Eunice' POV
I'm sure you are wondering on how everything happened.
Of how I got to remember my special some one.
Naging pabaya ako sa loob ng dalawang buwan sa sarili at panay bar at party lang ako gabi-gabi matapos makagaling sa pagbabantay kay Kiara.
Then this one time came that I collapsed and was brought to the hospital.
I am not aware that I was in coma for three days, but sa tatlong araw kong pagtulog, ay parang agos ng tubig na biglang dumaloy ang lahat ng alaalang mayroon ako at nangyari sa akin 3 years ago na daig ko pang para lang nananaginip.
Mula sa pagsusumbatan namin ni couz, pagbabati namin dahil kay Kiara, yung aso't-pusa naming away na dalawa, yung outing sa Tagaytay, yung pagbalik ng sakit ko, yung pananakit at pantataboy ko sa babaeng mahal ko at maging sa huling aksidenteng nasangkutan ko, ay natapos kong makita lahat-lahat sa loob ng tatlong araw na ako'y na-coma.
At sa paggising ko, isang makabuluhang ideya ang aking naisaisip bago muling magpakita kay Kiara.
Mga planong muling makakapagpabago ng mga lungkot at sakit na naranasan naming dalawa mula noon hanggang ngayon.
At isasakatuparan ko ito, sa tulong ng mga taong naging saksi sa naging relasyon namin noon hanggang ngayon.
Oplan-make-Kiara Rielle-mine again.
Si Felix kung maitatanong nyo? I broke up with him at ipinaliwanag ang lahat sa abot ng aking makakaya. And luckily, he respectfully accepted my decision at isa pa sa mga tumulong sa pagse-set up ko ng lahat.
At bilang treat daw nya sa aming dalawa, sya ang nag-asikaso ng lahat-lahat sa pupuntahan namin ngayon ni baby Rielle.
"Philipine Astronomical Space Association?"
"Yes baby, let's go"
Kung iniisip nyong mag-i-star gazing lang kami.
Pwes, make your expectation a little bit higher, then.
"Be ready, baby. In no time, we will be able to see space by our naked eye",nagagalak kong sabi dito habang binibihisan na kami ng pang-astronaut.
I know that this may be impossible, but bilang isang maimpluwensyang tao na kayang magbayad ng malaking halaga para sa konting oras naming pagsilip sa kalawakan, ay isa lang tong maliit na bagay, lalo kung para sa ikakasaya ng babaeng mahal ko.
Matapos ang lahat ng ritwal ay pinapasok na kami sa space rocket kasama ang iba pang mag-o-operate nito at ilang mga ekspertong astronomer.
Alam kong kami na lang ang hinihintay para lumipad ang space rocket, at mga ilang minuto pa, nag-announce na ng tungkol sa safety and precautions at mga instructions ng dapat at hindi dapat gawin pag nasa space na.
Kinakabahan man dahil ito ang unang beses naming sasakay dito, ay mas nananaig ang aming excitement sa makikita sa taas.
Magkahawak ang kamay kaming pumikit sa bilis ng lipad ng space rocket na matapos ang ilang oras, ay nakarating kami sa itaas.
_________________________
Kiara's POV
At gaya ng napapag-aralan sa school, parang mga walang mass kaming lumulutang dito sa loob ng space rocket, at inaamin kong sobra nga palang hirap magkontrol ng galaw dahil nakalutang ka dito sa kalawakan.
Wala akong mahanap na salita para idescribe nang saktung-sakto ang mga nakikita ko ngayon sa monitor ng kinalululanan namin ngayon, na syang view sa labas ng universe.
It is beyond beautiful at fantastic, indeed!
If I can live here forever, gagawin ko na.
"Baby, I love you. Natupad na natin ang isa sa mga pinapangarap mo noon. Ang makita sa personal ang laman ng kalawakan."
"Maraming-maraming salamat baby Lei. Hindi mo lang alam kung gaano mo akong pinasaya sa buong araw na to. I love you so much baby Lei ko"
At isang matamis na halik ang namagitan sa aming dalawa bago muling tumanaw sa labas ng kalawakan.
Yung mga astronomer naman ay pansin kong mukhang natutuwa sa aming dalawa.
"Miss Saavedra, I think now is the time for you to show it to your girlfriend",anang isang expert na lumapit sa aming dalawang magkayakap kahit na nakalutang, at nagmamasid sa labas.
Ayy ang daya nito! Parang sanay na sanay magpagalaw-galaw dito. Ang bilis nya rin nakaalis eh.
Magkaagapay namin kaming sumunod sa lalaki sa harap ng isa pang may mas malaking monitor.
"Baby, to complete my one-day proposal, I hope you give me positive answer on this",ani Eunice sabay turo sa monitor.
Sinundan ko naman ng tingin ang tinuturo nito at ganun na lang ang antig ng damdamin ko nang mabistahan ang pinakapino-focus ng camera sa labas.
'WILL YOU MARRY ME, MY BABY, KIARA RIELLE SALVA?'
Yan ang mga linyang nakalettering sa ibabaw ng buwan, sa mabuhanging parte nito.
Dire-diretso naman ang luhang tumango ako at mabilis na humalik kay Eunice.
"I'm very much willing to marry you, my baby, Eunice Aleina Saavedra. I love you"
"I aslo love you baby. To the moon and back"
Yeah, to the moon and back, literally.
Narinig naman namin ang palakpakan at cheer ng mga tao sa space rocket habang ninanamnam namin ang moment naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Novela JuvenilSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...