Chapter 6

8K 231 6
                                    

Eunice' POV

Masakit ang ulo kong nagising at ramdam ko ang pagkapugto ng aking mata kase nahirapan akong magmulat kaagad.

Kumurap-kurap muna ako bago tuluyang mag-adjust ang mga mata sa tama ng sikat ng araw.

Di pa man nagbabalik nang tuluyan sa isip ko kung paano ako nakauwi dito kahapon, napabalikwas naman ako nang mapagtantong meron akong katabi sa kama.

Inalis ko ang kumot na nakatakip sa mukha ng whoever-this-person-is, at napapalatak nang makilala ko kung sino sya.

Parrot!? Nanlalaki ang matang hiyaw ng utak ko.

Anong meron?

Naguguluhan akong napaisip kung panong katabi ko sya kasabay ng parang nagta-trampaulin kong puso habang nakatitig sa kanyang payapang natutulog.

Di man lang nagising sa paggalaw ko. Hmp.

Pero dahil may natitira pa kong konting konsensya sa isip ko, pinagmasdan ko na lang sya nang mga ilang minuto at di ko namamalayang nakangiti na pala ko.

Masakit man sa bangs na tanggaping may feelings na ko sa kanya, wala na kong magagawa kase, nangyari na. Pinigilan ko man pero eto at sumasaya na pala ako makita man lang sya at nagagalit kapag may iba syang kinukulit.

Tas in a snap, nagbalik saken ang pagwalk-out ko ng cafeteria, ang pagkainis ko sa kanya kase kakulitan nya yung isa nyang barkada at ang pag-iyak ko dahil sa sobrang inis, lalo na nung magbalik bigla saken ang sakit ng parang muling maaagawan.

Lumipas man ang panahon pero di pa rin pala ang sakit ng pagtaksilan ka lalo pa kung kadugo mo ang gumawa.

Nang mga oras na yun, nakaramdam ako bigla ng takot na baka biglang mawala rin si parrot saken gayong ramdam ko nang, I am falling for her.

Di ko man sinadya, pero nararamdaman ko na lang na bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing tatawag sya ng baby saken, at maging ang gaan sa pakiramdam ko nung i-comfort nya ko kahapon.

"Staring is rude baby, you know", nagtataas-babang kilay na sabi ng katabi kong di ko namalayang gising na pala

Cute

Yan, ngayon gumaganyan ka na ah. Parang noon lang nagagalit ka pag inaasar ka nya, singit ng utak ko

Shut up. Psh

"Hinahanapan lang kita ng anggulong pede kong magustuhan pero wala talaga eh", sabay smirk ng nakakaloko sa kanya

Pinigilan ko na lang matawa sa naging reaksyon nya sa sinabi ko. Nanlalaki yung matang nakakunot ang noo dahil mukhang di sya makapaniwala na wala talaga akong makita.

Basta ang kulit ng expression nya. Hahahaha

"Anyways, you okay now baby?",tanong nya pagdaka na ramdam ko yung pag-aalala

Di ko naman maiwasang hindi kiligin kase ang lambing nya. Shete!

"Hmm", ako tas tumango lang habang pinipigilang mapangiti

Ewan para bang nahihiya akong ipakita sa kanyang apektado na ako sa kanya.

Alam nyo naman lakas nyang mang-asar di ba.

"Baby, pa-kiss kung ganun", tas parang bibing nakanguso pa sa harapan ko

Eeww.

"Ouch!"

Batuhin ko ba naman ng unan. Haha. Mukhang sira kase. Dahil hahabulin nya na ko, madaling lumabas na ko ng kwarto at bumaba .

Sa baba na lang ako magri-ritwal.

Nakasalubong ko si Ate Agnes nang papasok na ko sa banyo. Sa kanya ko nalaman na sya pala ang nakiusap kay parrot na makitulog dito sa bahay dahil concern sya saken.

First time daw kaseng magsama ako ng kakilala tas nasa ganung state pa ko unlike before na mag-isa lang akong umuuwi.

Si Ate talaga oh.

Pumasok na rin ako sa banyo at inalis ang mga isipin ko para di na ko nasasaktan.

"Tagal mo naman sa loob. Nalunod ganun?",maktol ni parrot habang lumalapit saken at inakbayan ako't pahilang dinala sa upuan sa harap ng mesang may mga nakahain na pala

Si Ate naman tanaw kong napapailing na lang sa kakulitan ng katabi ko at umalis ng kusina.

"Ano gutom na gutom?",nakairap kong saad pero deep inside nangingiti ako lalo kung umaga palang kasabay ko na syang kakain

Malawak naman syang ngumisi na tumatangu-tango pa.

Aist isip-bata talaga.

Pero crush mo. Hahahaha, singit na naman ng utak ko.

Psh.

"Baby kain ka lang ng kain, natikman ko na yan kanina, masarap pala magluto si Ate, pede bang dito na lang din ako tumira para busog na ako, makikita pa kita", litanya nya habang patuloy sa paglalagay ng pagkain ko sa plato.

"Ayokong maghirap. Saka ayoko sa mga makukulit lalo na kung ikaw"

"Awts. Sakit mo magsalita baby. Wag naman ganyan, paiibigin pa kita eh. Hahahaha"

Hindi pa ba? Napailing na lang ako.

"Daldal mo. Kain ka na nga lang. Agawan kita ng pagkain dyan eh"

"Yah, no! Wag! Tara let's eat na po baby ko"

________

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon