Chapter Nineteen

1 0 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

Akala ko tapos na yung mga ‘happenings’ dito sa buhay ko, kahit man lang sa araw na to… kaso hindi eh.

After class, niyaya ako ni Michael na magpaiwan sa room namin para makapag-usap daw kami. Kahit gustong gusto ko na talaga umuwi, sumunod ako. Nagvolounteer kami na  maglinis ng room. Kahit si Bes, nauna na.

“So… Lex, nangako ka na ahh?”

“Hah?” naguguluhan kong sabi kasi di ko talaga alam kung ano yung pinagsasabi nitong lalaking to. Nakaupo kami sa front row, ako nagtatali ng sapatos, siya naglalaro ng flappy bird sa phone. Kakatapos lang namin maglinis actually.

“Mangako ka sakin nalalayuan mo na yung gagong yun.”

“Michael!” saway ko. Di dahil nagmura siya. Okay lang naman yun. Expression lang naman yun. Basta’t walang ibang makakarinig pwera sa mga kaclose mo at friends. “Ano ba ginawa sayo nun?”

Pinanlakihan niya ko ng mata.

“Eh pasensya ka. Ala ako alam kasi yung katabi ko ayaw sabihin sakin kung ano yung problema!” di ko sinasadyang medyo tumaas ang boses.

He sighed. “Okay, fine. Break na kami ni Elaine. Yan, alam mo na.”

“Break na kayo?” I almost gasped but I kept my silence. “Pano niya sinabi?”

“Di na mahalaga yu—“

“Heh! Sagutin mo na lang. Pano pagkakasabi niya?”

“Sabi niya na  ang hirap daw ng sitwasyon namin. Baka kailangan daw muna namin ng break. Kailangan muna namin ng cool off.” Sabi niya habang napansin ko na medyo napayuko siya and he was clenching his fists.

I nudged his shoulder with mine.

“Huy. Wag ka ganyan. Sabi niya ‘Cool off’.”

“Sabi din niya na kailangan namin ng break.” He pointed out.

“Oo nga. Pero sabi ng intuition ko na di pa yan permanent. Habulin mo bago makalayo.”

He forced a breath out.

“Teka nga, ano ba nangyare? Magsorry ka kung ikaw yung may kasalanan hah. Wag mo din papatagalin. Don’t be too passive.”

“Kasalanan kasi yun ng Luke Montielle eh.”

“Yan ka na naman eh! Di mo naman ipinapaliwanag eh! Panay ka naman paninisi eh!” I playfuly teased him to lighten the mood and score! I just earned a smile from him tugging in his lips.

“Siya naman talaga may kasalanan kasi…”

“Hah? Huwag ka nga bumulong diyan! Di ko naman marinig eh!”

“Ala! Sabi ko ala! Break na nga kami! Basta mangako ka na!”

“Eh? Bakit nga??” ang gulo gulo naman nito kausap eh.

“Basta..! Oy, patingin nga ng kamay mo..”

“Hah? Bakit? Ang gulo mo kamo! Gumagamit ka ba ng marijuana?”

“Di ah.” Tinaas ko na yung kanang kamay ko sa harapan niya.

“Ano gagawin mo sa maganda kong kamay?”

“Turo mo yung kisame.” Uto uto naman akong sumunod. “yan, tapos ibuka-sara mo.” Teka, parang bata lang ah. Close open, close open. “O’ge, stop.” Sabi niya.

“Oh, tapos--?”

“Oh, yan, nagpromise ka na ah!” sabi niya sabay tayo at kuha ng bag nya. “Sige, bye Lex! Ikaw na bahala mag-lock ng room ah?!” sabi niya habang paalis ng room namin habang ako, naiwan dun na nakaupo, nakataas pa rin yung kanang kamay at halos nakangana na.

The Eighteenth HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon