A / N : This story is from my heart. Sakin na lang siguro kung bakit o papano. But I dedicate this to you, my readers ;)
So please, enjoy!
"Never let go of that something that is your everything..." ~rf
++++++++++++++++++++++++++
CHAPTER ONE
It all started when I was just 4 years old. Panuod-nuod lang ako ng Dora noon pag may free time ako or free day. At everyday is free day! Kaya yehey! hahaha
I thought nothing of the world but a happy place where you could play games anytime and anywhere you wanted, limitlessly. It was so simple then. So shallow.
I have a nice family; super supportive parents and lovely brothers and a sister, though I don't see my siblings that much. I never gave that much concern about that point though. Syempre, bata pa ako at ala pa akong kakayahang mag-isip nun ng matino-tino. Ala nga naman eh kabata-bata ko, eh nagkakapag-solve na ako agad agad ng mga quardratic at trigonomic equations. Wow naman! Antalino ko naman nun! kaso hirap din paniwalaan eh...
Che! Manahimik ka dyan! Hindi kita tinatanong!
Anyway, nung medyo lumaki na ako... medyo lang naman, inexplain sa akin ni mother that my siblings were just busy with their jobs and their own families. yes, families. You heard me right. Yung dalawang pinkamatanda samin kasi may sarili ng pamilya. Ako nga kasi ang pinakabata sa amin. Ang bunsong babae. Bow. Pero wag ka hah! Ako ang pinakacute ;)
Weh? Di nga?
Oo nga! Ba't ka ba kumokontra eh ikaw din yan! Tsaka sabi ko manahimik ka dyan di ba??
Oo na po. Ito na. Mananahimik na po ako at baka magalit lalo ang lola nyong sinasabi na 'cute' daw siya. Ay, my mistake, 'pinakacute' sa kanilang magkakapatid...
Hoy! Anong pinagsasabi mo dyan?? ha?
Ah, wala naman... Bingi... sa sarilig isip na lang nya yan ahh.
Ano??!
Ah, sabi ko ang ganda ganda mo talaga Alex!
Ah iyon naman pala eh. Manong sinabi mo kaagad. Pinapagalit pa ako ehh...
Sorry.
San? Kasi kanina ka pa istorbo ng istorbo dyan sa mga sinasabi ko? Na panay ka na lang na tumututol sa mga--
Hindi! Hindi dun! hay naku, top 1 yan sa klase nya hah. Top 1! Ang talino mo naman te! kaso minsan, ang utak, paganahin din hah!
Eh pano ko ba malalaman eh hindi mo sinasabi!
OKay. Okay. Sorry na... Sorry na kasi... Sinungaling ako nung sinabi kong ang ganda mo :)
Asar. Back to story...
I grew up as cheerful child. Really friendly. Always happy. Napakarami ko ngang friends noon eh. Hindi daw kasi ako mahirap kasamahin at masaya ako kasama. Minsan nga nagugulat pa yung iba pag nalalaman nila na mayaman kami kasi sobrang mabait ako. Ang akala pa naman nila na lahat ng mayayaman, mga masasama ang ugali, mayayabang at greedy. Ang sabi ko naman, hindi kami mayaman. May kaya lang tsaka iba ako sa mga ganung tao. Kasi kahit ako naman, ayaw ko rin sa mga ganung klase ng tao.
Sa sobrang laki ng circle of friends ko, syempre, dapat isa lang ang bestfriend... si bestfriend Jo. we always play together and stay together. Sabay kami maligo (ohh, ang isip ahh. Inosente pa kami nyan!). Sabay kumain (loko-loko to. Mahilig pala sya sa adobo. Minsan, inaagawan pa ako kahit nasa plate ko na!). Parehas kami ng school na pinapasukan (sa takot naming mapaghiwalay). Tukso nga ni Mama, mas magkamukha na nga daw kami ni Jo kesa kaming dalawang mag-ina. Siya kasi yung tipo ng taong napakadali mong lapitan kapag kilala mo na sya ng husto at sabihan ng secrets. Di ko na nga maalala kung paano kami nagkakilala nyan eh. Sa nursery ata o dahil close sila Mama ko kila Tita, na mama naman ni Jo.
BINABASA MO ANG
The Eighteenth Heart
Ficção AdolescentePeople leave... Things change... Happiness is spent... Hate interchanges with love... This is just an ordinary story of an ordinary person. A person who might just be beside you but you don't see them at all. Kasalanan mo na yun. Di mo nakita agad e...