Chapter Fourteen

9 0 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

“hahahaha! Ano ba Ray! Hahaha. Sira ka ba? May gf ka na kaya.”

“Gf? Ako? Ala ah. Huling pagkakaalala ko, break na kami.”

“Talaga?”

“Oo..”

“So… kung sakaling may umamin ba sayo na gusto ka niya, papayag ka na maging kayo?”

“Depende.”

Depende?”

“kung mabait yung girl at maganda. At syempre, kung kinakailangan.”

“Kinakailangan?”

“Oo. Naalala mo yung babaeng parang aso kung humabol sakin? Yung kabrebreak ko lang na gf ko na sinasabi ko sayo?” tumango yung babae. “Yun ang isang example ng kinakailangan.”

“Huh?”

“Nagpustahan kasi kami na dapat makapagpasagot kami ng mga studyante sa Section One.”

kami??

“Oo. Kami ng bestfriend ko. Si Rico. Napagtripan kasi kami ng mga kaklase naming mga lalaki.” He shrugged. “Anyway, talo naman sila, panalo kami. Napasagot kasi namin yung dalawang taga-section one. Si Rico nga kahapon lang sinagot eh. At ang maganda pa dun is kami yung una nilang sinagot sa dami ng mga manliligaw nila. Ganun. Ganun kalupit ang kagwapuhan nito.” Tinuro niya ang mukha niya.

Tumawa naman ng medyo flirtious yung girl na nakaupo sa lap ni Ray.

“Baka mamaya babez, ako na ang lokohin mo ah (pouts)”

“Never babez.” Sabay yakap sa girl.

Maya-maya naman, ay dumating na si Rico.

“Uy pre!” tinignan lang ni Rico si Ray tapos yung babae nasa lap niya. “Oh bakit ganyan ang itsura mo? Oo nga pala, excuse me lang babez,” ibinaba niya ang babae. “ito yung panalo natin sa pustahan.” Sabay abot ng bills galing sa bulsa niya. Estimate ko siya ng mga 4 na 500-peso bills.

“Ano yan?”

“Panalo nga natin sa pusta. Bakit? Ayaw mo? Akin na lang.” he shrugged

“Tarantado ka ba? Bakit nakipagpustahan ka??”

“Bakit, ikaw din naman ah?” tinulak ni Ray si Rico

“Ray naman!” tinulak niya yung mga kamay ni Ray palayo sa kanya. Galit na siya nito. “Oo. Pero di naman ibig sabihin nun ay paglalaruan mo na sila!”

“At ano naman ang pinagkaiba mo sakin hah??”

Pabulong na pasigaw na silang nag-aaway nito.

“Magtatapat ako kay Alex.”

“Kahit na saktan mo siya?”

“Atleast hindi ko siya niloko ng kasing tagal ng panloloko mo kay Aira habang nambababae ka!”

“Tarantado ka!”

Di na sila keep calm. Di na rin nila tinatago ang pagsigaw nila sa pagmumukha nila.

It’s now or never.

Naglakad ako papalapit sa kinatatayuan nila. Nasa isa kami ng maraming park dito sa school. Kanina pa uwian ng mga third year. Wala na nga atang tao eh. Kahit mga fourth year.

Natigilan sila ng makita ako. Binitawan ni Ray ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Rico.

I have one last act  to do before I complete explode with anger. The same anger I was holding since kahapon pa. It might have subsided a little. But I just remember how Aira talked about the easiest way around this; death, and all my anger comes raging back, doubled in size, every time.

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon