Eunice' POV
"Baby good morning!"
The usual na moment, inirapan ko lang sya. Naiirita ako, ewan kung dahil pa rin sa kanya o saken na. Napapansin ko kase this past few days, parang gusto ko ang atensyong ibinibigay nya.
Arrrrrrgh!
*Blag!
"Shit!",reaction ni parrot sa tabi ko habang sinisipat kung anong nangyari
Napansin ko namang nakatingin na silang lahat saken dahil sa padabog kong pagpatong ng libro sa desk ko.
Sinamaan ko lang sila ng tingin kaya nagsibalik sila sa kanilang mga ginagawa.
"Yah, may problema ka ba? Ganun ko na ba nasisira yung araw mo? Pati picture ko parang gusto mo talaga patayin gamit tong book mo", nakasimangot nyang sabi habang pinagmamasdan yung pics nya nyang nakadikit sa ibabaw ng desk ko. Sya naglagay nyan noh. Asa pang ako. Psh.
"Shut up!"
Humalukipkip na lang ako at sumandal sa aking upuan. Saglit akong pumikit para mawala ang aking frustrations lalo na sa sarili kong kaguluhan. Naman kase! Bwiset.
"Baby?"
Pagmulat ko ang lapit ng mukha nya sa mukha ko.
Shit!
Dahil nagulat ako naitulak ko naman sya nun. Wala na kong pake kung nasaktan sya basta ang alam ko nag-walk out na lang ako kase alam kong namumula ang buo kong mukha.
Hinihingal akong nakarating ng cafeteria tas si parrot ewan kung ano ang nangyari sa kanya.
Nag-order na lang ako ng chocolate cake pang-alis stress. Bandang 2:30 na nga pala.
"Babe", malambing na sabi ng boses sa may likuran ko
At tulad ng inaasahan ko pag nakikita ko si Phillip, di naman bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Wala kang klase babe?",tanong nya tas tumabi saken
Tumango lang ako at sinubuan ko naman sya ng cake na kinakain ko. Ewan, try lang. Baka confused lang ako kay parrot. Baka dahil di ko lang gustong ma-fall kaya ganito ako kay Phillip. Baka naman kapag sinubukan ko magwork naman.
"Sweet mo naman babe",sabi nya tas mabilis akong ikiniss sa labi at pansin kong parang nabigla sya sa nagawa
Maging ako nagulat sa ginawa nya kase ito yung unang beses. Pero dahil di agad ako nakapag-react nakabawi naman sya agad tas kumain na lang sa pagkaing dala nya habang nakangiti.
"Sweet talaga nilang tingnan noh, gwapo ni Phil, kyaaah"
"Phil-Eun shipper here. Hihi"
Di ko naman maiwasang mapaismid pero di ko pinahalata sa kasama kong mukhang natutuwa pa sa naririnig.
"BESHY!",sigaw mula sa loob ng cafeteria kaya napalingon kaming dalawa
May nakita akong babaeng kumakaway sa direksyon ng pinto ng cafeteria. If I am not mistaken B.A. din ang course nya. Nang mapagsino ko ang papasok pa lang sa loob, di ko naiwasang mapatitig habang parang model na rumarampa sa pinakagitna.
Di naman lingid saken ang mga atensyong ibinibigay ng maraming estudyante sa kanya dahil talaga namang may taglay syang ganda.
Aiish. Kailan pa ko natutong i-complement sya?
"Ganda nung friend mo noh. What was her name again?", tanong ni Phillip na halos lumuwa na yung mata kakatitig
Shut up! Tss. Dukutin ko mata nya eh.
Nung di naman nya ko narinig na sumagot lumingon sya saken.
"You alright babe?",tanong nya tas nung sa tingin nya ay may napagtanto sya bigla syang ngumisi, "Don't get jealous babe okay? Sayo lang naman po ako eh", dugtong nya tas hinapit ako papalapit sa kanya.
Eeww
Feel naman nya. Dahil naalala kong may tinitignan nga pala ako, tumingin ulit ako sa direksyon ni parrot kanina pero wala na sya dun.
Nang maglinga-linga ako di ko naman naiwasang mapakunot-noo.
Malalanding frogs spotted!
Beastmode alert! Beastmode alert!
Kasama nya sa iisang table ang haliparot kong pinsan dagdagan mo pa ng pakikipagharutan nya sa babaeng tumawag sa kanya kanina.
Di ko naman napigilang mapakuyom ng kamao dahil sa pagkatanaw ko sa pinsan kong harot.
Sofie Andrea Alvarez.
Ramdam nya sigurong nakatitig ako kaya napatingin sya saken. And that's a cue for me para bigyan sya ng nakamamatay na tingin. At dahil alam kong haliparot sya nag-iwas sya ng tingin.
Dahil masakit na sa mata ang nakikita ko umalis na ako sa lugar na yun. Di ko na pinansin ang pagtawag ni Phillip at ang naguguluhang tingin ng mga tao sa cafeteria dahil sa pagwo-walk out ko.
Kiara's POV
"You alright? Sofie?",sa tanong ko na yun parang natauhan si Sofie mula sa pagkatulala sa pagkain nya
Nangyari lang yan nung mapansin kong habol nya ng tingin si baby Lei ko. Lei from Aleina. Wag nyang sabihing type nya si baby. Yah. No way!
"Uh? Oo. I'm fine"
Pero yung mukha ni Chloe parang di naniniwala habang masusing pinagmamasdan ang isa naming kaibigan. Maging si Aya na napakaingay eto at tahimik ring nakikiramdam.
Di ako sanay.
Pag walang nagsalita dito kung anong meron lalayasan ko kayo.
Gusto ko sana sabihin pero wag na lang. Hindi bagay. Hahaha
"Mauna ka nang umuwi Sofie, mukhang di maganda pakiramdam mo eh. Next time I ask you about it, make sure to tell us the truth", pantataboy ko sa kanya pero syempre may concern pa din naman
Di ako sanay na tahimik lang sya eh tas di nagsusungit. Baka biglang magwala na lang yan eh. Hahaha. Mahaggard pa ko.
Tumango na lang sya tas tahimik na umalis. Pero mukhang di mapakali si Chloe kaya pinasunod ko na rin kay Sofie. Kung may lubos na mag-aalala sa aming tatlo kay Sofie si Chloe yun. Ewan rin sa dalawang yan. Alam ko namang they care pero may kanya-kanyang issue sa buhay kaya di ko masabi kung ka-member ko sila na bi. Hahaha. Abangan na lang natin.
Naiwan kami ni Aya dito sa cafeteria at saka ko lang naalala na di na ko tampo kay baby Lei ko. Balak ko naman talagang puntahan sya dito eh kaso papasok pa lang ako ng cafeteria naririnig ko na ang bulungan ng mga estudyante tungkol sa nakikita daw nilang sweetness ni baby Lei at Phillip minion. Hmp.
Mas sweet ako dun eh. Pinigilan ko pa ngang lumingon sa pwesto nila kanina tas dumiretso na lang sa table nina Aya na syang tumawag saken. Nakipagkulitan na lang ako para di sila masyadong tingnan.
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
