Chapter Seventeen

3 0 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

What the heck?

“Alex?” gulat ding sabi ni Rico sa akin.

“Rico?”

“Alex?”

Rico!?” saway ng malanding mariposa.

“Pinsan mo siya?”

“Nagbabasketball ka?”

“Ha? Ah, oo. Nagpaturo lang a—teka nga, pinsan mo siya?”

“Ha? Ah, oo. Pero wait lang—kaaway ka niya?”

“Kakampi mo yan?”

“Sinuntok mo siya?”

“Tinulak niya yung bata.”

“Nanulak ka ng bata?” nilingon niya yung pinsan niya saglit bago ako sumagot kaya nagbuka-sara na lang siya ng bibig niya.

“Nanulak siya ng bata.”

“bakit ka nanulak ng bata?”

“Inaaway niya kasi ako.”

“Bakit ba ulit inaaway mo siya?” lumingon ulit siya sa pinsan niya.

“Kasi binungo niya ko!!” -mariposa

“Binungo mo siya?”

“Binungo ko siya?? Ah, oo—Di ko sinasadya!”

“Di mo sinasadya??” Angal ng mariposa

“Di ko sinasadya!—Okay, medyo. Pero bakit ka nga ba nananakit ng bata?!” pilit ko habang humakbang ako papalapit na napansin naman nila pareho.

“Susuntukin mo ko?” tanong ng pinsan ni Rico.

“Ha? Bakit?” Ano ba tong ginagawa namin na to? Baka magulo!

“Pagtatanggol mo ko sa kanya di ba?” tanong ni mariposa

Sandali kaming tumingin sa kanya bago ako tumingin kay Rico na naghihintay ng sagot at nakuha ko naman ang sagot niya. Di ko nga lang alam kung pano ko sasagutin.

“Pinsan ko siya.”

“Pinsan mo siya.” ulit ko na medyo naguguluhan pa ng konti. Siguro sa gulat lang to kaya nagkakaganito ako.

Okay. I can live with that. Sa gulat ko, di ko na naalala na di ko dapat siya kausapin. Kaso nagulat ako eh. Nakalimutan ko. Aalis na lang ako.

Tumalikod na ko kaso may biglang humablot sa kamay ko kaya napaharap ako ulit.

“Oh, bakit mo ko tatalikuran?” –Mariposa

“Alex…” –Rico

“Ano ba Rico?!” angal ng babaeng to sa harapan ko.

“Ano ba Josephine!?” nagulat siya sa pagsigaw ng sarili niyang pinsan.

So Josephine pala yung name niya ah.

“Phine! Josephine! Darling! What’s happening??!” hala. Nagsipagdatingan na yung mga dakilang alipores!

Magtago ka na!

Di, kaya ko yan! Dalawa lang naman sila. Dagdag mo na si Josephine. Kahit si Rico pa! Sige oh!

Yabang! Hahaha.

“What is happening here??” grabe naman pala yung mga alipores niya. Makagamit ng accent akala mo may accent siya. La naman.

“She is taunting me! She’s threatening me!”

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon