Chapter 3

9.8K 247 3
                                    

Kiara's POV

"Ara beeeeeeeshy!", tili ni Aya nung lingunin ko

Patakbo syang lumapit saken tas yumakap. Ganan lang talaga yang kakulit. Hehe. Kaya nagkakasundo kami eh.

Nandito ako sa labas ng bahay ni Sofie sungit the second. Haha. Magkamag-anak siguro sila ni dyosang amazona. Parehas BV lagi eh. Matanong nga minsan.

May bonding lang kaming apat. Namiss yung isa't-isa.

"Tagal mong nagbyahe. Late ka na naman as usual. Nasa loob na rin si Chloe tumutulong sa pag-aayos ng mga pagkain. Sakto nga yung dating mo eh, ikakain na. Haha"

Syempre natawa rin ako sa sinabi nya tas sabay na kaming pumasok sa loob. Naabutan kong nakahanda na ang pagkain tas si Sofie nakahalukipkip kasama si Chloe na nakatingin lang saken. Isang sungitera at isang poker face. Hahaha

"Dumating ka pa", nang-aasar na sabi ni Sofie tas si Chloe naiiling lang

Pero dahil likas na makapal naman talaga yung mukha namin ni Aya umupo na kami sa upuan.

"I love you two! Hihi. Wag na kayo magalit. May dala naman akong mga pagkain eh. I mean, ipinabibiling pagkain pala. Isusunod na lang ni Ka Roman."

Tumayo na lang ulit ako tas lumapit kay Chloe at naglambing. Natatawa lang naman sya saken tas akmang yayakap na ko kay Sofie pero pinandilatan naman nya ko ng mata kaya bumalik na lang ako sa upuan ko kanina. Hahaha. Parang bubuga ng apoy eh.

Matapos kumain nag-aya silang mag-movie marathon. At dahil di naman sila masyadong nanonood ako yung na-hot seat.

"Now what?"

"What do you mean now what?", ako habang nakatitig sa screen

Engrossed eh

"May nakabihag na ba sa puso mo?", nakakalokong tanong ni Sofie

Ganyan yan pag nasa mood. Lakas makapang-asar. Pero may times talaga na malakas topak nyan.

Dahil naalala ko yung tanong nya, di ko maiwasang ngumiti ng malawak. Hihi

"Yay! Meron na nga? Sino yun Ara ha?" - Aya

"Secret. Haha. Saka na baka maunsyami pa"

Binato naman ako ni Sofie ng unan habang si Chloe naman natatawa sameng dalawa.

Binelatan ko lang sya tas tumayo.

"San ka?"

"Ice cream. You want me to get you some?"

"Me, me, me!" - Aya

Hyper talaga yan wag kayo. Hahaha

Nakabalik na ko galing kusina nang makita ko silang tatlo na nakapaikot. Nang sumilip ako nakita kong may binabrowse sila sa facebook.

Nasa gitna nila yung laptop tas nang ma-view ko na fully, napailing na lang ako sa kanila.

"Sikat na sikat pa rin yung ex-boyfriend mo sa dati mong school",sabi ni Aya tas saglit na tumingin saken tas kinuha yung ice cream na kapapatong ko lang sa mesa

"Love is blind talaga. Tsk", pabiro ko na lang inirapan si Sofie dun sa sinabi nya kase busy ako sa ice cream ko

As per her kase gwapo daw yung ex ko buti pumatol saken. Hahaha. Di lang nila alam na mas maganda lang talaga ko sa kanila. Alam ko namang di sila papayag kaya itinatago ko na lang ang trivia na yun. Haha

"Pasearch na nga lang ako. Akina!", sabi ko tas inagaw na sa kanila yung laptop

Pag di ko sila pinigilan baka dumating na naman sa point na ipaalala nila saken yung katangahan ko dati sa lalaking yun eh. Hahaha. Alam ko naman di na masakit pero napansin ko lagi atang ako ang napag-uusapan.

Type

Eunice Saavedra

Stalk muna ang peg. Nakita ko online. Mai-add muna si baby. Ayaw ako i-accept. Hmp. Message ko nga muna.

Baby! Accept me na please? (emoticon with paawa eyes)

Seen lang? What?

Aiist. Makulit nga.

Eunice' POV

Kielle Sandoval messaged you

Napataas naman kilay ko nung mabasa ko yung notif. Pagtingin ko sa profile, si parrot pala.

Hanggang dito ba naman sa facebook kukulitin ako? Psh.

Baby! Accept me na please? (with pabebe emoticon)

Eew ang jeje.

Dahil alam ko namang makulit sya. Sineen ko lang.

Kielle Sandoval messaged you

Kielle Sandoval messaged you

Kielle Sandoval messaged you

Aiist! At dahil makulit sya inaccept ko na. Bwiset. Naaabala yung pananahimik ko dito.

Di ko na lang pinansin yung mga message nya kase nandito na naman ako naisipan ko na lang i-view yung mga nasa timeline nya.

Di ako nang-i-stalk ha, kala nyo naman. Kaaway ko sya kaya kailangang may alam ako.

Iih, aminin mo na kaseng interesado ka, singit ng utak ko

Shut up!

Di ko naman maiwasang magtaas lalo ng kilay sa mga nababasa ko sa status nya. Kahit walang kakwenta-kwenta ang daming likers.

Malandi talaga. Puro babae eh. Oo na maganda sya sa mga uploads nya, pero dahil nakakainis sya, di ko pa rin sya kababaitan.

Dahil masakit na sa mata yung mga nakikita kong pakikipaglandian nya sa comments section tinigilan ko na. Di ko alam kung sadya bang hindi straight tong babaeng to, pero kung totoo man, wag na lang ako ang pagtripan nya. Psh.

___________________

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon