo habang lagi kang nakaalalay saken mula nang mga bata pa tayo, pero ikaw rin pala ang magtuturo kung paanong wag na wag magtitiwala sa kahit sino man. Kahit pinsan mo pa",mapait kong litanya sabay tigil saglit.
Flasback:
"Mom!"
"Yes sweetheart!?",sigaw nya ring sagot dahil di kami magkakarinigan kung normal na boses lang.
May party kaseng ginaganap dito sa bahay namin at si Mom lang nakita kong pedeng pagtanungan kung san ko ba makikita si Sofie-nut. Pero Fie-nuts lang talaga tawag ko sa kanya kase sobrang close kami.
Kanina ko pa syang hindi mahagilap gayong kanina pa nagsisimula ang party.
Sya ang pinsan ko na slash bestfriend ko din. Magkadikit rin ata ang bituka namin kaya hindi kami mapaghiwalay.
"Napansin nyo po ba si Fienut? Sabi nya maaga po syang darating eh"
"Itanong mo na lang kay Tita Leonor mo sweetie, andun sa garden. Kasama nila kanina si Sofie eh. Baka may nakausap lang"
"Sige Mom"
Nagtungo na ko sa lugar na itinuro ni Mom para makausap si Tita Leonor, mama ni Fienut.
Ilang minuto rin akong nakarating dahil sa mga ilang bisita na humaharang sa aking daanan para makipagchit-chat. Dahil hindi naman sila ang pakay ko mabilis rin akong nagpapaalam.
"Tita, hello po!",sabi ko nang makita si Tita Leonor at nagbeso.
"Yes hija? Si Sofie ba? Paalam nya saken tataas lang daw sya eh. I think narinig kong sa kwarto mo"
![](https://img.wattpad.com/cover/89893770-288-k127338.jpg)
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...