Chapter 37

6.8K 136 1
                                    

Kiara's POV

"Para sayo po Ms. Kiara, pinabibigay lang",anang isang lalaking napagbuksan ko sa labas ng bahay ko matapos kumatok.

Umalis na rin ito matapos iabot ang bulaklak.

Bihis na ako at ready nang pumasok ng sasakyan nang tingnan ko ang bulaklak na hawak ko. May note akong nakita.

'Follow the path to the nearest bench near you and you'll find how my heart aches for you'

Naguguluhan man ay naisipan ko na ring pumunta sa bench na tinutukoy ng sulat.

At dun nakita ko ang isang medium-size na puso. Yung stuff toy pero heart.

Ang corny ha.

Nilapitan ko ito at kinuha mula sa upuan.

At gaya ng nauna, may nakita akong sulat.

'Open my heart, and my love will lead you to somewhere you can find my real happiness'

Nang paikutin ko ang puso nakita kong may maliit itong zipper sa gitna.

Nang buksan ko ito at ipasok ang kamay sa loob, may nakapa akong isang maliit na papel at kinuha ito.

Sulat na naman ba?

'Sunshine Horizon. 356 Andrade Street, 50 km away from your house. Start driving now baby. Keep safe. I miss you.'

Di ko alam kung paano bang napapasunod ako sa agos ng mga nangyayari ngayon.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nagmamaneho patungo sa lugar na tinutukoy sa sulat.

Gamit ang gps ay binaybay ko ang daan patungo sa lugar na yun na hindi ko akalaing sobrang layo sa aking pinanggalingan.

Halos 2 hours na akong nagdadrive pero hindi pa rin ako nakakarating sa Sunshine Horizon na yun.

Letse! Napasubo ata ako ah. Kung di ko lang rin gustong makita sya, hindi ko to gagawin.

Psh.

Pagtingin ko sa oras alas diez na. Pansin ko kanina pa akong umaaga naaabala ah.

At sa wakas, natagpuan ko na.

Pero ganun na lang ang panlalaki ng aking mata nang nakita ang lugar.

It's a simple park but what most noticeable is the different areas na may mga nakadikit na pictures ko.

Different photos na maging kinunan dati ay meron.

Dahan-dahan akong lumapit sa lugar at naa-amaze na nilibot ng paningin ang buong lugar. Halos lahat ng puno, mga benches, at areas sa loob ng park ay may mga nakadikit na picture ko.

'Wow effort'

*Ring Ring Ring*

"Hello?"

"How is it baby? The set-up?"

"Great. I didn't know that you are a very good stalker"

Grabe namiss ko rin pala sya.

Sa mga oras na to, gustung-gusto ko na syang makita. Wala na kong pakialam kung naghiwalay na kami ng landas pero sa pagkakataong ito, alam na alam kong sa kanya pa rin talaga ko sasaya.

Kung para saan ang mga ito, di ko muna iisipin, basta gusto ko nang makita ang taong gumawa nito.

"Baby you still there? Punta ka naman sa address na itetext ko sayo. And there, you will find out more what is this all about"

Tas bastusing bata, inend nya yung call.

Maya-maya nakatanggap ako ng message sa kanya.

Atlantic Range. Saavedra Mall.

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon