Chapter 24

5.1K 128 2
                                    

Eunice' POV

One month.

Oo one month na nang huling magkausap kami ni Kiara at one month na rin nang pinili kong bitawan ang babaeng nagpahalaga saken ng sobra at nagparamdam na sobrang special ko sa buhay nya.

One month na pinili kong saktan sya at piniling gumamit ng ibang tao para ipakitang di ako ang para sa kanya.

One month na rin akong nagdurusa at nagdadalamhati sa sakit ng pag-iwan ko sa kanya kahit ako naman ang may kasalanan ng lahat.

At magmula ng one month na yun, nag-ibang tao na ang dating sweet, makulit, at hyper kong ex-girlfriend.

Kung dati-rati magmamadali pa ko sa pagkilos wag lang abutan ng humahabol na si Kiara at gumawa ng paraan para makapagtago sa kahit saan na hindi nya makikita, kahit hindi ko na yun gawin ngayon, wala nang hahabol na Kiara.

Parang di nya ko nakikitang nilalampas-lampasan lang at ni tingnan man lang ay di nya ginagawa.

Alam kong kasalanan ko rin naman pero ganito pala kasakit ang paulit-ulit kang balewalain ng taong nagdudulot sayo ng saya.

Yung kahit alam mo sa sarili mong nagkasala ka, umaasa ka pa rin na kahit ganun ang nangyari, magagawa ka pa rin nyang tingnan at suyuin ng may pagmamahal habang nakatitig sayong mga mata.

Yung kahit alam mong ikaw ang bumitaw at nanakit, nag-a-assume ka pa rin na sana, mahal ka pa rin nya.

Yung kahit alam mong tapos na kayo, heto at, nagbabaka-sakali kang isang araw, matauhan sya at muling magmakaawa sayo.

Na kung kelang sumuko na sya at napagod, saka ka naman nasasaktan at nag-iisip na hindi mo pala kaya ang mawala sya nang tuluyan sa buhay mo.

Pero alam ko namang hindi yun sapat na dahilan para hindi manindigan sa naging desisyon ko.

Nagkataon lang talaga na kahit anong pagpapamanhid ko, nasasaktan pa rin ako, tulad ngayon.

"Iih wag dyan hon, nakikiliti ako"

"Hmm? May sinasabi ka ba honey?"

Mariin ko na lang na ipinikit ang mata ko para hindi masaksihan ang paulit-ulit na lambingan ni Kiara at Nathalie, of all people, na balita kong wala namang label pero wagas kung paanong magpakita ng sweetness sa isa't-isa.

'Ang hapdi pala'

Pakiramdam ko gusto nang lumabas lahat ng tubig ko sa katawan palabas sa aking mata, pero dahil ayokong may makahalata pinigilan ko ito at piping nanalangin na sana dumating na ang aming sunod na instructor.

Na sya namang dininig dahil pumasok ito na nagpahinto sa dalawa pero bakas pa rin ang mga pilyong ngiti sa labi nang masulyapan ko.

Pasimple na lang akong nagpunas ng mata habang lahat sila ay sa teacher namin nakatutok ang atensyon.

Nagpatuloy ang buong araw na nasasaktan pa rin ako at araw-araw na mabigat ang kalooban dahil sa nakikitang kasiyahan nya sa piling ng iba.

Kung pwede lang sumuko na.

Nakakatakot lang na baka pag sumuko na ko nang tuluyan, di na ko muling maging masaya pa.

Hanggang ngayon lumalaban pa rin ako.

Lumalaban para sa pagmamahal na alam kong eventually wala nang magiging katugon.

Commitment Above and Beyond Completed (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon