Chapter Twenty-Seven

2 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

The plan was simple. Nasabi ko na rin siya kay Elaine. Iniintay ko na lang ang tamang oras para gawin yun. Maghihintay ako, kahit buong maghapon pa. Pero hindi na kailangan. Half day lang kami ngayon at wala ring pasok bukas dahil sa meeting na gaganapin para sa improvement ng school. Ang paliwanag sa amin ng adviser namin, ay nagset-up daw ng deadline and principal kung kailan dapat matatapos ang pagpapaayos ng school at ang sandamamak daw na paperwork blah blah and blah.

Gusto ko na yang bagong principal na yan! Makilala nga minsan! Hahaha. Aba, sino ba hindi mag-eenjoy sa walang pasok di ba?

Anyway, habang nag-hihintay na matapos na ang last class namin for today, nag-ayos na ako ng gamit ko at inihanda ko na ang isang note para kay Michael. Isa lang siyang maliit na piraso ng papel na may nakasulat na “KAILANGAN NATING MAG-USAP. PARK. 30 min. AFTER CLASS. HIHINTAYIN KITA SA LIKOD NG MGA TINDAHAN KATAPAT NG COVERED COURT.”

Pinaka-isolated na kasi ang likod ng hanay ng mga tindahan sa park. Ala na rin akong ibang maisip at since tanghaling tapat, I was hoping na wala gaanong tao. Nang magring ang bell, dumiretso na ko agad sa upuan niya at nilagay yan sa desk niya bago lumabas ng room ng dire-diretso. Nakapagsabi na ko kay Aira na may pupuntahan ako.

Patakbo-lakad akong pumunta sa bahay. Nagbihis ako at bumaba na sa kusina. Inihanda ko na nga lahat ng gamit ko at susuotin kagabi pa lang since alam kong magmamadali ako. Kumain na ko ng tanghalian at nagpaalam kila Kuya na kailangan ko umalis at may kailangan pa akong i-meet.

Inilabas ko na yung bike ko nang biglang magring ang phone ko.

“Hello?”

“Alex! Kasama ko na siya ngayon.”

 

“Talaga? O’ sige. Nasa park na ba kayo? Huwag muna kayo pupunta. Alam niyo naman kung saan magkikita-kita di ba? Teka, alam ba niya?”

“Hindi, hindi niya alam. Oo, alam ko kung saan.” Ibaba ko na sana kaso may sinabi siya na kung saan hininaan niya ang boses niya. “Alex, alam kong ala ako sa tamang panahon para sabihin to sayo pero, ano kasi… may sinabi sa akin si Luke.”

 

“Ano? A-Anong sinabi ni--?”

“Sasabihin ko sayo mamaya kapag nakita kita sa park. Mas maganda siguro kung harapan kong sasabihin sayo kaysa sa phone. Tsaka kasama ko pa siya eh.”

 

“Sige sige. Tumambay muna kayo kahit saan pwera sa park. Kapag tinext kita, pumunta ka na. Okay?”

“Oo, sige. Mag-iingat ka hah?”

 

“Huwag ka mag-alala. Yakang yaka ko si Michael.”

I ended the call.

++++++

Hindi ko madescribe kung gaano ako kakabado sa maaring mangyari sa araw na to. Kanina ko pa inuulit-ulit yung mga dapat ko sabihin kay Michael mamaya ng harapan. Iniisip ko na rin lahat  ng mga posibleng mangyari at maging reaction niya sa mga gagawin at sasabihin ko sa kanya. Pano kung di siya pumunta? Pano kung imbes na umayos yung sitwasyon, lalo pang lumala? Dapat ata itry ko muna yung gentle approach bago yung aggressive approach para—

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon