Chapter 26

5.6K 148 0
                                        


Eunice POV

"May kailangan kang puntahan"

Tiningnan ko lang naman si couz nun na pinuntahan pa ko dito sa classroom.

"Kung may care ka pang natitira, puntahan mo sya",muling saad nito kaya di ko naiwasang ma-curious.

Nagroll eyes naman ito dahil isip naman ata nya eh ang slow ko.

Pero di naman sa ganun eh, nagkataon lang na marami akong iniisip.

"Tsk. Nasa D.O. si Kiara. Nakipag-away kay Phillip"

What?

Di ko man alam ang magiging dahilan ng kanilang pinaghatian, naisip ko na ring puntahan sila, upang malaman ang totoo.

At yung sinabi nya ang nagpagalaw saken para magmadaling pumunta sa direksyon ng discipline office.

Dahil naka-lock nang tangkain kong buksan naghintay na lang ako sa labas.

Mga ilang minuto pa nagbukas ito at iniluwa ang dalawang taong inaasahan ko.

"Phil!",dalo ko kay Phillip dahil pansin kong may pasa ito sa pisngi nya samantalang umiwas naman si Kiara samen at nagmamadaling umalis.

"Wala to. Nakita nya kase ako. Kasama si 'you know naman na kung sino'"

Napakagat-labi naman akong yumakap kay Phillip at nag-sorry dahil pati sya nagigipit sa nangyayari sa buhay ko.

May panahon para malaman ang totoo.

At hindi pa ngayon yun.

_________________________

Kiara's POV

"Di mo na dapat sinaktan si Phillip"

Napataas naman ang kilay ko automatically dahil sa narinig ko mula sa babaeng dahilan kung bakit rin nabigwasan ko yung gago nyang boyfriend.

Naturingang boyfriend pero malandi. Psh.

"Kinakampihan mo pa sya kahit wala ka namang alam. Unbelievable. Ganun mo ba kamahal ang gagong yun?",malamig kong tugon habang sya nama'y alam kong nagpipigil mainis.

"Kilala ko sya. Di nya kayang manakit ng babae kaya dapat di mo na lang siya sinuntok"

"Ahh ganun. Kahit ginagago ka na nya? Tanga mo na pag ganun"

Napansin ko namang napakuyom sya ng kamao habang nakatitig saken

"Di ko alam kung bakit kailangan ko pang magpunta rito. Pagkakamali nga pala. Wag mo na ulit gagawin yun",anitong tumalikod na

"Sya pa talaga ang kakampihan mong patalikod kang niloloko samantalang meron namang taong handang magmahal sayo nang seryoso!"

Oo nagagalit ako!

May kahalikan lang naman ang gagong minion na yun pero heto at magpapakatanga sya kahit lolokohin lang sya ng paulit-ulit.

"Mas mabuting wag mo na lang kaming pakialaman, go on with your life"

Tang-inang go on with your life yan!

Buti pa sya mabilis nakalimot. Bwiset!

Pinigilan kong magwala pero ramdam na ramdam ko ang tension ng katawan ko.

"Umalis ka na. Ito na ang huli wag kang mag-alala",malamig kong sabi at hinanap ang bagay na naging katuwang ko sa paglalabas ng stress noong panahong down na down ako.

I lit up my cigarette and started to puff na parang wala nang bukas.

Maubusan man ng baga wala na kong pakialam, ang mahalaga, mailabas ko ang sama ng loob ko.

Oo nagbago na nga ako. Pero ganito ata talaga kapag nasasaktan. Humahanap ng bagay na makakatulong sayo para makapaglabas ng bigat sa loob mo.

Kung bakit ito? Di ko na rin alam basta isang araw, natuto na pala ko nito.

"Alam kong nasaktan kita, pero di mo kailangang gawin yan nang dahil saken"

"Wala kang pakialam"

Kala ko ba nakaalis na to.

Di ko mabasa ang emosyon nya na gustung-gusto kong malaman para masabi kong kahit konti, may concern pa syang natitira.

"Meron"

"Umalis ka na"

Ayokong umasa. Ayoko na.

Masasaktan lang ulit ako kaya hangga't maaari di na ko magpapadala sa konting pag-asang mayroon sa oras na to.

"Please. Don't be too hard on yourself"

"Aalis na ko"

At nagsimula na kong maglakad dahil baka sa puntong yun, ay magmakaawa na naman akong bumalik sya dahil sa pagpapakita nya ng concern.

Oo dama ko yun sa tono nya, pero baka mamisinterpret ko lang yun. Lalo at alam kong nakipag-usap lang sya dahil sa Phillip na yun.

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon