Kiara's POV
"Ito pa baby, add mo dyan",sabi ko at pinulot ang shell na aking tinutukoy.
Nangongolekta kase sya ng mga magagandang bato na kanyang nakikita. Buti na lang at medyo malapit sa lake shore ang napili kong pwesto rito sa Tagaytay. Pede pa kaming mag-swimming pag nagkataon.
Lumapit naman sya saken at kinuha ang tinutukoy ko. Andun kase sya sa mas malayong parte.
*Chup!
Di ko naman napigilang hawakan yung pisngi kong kiniss nya habang masayang nakangiti saken.
"Para sa shell",paliwanag nya tas masiglang tumalikod na ulit saken dahil busy daw sya.
Napangiti na lang ako lalo dahil sa inasal nya.
Kung meron mang nagbago, yun eh yung samahan naming dalawa na mas lalong naging malapit at saka yung pagiging sweet nya na rin.
I so love that girl!, ani ko sa isip habang nakatanaw sa kanyang busy sa paghahanap ng mga bato at shells na magaganda.
"Baby! Pa-huuuuug!",maya-maya'y sigaw ko tas patakbong lumapit sa kanya.
Dahil inaasar nya rin ako, di naman sya nagpa-abot bagkus nagtatakbo rin palayo saken.
Mas binilisan ko pa ang paghabol at nang mahuli ko sya pabiro ko syang kiniliti. Napuno na lang ng tawanan ang lugar kung nasaan kaming dalawa dahil sa aming kulitan.
Andung akma ko syang hihilahin sa tubig na nakakatakot din namang makabasa dahil malamig ang tubig ng lawa lalo at medyo dapit hapon na.
Winisikan ko sya ng tubig at gayundin naman gumaganti sya.
In the end, naligo na rin kami kahit naka-shorts and t-shirt lang.
Kiara's POV
"Yes. Aasahan ko kayo ah. Wag ang hindi sya makakasama Chloe. I think it's about time para malaman natin ang totoo"
"Okay. Sunduin ko na lang kayo mamaya, text ka na lang. Okay. Oo sige. Yes. Good"
Huling sabi ko bago inend ang tawag.
Sabado na ngayon at katatapos ko lang kausapin si Chloe tungkol sa pagsunod dito sa Tagaytay. Alam kong malaking gulo pero di to matatapos hangga't di sila nagkakaharap-harap.
'Sensya na baby kung mabi-beast mode ka mamaya pero isang way ito para mabawasan ang iyong dinadala',piping hingi ko ng tawad habang nakatingin sa kanyang busy sa pagluluto.
Andito ako ngayon sa sala at nanonood ng tv. Willing daw syang patikimin ako ng luto nya kaya ayaw nya ko papuntahin sa kusina kaya eto ako at tumawag na lang kay Chloe para sa plano ko.
Isasabay na rin nila si Aya para naman hindi ganun ka-dull yung buhay nung dalawa.
You know naman those two, Chloe and Sofie.
One poker face and one serious face. Gandang tandem di ba. Hahaha.
"Lunch is ready!",masiglang anunsyo ni baby Lei tas nakatingin na saken, indikasyon na pumunta na ko ng kusina.
Malawak naman ang ngiting lumapit ako at yumakap sa kanya pero sya umiiwas lang saken.
Amoy ulam daw kase sya pero di ko pinansin. Yumakap pa din ako.
Yikes. Lambot. Hmm I mean ang bango nya, ayy nung ulam pala. Hihi.
Pero sya yung sinisinghot ko.
"Yah, alis ka na dyan. Ano ba--aaaah, naki-kiliti ako",hinihingal na pigil nya sa paghalik ko sa leeg nya.
Affected. Hahaha.
At dahil nakakaramdam na rin ako ng init humiwalay na ko. Dagdag mo pa yung masama nyag tingin saken. Haha.
"Last na baby!"
*Chup!, kiss ko sa kanya tas mabilis nang naupo sa upuang katapat nya.
Pero dahil sanay kaming magkatabi pag kumakain lumipat sya sa kaliwa ko at nagsimulang sandukan ako ng kanin at ulam.
Shete ang sweet!, kagat-labing isip ko habang nakapanood sa pag-aasikaso nya.
"Yan! Taste it",aniya tas inaabangang tikman ko yung luto nya.
Adobong chicken.
Sumubo ako at tinagalan ko pa para masabik sya sa reaksyon ko. Di naman sya nainip kase nakangiti pa rin syang naghihintay sa comment ko, not until I said something otherwise sa ine-expect nya.
"Di ko matantya baby, hmm parang maalat pero alam kong hindi sa toyo eh, saka medyo maasim yu---"
"Yah! I hate you!",maktol nya at pasimangot na inaagaw saken yung plato ko.
"Hahahahaha! De joke lang po baby ko! Hahaha. Promise masarap! Mas lalo akong nainlove sayo. Yiiieee, tatawa na yan. Yiiieee",sabi kong sinusundot sya sa tagiliran.
Di kalaunan tumawa na rin sya pero bago yun pinaghampas muna nya ko sa braso dahil sa kalokohan ko. Hahaha.
Tatawa na ko at baka di na maulitan mamayang hapon. Hehe.
_
BINABASA MO ANG
Commitment Above and Beyond Completed (gxg)
Ficção AdolescenteSTORY DESCRIPTION: I've been engrossed to always pester this girl na kahit nakukulitan sya saken sige pa rin ako. Mapansin nya lang ako I always do everything. Okay naman kami ah, but why does she have to do that? Ang saktan ako at iparamdam saken n...
