Eunice' POV
"I'm in",matapang kong pagpayag sa sinabi nila.
Pero direktang sinasabi ko yun dun sa babaeng kanina pa pinagpapantasyahan ang girlfriend ko sa tingin.
'Bwiset! Tanggalan ko sya ng mata dyan eh'
"Baby?"
"Madali naman palang kausap si Ms. Gorgeous eh. So okay na?"
"No!",mabilis na tutol ni Rielle tas hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Hinarap ko na lang sya nun at binigyan ng mabilis na halik sa labi na syang ikinagulat nya pa.
Pansin ko namang sumimangot ang babaeng may gusto sa girlfriend ko.
Binigyan ko sya ng tinging nagsasabing 'She's mine, so back off'
Bigla namang nagbago ang expression ng girlfriend ko at masuyong bumulong saken ng I love you.
Nakangiti naman akong lumingon kay Sofie at nakipag-usap gamit ang tinginan lang.
Wag kayo, kami lang talaga nakakagawa nyan. Haha.
Tumango naman sya at muling sumulyap kay Chloe na nakatingin din sa kanya.
Love is in the air, I guess? Hahaha.
"Bakit di pa tayo magsimula, nakakainip na ha",singit ng isa pa sa members nila.
"Inggit ka lang eh",sabi naman ni Aya tas natatawang kumindat sameng apat.
Wala namang iba pang sinabi yung babae pero umirap muna.
Kiara's POV
Habang nagpapalitan ng bola ang team namin at team ng kalaban, di ko naman maiwasang mapanganga dahil sa gilas ng tandem ni baby Lei at Sofie.
Yung totoo, sila lang ba ang players?
Actually ang mga naglalaban ay tiglimang members lang per team kase wala naman nang kokompleto para maging tig-six.
Team A - Ako, baby Lei, Bianca, Sofie, and Chloe
Team B - Jess, Alyssa, Rhona, Quennie, and Jel
Alam ko namang lumalaro si Sofie pero hindi ganitong kagaling.
At lalo naman si baby na sinisiw lang ang pakikipaglaban ng spikes sa kalaban.
Pagtingin ko sa score lamang kami.
I so love na talaga my baby! Hahahaha!
"Kiara serve",instruct saken ni Sofie na syang tumatayong captain ball ng team namin.
Pumosisyon na ko sa service line at huminga ng malalim. Syempre sayang ang image kung papalpak lang ako.
Sumulyap muna ako sa girlfriend ko na nakatingin din saken habang nakangiti.
Kita ko namang napatawa sya nang bigla akong kumindat.
1
2
3!
Pak!
I spiked the ball then nagsimula na ulit ang laban.
Masyadong dikit ang nga score lalo at nag-iinit na rin ang kabila dahil di siguro nila akalain na marunong kaming maglaro.
Si Aya naman todo cheer dun sa may gilid na tumatalon-talon pa.
Tsk. La ng pag-asang magtino to. Haha.
"Chloe!",sigaw ni Sofie dito para maging alerto sa direksyon ng bola pero nakahanda naman pala kaya naibalik ito sa kabila na hindi nila inakala.
"Nice one",puri dito ni Sofie habang si Chloe naman eh nag-iwas ng tingin kase nginitian ni Sofie ng matamis.
Luma-lovelife ganun. Haha.
"Kiara atras!"
Tumalima naman ako sa sumigaw kaya nagawa kong habulin ang bolang inispike nang kalaban.
Player din to noh. Hahaha!
"Mine!",sigaw sa kabila kaya walang nagtangkang umagaw ng bola dun sa Jess ata yun.
"Chloe!"
"Hah!"
"Alyssa focus!"
"Bianca sa una!"
"Yaah!"
"Sofie change position!",sigaw ni baby Lei na nakuha naman agad ni Sofie at nangyari ang pambihirang blending nila sa paglalaro ng makailang ulit habang masayang nanonood ang mga tao sa paligid.
At yun ang huling tira na nagtapos ng laro at nagpanalo samen sa laban.
"Good job girls! Yiiieee! Hahahahaha! We won! We won!"
"Group huuuuuug!"
At mabilis nang lumapit si Aya na mas nauna pang magsaya, na hindi naman naglaro at napawisan.
Masaya naman kaming nagyakap ni baby na hindi alintana ang namamawis na katawan.
'Hmm, bango pa rin ng girlfriend ko, shet'
"Galing mo baby ko. Idol! Pakiss!"
"Haha. Sira!"
"Iih sige na baby ko. Isa lang"
"Wag na. Amoy pawis pa ko",anitong iniiwasan lalo ako.
"Baby please?"
At tumalab naman ang aking puppy eyes dahil binigyan nya ko ng smack sa labi.
Hihi! Kilig much!
Tumingin naman ako sa babaeng may crush sa baby ko at nginisihan.
'Ano ka ngayon? Haha!'
Nakita ko naman si Aya na pinupunasan ng pawis si Bianca na marami ring nagawa para makapuntos kami.
Nice team anyways.
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Ficção AdolescenteSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
